Chapter 47 “Uhmm, L-leigh sigurado ka ba na susuotin ko ‘to?” Nakatingin ngayon si Heaven sa malaki niyang salamin sa kwarto niya at pinagmamasdan ang sarili niyang suot-suot ang wedding dress na binili nila ni Leigh kanina. Matapos ang nakakakilig na proposal ni Devil kay Heaven ay agad na silang nagtungo sa bahay nila ni Leigh para ayusan na siya nito habang naghihintay sa ground ang pamilya niya, pamilya ni Devil, mga kaibigan nito at mga kapitbahay nila, ang paring magkakasal sa kanila at lalo na si Devil. Hindi mapigilan ni Heaven na makaramdam ng hiya dahil sa suot niyang wedding dress na sa tingin niya ay too much revealing, hindi siya sanay mag-suot ng ganitong dress. Hindi naman kasi niya alam na ikakasal na pala siya ngayong gabi ding ito at hindi niya inakala na ang wedding d

