Bryar Nagising ako na parang maduduwal kung kaya’t kahit pikit pa rin ay tumakbo na ako patungo sa banyo. Halos maubos na ang lamang-tiyan ko dahil sa pagsuka. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa hilo na nararamdaman. Parang binibiyak ang ulo ko. Inalala ko ang nangyari kagabi pero ang tanging huli kong matandaan ay ang nagsasayaw kami nina ate Vanessa habang hawak-hawak ang mga baso ng aming iniinom na alak. Bumalik din kaagad ang mag kasama ko nang mauna kami ni Miguel sa aming table. At doon, uminom ako nang uminom hanggang sa nagyaya na sina ate Vanessa sa dance floor kasama sina ate Lisa t ate Belle. Hanggang doon lamanga ng natatandaan ko. Napakapit ako sa pader at nanghihinang sumandal. Ang sarap uminom pero ang hirap kapag malasing. Oh ghad! This hangover won’t stop me from ge

