Chapter 41 “Sabihin niyo nga sa akin nay, ano bang utang ang sinasabi ng Deniel na ‘yun? May hindi ba kayo sinasabi sa akin?” Pagka-uwing pagka-uwi ni Heaven ay agad na iyon ang itanong niya sa kaniyang ina na nakikita ni Heaven sa mukha nito ang pag-aalinlangan na sabihin sa kaniya ang kung anong dahilan kung bakit sila nagkaroon ng utang sa pamilya Faminiano. “Nay?” “Eh kasi Ate si tat—“ “Peter?!Hindi ka dapat sumasabat sa usapan ng mga matatanda.”sitang sermon ng ina nila na ikinatakip lang ni Peter sa bibig niya. Nararamdaman ni Heaven na meron talagang hindi sinasabi ang mga magulang niya sa kaniya, alam niyang hindi mangu-ngutang ang mga magulang niya kung wala itong mga sapat na dahilan. Pumasok sa isipan ni Heaven na baka may nangyari sa tatay niya habang wa

