Hebe Mahigpit ang pagkakapikit ko, nakahawak ako sa sink habang nagdadasal na matapos na siyang maligo, nakalipas na ang labing limang minuto pero hindi parin siya tapos, naririnig ko pa siyang pasipol sipol "Sky..." bulong ko habang ang pawis sa noo ko ay nag uunahan sa pagtulo "Oopss... I run out of shampoo, can you please pass one to me?" ANO? LABING LIMANG MINUTO NA SIYA SA LOOB HINDI PA SIYA NAKAKAPAGSHAMPOO? "It's in the cabinet below the sink..." rinig kong sabi niya, binuksan ko iyon saka tumambad sa akin ang mga supply niya ng shampoo, sabon, facial wash, facial scrub, bath salt, after shave mask, shower gel at kung anu-ano pa! Kinatok ko ang frosted shower room niya, lumakad siya palapit sa may salamin kaya naman nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin, mas malapit mas malinaw

