Hebe Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang mood ni Sky, nakailang buntong hininga na ako pero hindi pa rin niya ako kinikibo. Nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin sa rear view mirror ng sasakyan pero sa tuwing titingnan ko siya umiiwas lang siya ng tingin. Nakaalis na kami sa buhul-buhol na trapiko, dire-diretso na ang takbo namin at ilang minuto pa ay nahinto na ang kotse sa tapat ng apartment building namin. "Salamat..." sabi ko saka tinanggal ang seatbelt, tinignan ko ang unit namin, walang nakasinding ilaw, tinignan ko ang orasan ko, mag aalas-otso na ng gabi, saan kaya nagpunta yung dalawa? "BE!" napatingin ako sa kanya "B-Bakit?" tanong ko, nakita ko siyang pumikit at bumuntong hininga "Hindi mo ba ako papababain?" tanong niya sa akin at ngumiti, ano bang nasa isip niya

