Chapter 39 Dahan-dahang iminulat ni Heaven ang kaniyang mga mata at paupong bumangon sa papag na hinihigaan niya, hindi napigilan ni Heaven na mapangiti dahil aaminin niya na sobra niyang na miss ang kwarto niya. Sa tagal ng ilang taon na puro tawag at video call lang siya sa pamilya niya talagang ipinagdadasal niya na kahit isang araw lang ay makasama niya ang mga ito at nangyari na nga. May ngiting nag-unat ng kaniyang mga braso si Heaven ng dahan-dahang mawala ang ngiti sa labi niya ng agad na rumehistro sa isip niya si Devil na dali-dali niyang ikinatayo sa pagkakahiga niya at patakbong lumabas ng kwarto at agad hinahanap ng kaniyang mga mata si Devil na hindi niya makita sa sala. Mabilis na lumabas si Heaven para hanapin ito pero kahit sa labas ng bahay nila ay wala ito. “

