Hebe Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman ko ang malakas na ulan at hangin sa labas! Ano ito? May bagyo nanaman? Mabuti na lang walang kasamang pagkulog at pagkidlat, inayos ko ang kumot ni Chloe, malamig ang gabi... naka tutok rin sa amin ang electric fan na kailan lang nabili ni Kiro... siya kasi ang gumagamit ng luma sa may sala. "KIRO!" tawag ko sa kanya ng makalabas ako ng kwarto, sa may upuan siya natutulog "Yung mga sinampay sa may terrace!" saka naman siya agad bumangon at sinamahan akong kunin ang mga damit, malakas ang hangin at ulan, halos nabasa na rin kami pero nagawa rin naming isilong ang mga iyon. "Hebe..." saka ako napatingin sa kanya, inabot niya sa akin ang tuyong twalya "Magpunas ka!" saka ko naman iyon inabot "Kiro... pwede ba tayong mag-usap?" saka siya tuming

