Chapter 2

1604 Words
Elaine "Mam teka lang!" habol sa akin ni Mang Caloy habang pinapayungan ako, pero sobrang excited ko ng makapasok sa loob ng bahay kaya di ko na siya pinansin, tumawag kasi si Mommy Elise kanina, dumating na raw si Daddy galing Singapore. I'm Elaine Co, 15 years old, half Chinese, my father is Richard Co, nasa Shipping Industry ang business namin, my real Mommy, Janice Co died the day I was born. Mommy Elise was my real mom's bestfriend and now my stepmother. Matagal na rin akong nag-aantay ng kapatid from Mommy Elise pero until now wala parin, excited rin akong magkaroon ng baby dito sa bahay ilang beses ko silang kinukulit tungkol doon pero wala talaga eh. Since nag-iisa akong anak, I'll do whatever my father says, I do ballet and painting. Kaya ko rin magplay ng piano at violin, kahit theater act ginagawa ko rin. Iyon ang gusto ni Daddy eh, ang maging magaling ako in all field. Okay lang lang sa akin lahat yun, isa lang naman ang gusto ko eh... Si SKY... HAHAHA! May chef ding binabayaran si Daddy para maturuan akong magluto, mag bake, garnish at kung anu-ano pa. Nag-aattend din ako sa fencing class ko every Sunday pero hanggang 3 hours lang yun, hiniling ko kasi kay Daddy na mas gusto kong magpahinga during Sundays... pumayag naman siya kaya instead na half day ang ina-signed niyang time sa akin nabawasan yun at naging three hours na lang. Sumasama rin ako sa foundation nila Tita Sophie, mommy ni Sky, future mommy ko, every time na may events sila. Hmm, minsan nga lang sumama si Sky sa mga ganung event, busy kasi masyado sa buhay, kaya naiintindihan ko siya kung mas pipiliin niyang magpahinga during free time niya. "Elaine..." harang sa akin ni Mommy Elise "Bakit po Mommy Elise?" tanong ko sa kanya "Pupuntahan ko po si Daddy sa office niya..." dugtong ko "A-Ah eh, bukas mo na lang siya kausapin..." pigil niya sa akin, tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, medyo mahigpit iyon "P-Pagod kasi siya..." saka niya lang binitawan ang braso ko "Ahh... Daddy told me na he missed me so much... I want to see him now..." magalang kong paalam sa kanya pero bago pa ako makahakbang, hinawakan na niya ako sa magkabilang balikat "Elaine, please understand... I know you miss your daddy so much pero let him rest muna okay?" mahinahon niyang sabi sa akin "M-Mom-" "ELAINE!" medyo tumaas ang boses niya kaya napaatras ako at napayuko "A-Ah... sige na kasi.. go to your room..." utos niya sa akin, nakakatakot talaga si Mommy Elise kahit kunting taas lang ng boses tapos lalaki pa ang mga mata niyang nakatitig sa iyo! Hindi na lang ako sumagot matapos niya akong sigawan, sumunod na lang ako s autos niya  "Elaine..." tawag ulit sa akin ni Mommy Elise bago pa ako makahakbang sa hagdan "Manood ka muna sa cartoon channels huh... wag mo munang ilipat sa ibang channel...at maligo ka na agad, baka magkasakit ka!" sabi niya, tumango na lang ako at naglakad na paitaas. I took a shower for almost 30 minutes saka kinuha ang blower sa bedside cabinet ko, pinapatuyo ko ang mahaba kong buhok ng maya-maya may kumatok na sa may pinto "Pasok!" "Elaine..." si Yaya Silva pala, yaya ko siya noon pa, 35 years old lang siya, napakabait niya at close na close rin daw sila ni Mommy noon, anak kasi siya ng Yaya ni Mommy Janice... "Ya!" sagot ko saka ngumiti sa kanya "Ito na paborito mong meryenda..." saka niya inilapag sa ibabaw ng kama ko ang tuna sandwich at 100% orange juice drink "Salamat po Ya!" pasasalamat ko saka niya hinaplos ang pisngi ko "Napakaganda mo talaga... " sabi niya habang hinahaplos ang iyon "Kamukhang-kamukha mo ang namayapa mong ina..." pahabol niyang sabi saka siya ngumiti "Talaga po?" tanong ko sa kanya, tumango siya at mas lalong lumapad ang ngiti "Sige, kumain ka na muna Iha... tatawagin na lang kita para sa hapunan mamaya..." saka siya ngumiti ulit, tumango lang ako at hinatid siya ng tingin palabas ng kwarto. After few minutes I'm done with my snacks, nabobore ako! I opened my laptop to check kung my updates na sa favorite stories ko sa w*****d, medyo nadismaya ako na wala pa, ahay! Busy siguro ang mga author ng mga iyon. I turned off laptop saka ibinagsak ang katawan sa kama. I always think na napakaswerte ko kasi hindi ako nakaranas ng hirap unlike those street children. Maswerte ako kasi kahit namatay ang Mommy ko, I still have my Dad, Mommy Elise, Yaya and most specially SKY, my everything! Kahit sobrang sungit nun, okay lang sa akin, sanay na ako at nararamdaman ko na mahal din naman ako nun eh, nahihiya lang siyang sabihin, Male Ego you know! In ten years of being together (oh di ba parang mag-asawa lang! HAHAHA), sige na nga rephrase! In ten years that we've known each other, alam na alam ko kung anu-ano ang ayaw at gusto niya. Promise, ask me everything about Sky, masasagot ko sa iyon! Favorite Color? Blue! Though walang siyang sinasabi pero yun kasi ang kulay sa karamihan ng gamit niya. Favorite Food? Anything, hindi siya pihikan, wag nga lang iharap ang bell peppers, hate niya yun at shrimp, allergic siya dun! Sa gwapo at talino ni Sky, wala pang naging girlfriend yun o kaya niligawan, well subukan lang niyang tumingin sa iba! Ten years ang idenidecate ko sa kanya huh! Hmp! I smiled habang nakatingin sa ceiling, grabe, wala na akong naging crush na iba bukod sa kanya, kahit noon pa mahal na mahal ko na siya, oo bata pa ako pero alam ko tunay ang nararamdaman ko at hindi na magbabago iyon! Niyakap ko ang teddy bear na kasing laki ko  "Eeeeeiiiiiii" kinikilig ako ng sobra sa tuwing naaalala ko yung moment namin kanina ni Sky, yung binalikan niya ako at pinayungan, sus kunwari pang walang pakialam sa akin, HAHAHA! Tapos yung niyakap ko siya tapos hinayaan niya akong gawin yun... grabe, yung t***k ng puso ko di ko maipaliwanag! Kung alam niyo lang! Naku kung alam niyo lang kung gaano ko siya kamahal! Sigh Inunat ko ang kamay ko, tsaka ko nakapa ang cellphone ko sa gilid, kinuha ko iyon, cheneck ko ang picture gallery ko, bukod sa mga pictures ko, pictures lang ni Sky ang mga naka saved dito, panay stolen shots pa. Ayaw kasing magpapicture nun sa akin eh! Haay ano kaya ginagawa nun ngayon? Matawagan nga!  Naka dalawang attempt calls na ako pero hindi parin niya sinasagot, I dialed it once more at sa wakas sinagot niya sa last ring "ANO?" as usual pasigaw ng sagot, pero I assure you, kahit nakakunot noo itong mahal ko, super gwapo parin niyan!  "Hmm... kumusta ka na?" mahinahon kong tanong, sabi nga nila di ba, sa mag-asawa mahalaga ang undertandings, kung mainit ang ulo ng mister mo, wag mo ng salubungin!  "TUMAWAG KA PARA LANG DIYAN?" medyo nilayo ko ang phone ko sa tenga ko, high pitch lagi si Sky eh! "Eh na miss na kita eh..." sagot ko sa kanya, kala ko sisigawan niya ulit ako pero nagtaka ako dahil nanahimik sa kabilang line, nangiti ako dahil doon  "Oh natahimik ka? KINILIG KA NO?" pang-aasar ko sa kanya "OF COURSE NOT! " balik sigaw niya "IF YOU GONNA WASTE MY TI-" "WAIT! DON'T HANG UP THE PHONE!" pigil ko sa kanya, alam ko bababaan nanaman niya ako eh "gusto ko lang naman marinig ang boses mo eh..." "Three hours ago lang ng huli mo akong makausap..." sagot niya sa akin, alam ko poker face nanaman siya "Eh sa gusto kong parating marinig ang boses mo eh..." pagmamaktol ko, narinig ko ang pag buntong hininga niya, okay na iinis nanaman siya, pero ano magagawa ko? Eh sa gusto ko siya parating kausap, katabi, eh sa mahal ko eh... ano magagawa ko? "Osige na, sorry na!" dugtong ko "hmmm... gusto mo kantahan kita?" nabuhayan ako ng sigla "Sayang sa load Elaine Co!" Elaine Ko! "Hindi naman ikaw nagbabayad eh..." sagot ko "Sige na.... wag mo ibababa ahh..." wala akong narinig na sagot, pero SILENCE MEANS YES DI BA? So ito na, I cleared my throat! "Ehem... makinig kang mabuti huh..." kinuha ko ang guitar na nasa bedside ko lang. I started to strum my guitar (Now Playing A Thousand Years).  ♫  ♩Heart beats fast Colors and promises How to be brave How can I love when I'm afraid To fall But watching you stand alone All of my doubt Suddenly goes away somehow One step closer ♫  ♩  I was staring at my phone's screen, checking if he hanged up already pero hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko ng makita kong andun parin siya! Sky is not like this, sa tuwing hihilingin ko na makinig siya sa pagkanta ko, he always press the end button immediately pero ngayon, ngayon nakikinig siya! I was on the half way na ng kanta para matapos but at the moment I saw na connected parin ang line, mas lalo kong dinamdam ang kanta!  "I have loved you for thousand years...I'll love you for a thousand more" patapos ko doon, may ngiti sa mga labi ko habang binibigkas yun, daig ko pa ang nag concert sa sobrang tuwa! I cleared my throat saka nagsalita "OH DI BA-" pero agad rin akong napatigil  ng marinig ko ang end call tone "Oi, hello? Oi Sky?" grabe binabaan ako? I sighed. Pero at least pinatapos niya yung kanta di ba? HAHAHA masaya na ako dun! Kung alam niyo lang kung gaano ko siya kamahal! Kung alam niyo lang! Giggles
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD