Nakasimangot akong nakatingin sa wine glass ko habang patuloy naman sa paguusisa ng gamit ang babaeng hindi ko akalang makikita ko pa.
"Ang ganda talaga ng chandelier. Bigatin ka na pala, Clarity--"
"Ano bang ginagawa mo rito? Ano ba ang tunay mong sadya? Kung makikipagplastikan ka, sorry, wala akong oras kaya makakaalis ka na," Inis kong sambit. Nilagay ko ang wine glass sa center table at akmang tatayo na nang sa isang iglap ay hawak hawak na niya ako ng mahigpit sa balikat. I flinched. Her nails dug on my skin that made my eyes turn into something that I didn’t know would turn to.
She smirked. "I'm here because kailangan kitang bantayan. Ayaw mo ba 'yon? May tagabantay ka pa. Instant friend pa. Sa'n ka pa? Pasalamat ka nga at hindi ko sinabi ki na Justin na nandito ka…"
Muli niyang pinasadahan ng tingin ang kastilyo. She's getting into my nerves. "Just let me stay here for a moment. And, hell, this place is awesome, Clarity!" sabi niya pa na ikinainis ko talaga ng husto. Hinawi ko ang kamay niya sa balikat ko at mabilis na ikinalso siya sa dingding.
I looked at her head to foot, still not changing my eyes. My nails were longer than usual, the reason why it dug on her neck. "Tangina mo. ‘Wag ako, Khione. ‘Wag ako. Alam na alam ko ang pakay mo." Nanggagalaiting sabi ko. Tumawa naman ito ng pagak.
Mas hinigpitan ko ang pagkakalso sa kanya at kulang nalang talaga, mapuputol na ang leeg niya. Blood dripped from her neck to my hands. The smell of her blood disgusts me…
I have my reasons why I am being like this to this b***h. She’s no other than Don Francisco’s love child to another woman, anak sa labas ng gobernador ng lungsod kung saan ako nakatira dati. Ang babaeng walang ginawa kung hindi ay apihin ako noong hindi pa ako kinukulong sa kwarto ko.
"Hmm. T--talaga ba? Alam mo ba na ang pakay ko ay ikaw? Hindi si Hendrick…" Halos magkulay lila na ang kan’yang mukha pero hindi ko pa rin siya tinigilan. Itinapon ko siya sa isang lamesang may plorera kaya nabasag ito.
I looked at her, unbelievably. She has this f*****g presence na kaiinisan mo talaga ng husto. She smiled goofily and held her neck. It turned red. I smiled. Sana tinuluyan ko nalang siya.
She laughed again. "You're getting stronger and stronger. Is it because of the curse? I don't exactly remember you this strong. f**k, that hurts."
Nabalik sa dating anyo ko ang aking mata. Para akong tinakasan ng ulirat at kulay. I didn't expect her to know that, too. Nanghina ako at napahawak sa malapit na sofa. This b***h really knows how to pull the trigger.
"Now, Clarity--"
"Freya!"
Napaangat ako ng tingin sa sumigaw.
Eigen with his just-woke-up hair, came running to me. Nakitaan ko siya ng sobrang pag-alala kaya napakunot ang noo ko. Maybe I'm dreaming?
"Are you okay? May masakit ba? Why are your lips colored gray? Did you missed breakfast? Tell me--" nag-aalala nitong sabi pero hindi napatuloy kasi sumingit si Khione.
"Hello? Hindi ako extra sa storya niyo ha. I still exist!" She whined. Eigen's brows furrowed and look at me before he bounced back his glare at Khione.
"Who the hell are you? Why are you here?" anito at napatayo ng maayos. Khione smile sexily and licked his lower lip.
May mapapatay ata ako mamaya.
"I'm Aren Laylah De Guzman, Mr. Handsome. Clarity’s close friend and can be called sister--"
"b***h you're not my friend nor my sister… I never considered you one!"
"Oh, dear. Wag mo ako ideny. Porket nakatira ka na pala sa ganito kalaking kastilyo, ganyan ka na. Tsk, tsk. That's rude, you know. Kung malaman iyan ni daddy, baka pumunta iyon dito at kaladkarin ka pauwi."
Hindi ako nakasagot sa kan’ya nang magsimulang sumakit ang ulo ko. Nasapo ko ang noo ko.
"Freya...." I can sense he's panicking pero hindi ako makasagot dahil sa naghihilab kong ulo. I scowled at Khione na ngayo'y nakangiti na para bang nanalo. I really, really, really hate her smile. Resembles that old goon so much…
"Freya? Anong nangyayari? What the f**k is happening-- Yeugih! Larken! Louen! Georgianne!" Natatarantang sigaw ni Eigen na ikinagulat ko. Why is he calling for help?
Bago pa man ako mawalan ng malay ay napatingin pa ako kay Eigen. His eyes turned red at nahihirapang huminga. Sinapo niya ang pisngi ko.
"Hey, Freya… what’s happening, exactly?" Marahan niyang sabi at napahawak na sa likod ng sofa.
I don't understand. Ako lang dapat ang nakakramdam nito… bakit pati si Eigen?
Mariin akong napapikit at nilingon si Khione na hindi na mapakali sa kinatatayuan niya. I scowled.
"Stop playing you b***h--"
"I am not doing anything!" She yelled.
Napalingon sa kan’ya si Eigen.
"Then what’s happening? Why does it hurt… Freya…” nahihirapang sabi ni Eigen.
Napayuko ako at huminga nang malalim, sakaling hindi na sumakit ang ulo ko, kaso bago pa man ulit ako makahugot ng hininga ay nasugod na ni Eigen si Khione. Nanlaki ang mata ko nang ikalso niya ito sa dingding at tinapon sa kung saan.
"Alpha! You're not fully healed! Stop wasting your energy!"
"Oh my god, here he is again! Alpha, no!"
"Alpha!"
Ilang yapak pa ang narinig ko bago ako makaramdam ng magaang paghinga. Well, I guess Eigen hurt her or scared her. Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila. I focused on breathing bago ko sila nilingon.
Pilit na pinipigilan ni Larken at Yeugih si Eigen pero ayaw paawat nito. Hindi niya naman magawang hawakan si Khione kasi nilalayo na ito ni Georgianne. Napabaling ulit ako kay Eigen na nagsisigaw na sa galit. Agaran akong tumayo, baka sakaling mapakalma ko si Eigen.
Panay ang tanong ni Georgianne kay Khione na nakatanga kung ano ba talaga ang nangyari. I immediately held Eigen's arm. Nilingon niya ako at pilit na kinikilala. I smiled awkwardly. Nanginginig ang kamay kong idinikit sa kanyang pisngi. Marahas ang kanyang hininga at malalalim ito. Para siyang galing sa isang 40km run.
"Hey, hey. Relax. Relax. Wala na.It’s true that it wasn’t Khione. Wala na, hindi na masakit. Shh. Relax," I said softly while caressing his cheeks. Unti-unting naging kulay asul ang kaninang pula at nabalik ang dating anyo nito. He looked at me with a weary eyes and hugged me tight. I'm stunned.
Sa higpit ng yakap niya, para na akong nasasakal kaya tinapik-tapik ko ang likod niya.
"I--I thought.... Damn it." He mumbled before I felt his hand, caressing my hair.
Binalot kami ng katahimikan. Tanging paghinga ko at kay Eigen lang ang naririnig ko. Also, I can feel my own heartbeat, racing so fast that my chest hurts. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa 'kin.
Ibinaon ko ang mukha ko sa balikat niya. I inhaled his scent. s**t, ang bango.
"That scared me for real," he whispered, still caressing my hair. Napasinghap ako nang maramdaman kong lumapat ang labi niya sa noo ko. Halos mabuwal ako sa pagkakatayo, but thanks to his fast hands, hindi ako natuloy. I remained my shocked face while him, nakatingin sa 'kin. An amused smile crept on his lips.
"Baby, my wolf is giving up. He wants you really, really bad. I ate what I said, I’m sorry…”