10 years later... Milan, Italy Elaine "Cielo, stop running!" sigaw ko matapos niyang bumitaw sa kamay ko, naramdaman ko ang paghawak ni Sky doon, saka ako tumingin sa kanya saka ngumiti. "Stop worrying, kasama naman niya ang Kuya at Ate niya..." Sky told me saka mas lalong hinigpitan ang hawak, napatingin ako kay Chloe na busy sa pagkuha ng pictures ng dalawa habang tuwang-tuwa si Cielo sa paghuli ng mga kalapati. Chloe gave her name at pumayag naman kami ni Sky, after all, tingin naman namin bagay na bagay sa kanya iyon. We are here to have a family vacation, nag leave si Sky sa trabaho para magkaroon ng maraming oras sa bonding naming buong pamilya. Cielo is turning eight next month at sunod nun ang debut naman ni Chloe, lahat yun pinaghahandaan na namin. Cloud is eleven years old,

