Chapter 34 Kanina pa hindi mapakali si Heaven sa kina-uupuan niya dahil sa kaba na nararamdaman niya lalo na at sinabi ni Demon na malapit na sila makarating sa bahay ng mga nina Devil. Hindi niya mapigilang hindi kabahan dahil makikilala niya ang mga magulang ni Devil na may bahagyang takot siyang nararamdaman dahil baka hindi siya matanggap ng mga ito para kay Devil dahil isa lang siyang simpleng teacher. Mayaman si Devil kaya naiisip ni Heaven na baka ang gusto ng mga magulang nito para sa anak nila ay katulad nilang mayaman at may kilalang business. Hindi niya magawang makampante kahit sinabi ni Devil sa kaniya na magugustuhan siya ng mga magulang nito pero kailanagan din ihanda ni Heaven ang sarili sakaling hindi siya magustuhan ng mga ito. “Alam mo Heaven hindi mo nam

