Hebe Maaga akong nagising para ipagluto ng almusal ni Chloe at Kiro. Lunes nanaman at lahat nanaman kami aalis ng bahay. Oo, babalik na si Kiro sa pagtratrabaho dahil tuluyan ng gumaling ang paa niya. Hindi parin niya ako kinikibo at parang hangin lang akong dumadaan sa harap niya. Hindi ko na lang pinilit ang sarili ko dahil alam kong galit pa siya at ayaw kong lalo kaming mag-away. Inayos ko na ang mesa at nagluto na rin ako para sa hapunan mamaya. Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi pero sisikapin kong dito kumain mamayang gabi para masaluhan ko ang dalawa. Narinig ko ang paglabas ni Kiro mula sa CR. Tapos na siyang maligo at pinupunasan niya ng maliit na tuwalya ang basa pang buhok. Nakatapis lang siya para sa pang-ibaba niyang katawan "Kiro!" tawag ko sa kanya ng lalagpasan

