Chapter 36 “I’m sure gaganahan na kumain ang asawa mo at ang kambal sa niluto natin, nakakatuwa na buo tayong kakain ng magkakasama sa hapag mamaya.” “Namiss ko din po ito mommy, matagal din po na hindi natin nakasama si Kuya Demon. Si Kuya Devil naman naging madalang na ang pag-uwi dito dahil naging abala sila sa U.S, kaya minsan si daddy hindi mapigilang magtampo.” Ngiting sambit ni Irish habang inilalapag ang huling ulam na niluto nila ni Heaven. “Ok na, sina Kuya at Paxton nalang ang kulang.” Hindi mapigilang mapangiti ni Heaven sa pamilya meron si Devil, nakikita niya na masaya na sina Irish kahit sa hapag lang sila maging kumpleto. Hindi tuloy naiwasan ni Heaven na mamiss ang pamilya niya sa probinsya nila, matagal na din siyang hindi nakakabisita at higit sa laha

