Hebe "Good Morning..." bati sa akin ng isang matangkad na babae habang nagtitimpla ako ng kape dito sa isang kwarto na kung saan libre ang supply ng kape, asukal, creamer at mainit ng tubig. "Good Morning..." bati ko rin sa kanya, maputi siya at nakasuot ng skirt. Nagagandahan ako sa buhok niya na hanggang sa leeg lang, shiny iyon at itim na itim. "I'm Carla..." abot niya ng kamay sa akin "Limang taon na akong nagtratrabaho dito..." sabi niya sa akin "Secretary ako ni Sir Miguel..." talaga? Sa ganda niyang yan secretary din siya? Ilang taon na kaya siya? Mukhang kasing edad ko lang siya eh, siguro maaga nga siyang nagsimula dito. "Hebe..." abot ko sa kanya "Under training pa ako para maging secretary ni Mam Sophie..." bigay impormasyon ko sa kanya "Ohh, so ikaw ang papalit kay Miss L

