Hebe "Mama!" salubong sa akin ni Chloe saka ako hinalikan sa pisngi "Uhm? Umiyak ka ba mama?" tanong niya sa akin, pinisil ko ang pinsgi niya saka pilit na ngumiti "Hindi anak bakit mo naman naisip yan?" tanong ko sa kanya "Saan pala ang Tito Tatay mo?" "Nasa terrace po..." magalang niyang sagot sa akin saka bumalik sa nilalaro niyang manika, ngumiti ako kay Chloe saka naglakad patungong terrace, napahinto ako ng marinig kong may kausap si Kiro. Sumilip ako sa pinto para makita kung sino iyon pero kumunot ang noo ko ng malaman kong may kausap siya sa telepono, mukhang seryoso. "Kinakausap ko na siya..." rinig kong sabi ni Kiro "Kaya nga ginagawa ko na ang lahat eh... Oo...pwede ba ikaw naman ang bumalik para manggulo!" kumunot lalo ang noo ko, manggulo? Sino ba kausap niya "Oo, isasama

