Bryar Matapos naming kumain ng umagahan na si Miguel mismo ang naghanda, napagpasyahan muna naming sanayin ang aming sarili sa loob ng bahay. At nang mapag-aralan na namin ang mga pasikot-sikot at ang mga kagamitan ay saka naman kami nag-ayos ng aming mga gamit sa kwarto na gagamitin nam. Hindi katulad dati na halos mapuno na ang aking kwarto dahil sa mga kagamitan ko, ngayon, kaunti lamang ito dahil walang gamit na iniwan dito ang fiancé ni kuya Dalton at kaunti rin lang ang naibalot nila para sa amin. Pero ayos lamang iyon dahil mamaya, napag-usapan na namin ni Miguel na mamili sa malapit na pamilihan dito. He went to the bathroom. Ako naman ay pinag-kasya ang sarili sa panunuod ng hampas ng alon ng dagat sa bintana ng kwarto. Finally, I felt at peace. I finally felt like everything

