Chapter 4: Naive

1888 Words
Miguel Sobrang busy na naman ng lahat dahil nalalapit na naman ang sports festival ng aming University. All college levels are busy preparing for the event. Napakabilis ng panahon. Parang kailan lang ay kakasimula lang ng pasukan at ngayon ay buwan na ng Sityembre. Our sports fest is always held on the whole third week of September. We will have games and events like basketball, volleyball, badminton, table tennis, soccer, billiards, athletics, board games, battle of the bands, dance sports, cheer dance and pageant. These are just some of the activities held and there are still more but the highlights of the sports fest that's really awaited by many are the basketball, volleyball, cheer dance and pageant. And as a volleyball player, we are busy with our training every afternoon. We don't need to attend to our classes unlike our normal classmates who did not joined any of the events. We are already excused. Since it is already on the second week of September, grabeng bugbugan na sa page-ensayo ang bawat manlalaro. At ngayon nga ay narito kami sa sports room ng aming department. You can call it a mini gymnasium. Just exclusive for the Business and Management Department. We just finish the technique that our coach wants us to learn and now we are taking our rest. Narito kami sa kalahating parte dahil sa kabila ay ang mga nagba-basketball. Sa gilid ay ang nagba-badminton. Nakikita ko si Killian na ngayon ay may kapit ng bola at ang isa nilang kasama ay hinaharangan siya. At dahil isa ring tuso ang pinsan kong ito ay nagkunwari siyang dadaan sa kaliwang parte at dahil doon ay sumunod ang nagbabantay sa kaniya. Pero hindi pala doon ang pakay niya. Umikot siya at sa kanang parte idinaan ang bola. Nakatakas siya sa nagbabantay habang dini-drible niya ang bola. At doon, nai-shoot niya ito ng lampas sa linya... ibig sabihin ay three points iyon. Mayabang. Tsyamba lang iyon. Kung ako siguro ay pumasok sa basketball at hindi sa volleyball ay baka hindi na matigil sa kakatili ang mga manunuod na babae. At dahil masyadong pasikat ang pinsan ko at nakakasawa naman masyado ay nagpasya na lang akong mag-CR muna. Dito rin sa loob ang mga CR. Oo, ganoon kalaki ang sports room ng aming department. Narito rin ang shower room namin. Dito kami nagsha-shower pagka-natapos na ang aming laro. "Bro, if coach will look for me, tell him I will just go to the CR," pakiusap ko kay Luke. Isa sa mga seniors namin. "Sure. Take your time. We will start in twenty minutes from now." Ang haba pa ng oras ng break namin. Masyadong natutuwa si coach sa aming ginagawa at natututunan kung kaya't nakakapagpahinga kami ngayon nang matagal. "Thanks," sagot ko at lumakad na. May mga babae rin dito dahil kasama rin namin sila na nage-ensayo. At dahil ang isang tulad ko ay agaw pansin sa kagwapuhan, kahit naglalaro sila ay napapalingon sila sa akin at halos maglaway na sa nakikita. Kapansin-pansin din ang bulungan nila na tiyak kong ako ang pinag-uusapan dahil sa akin tumitingin matapos sabihin sa kasama ang nais sabihin. Masyadong pahalata. Ekis na sila sa akin. I'm just wearing our jersey short and sando with towel on my nape. Dahil doon ay nakikita nila ang malulusog kong bicep. Hindi pa ako naghuhubad nito. Poor girls. May iilang nanunuod ng practice. Pwede naman dito ang nanunuod pero dahil busy rin ang iba ay may kani-kaniya silang pinagkaka-abalahan. Ang iba naming kaklase na hindi sumali sa kahit anong events ay busy naman sa booth na kailangang itayo. Required iyon sa bawat department. Doon ay kikita rin kami dahil kung hindi magtitinda ng pagkain, gamit o damit ay may mga dating booth, karaoke booth, marriage booth at marami pang iba na may bayad din. Matapos magbawas ng maruming likido sa katawan ay nagsalamin muna ko upang masilip ang aking kagwapuhan. Kahit pawis ay hindi man lang nasisira ang aking napakagandang itsura. I am really grateful to my parents for giving me good genes. I don't like any other girls even the prettiest in the whole University. No reasons. I just don't. Girls will always be on the last list of my priorities. Malapit na ako sa pwesto ng aming pinaglalaruan nang mapansin na buhay na buhay ang aking mga kasama, kani-kaniya ang ngisi at ganoon na rin sa iba pang mga manlalaro. Panigurado ay may maganda na namang nanunuod. Noong nakaraan kasi ay may nanuod dito na magiging muse ng aming department at ilalaban sa pageant. Karamihan ay siglang-sigla sa paglaro at pagpapasikat sa kaniya at hindi ako isa doon. Siguro ay nariyan na naman siya upang manuod o kaya ay tapos na ang kanilang ensayo. Masyado silang uhaw sa maganda ay kahit saan naman ay may babae. I appreciate the looks but not to the point that I will like them. Hindi ko pa nakikita kung sino ang pinagkakaguluhan nila nang mapansin ko na nasa bleachers si Killian at may kinukuha sa babaeng natatabunan ng kaniyang kasama. Siguro ay iyon ang pinaglakaguluhan nila. May babae ba si Killian? Ang alam ko ay wala, so who might be that girl? At bakit sobra naman kung magpapansin ang mga lalaki rito. O baka naman kaklase nila na nagbibigay ng meryenda sa kanila. Baka nga. Umupo na ako at kinuha ang aking tubig. I prefer drinking water than the energy drink that coach prepared for us. Habang umiinom ay humarap ang babaeng nakaharang sa kausap ni Killian ngayon. Dahil medyo malayo ay hindi ko agad mamukhaan. Ngunit nang mapansin ang kapayatan nito at mukha ay nasisiguro ko na ito ay iyong kausap ni Bryar noong nakaraan na pumunta ako sa room nila. Damn. I have a feeling that it is her! That girl! Hindi nga ako nagkamali. Dahil nang pagkaupo ng babae ay hindi na niya natatabunan ang kausap ngayon ni Killian at doon, halos ibuga ko na ang tubig sa aking bibig. I really want to kill Killian whenever he will let Bryar bring something that he forgot or he needs. This kind of exposure from the boys will bring no good for him. Yeah she has looks that every boys would want to have but she is too young and fragile to have feelings for them. Siguro ay ito iyong pagiging kuya ko sa kaniya na umiiral sa loob ko. 'Yung tipong gusto ko siyang protektahan sa kahit na anong sakit na maidudulot sa kaniya nitong mundo. Isa na doon ay ang mga lalaki. I don't want her to be with guys who's in the end will eventually leave her or hurt her. And I don't want that to happen to her. Kahit sino naman siguro sa amin kahit si Killian ay ayaw na nakikitang nasasaktan ang pinaka-bunso sa aming pamilya. Simula ng magkaroon siya ng exposure dito sa school, marami na akong nadidinig na nagakaka-crush sa kaniya kahit na mga college na at siya ay nasa senior high pa lamang. Ang iba pa nga ay sa akin mismo humihingi ng number niya o kaya ay nagpapalakad pero ni-isa sa kanila ay walang nakakuha ng gusto nila. Naglakad ako papunta sa kung nasaan sila at naki-usyoso sa kung ano ang nangyayari. "Oh, bro!" Killian acknowledging my presence. "What's wrong?" tanong ko. "Hi, Kuya," bati sa akin ni Bryar. Mabait siya kasi maraming tao pero kung kami lamang ay baka nasungitan na ako nito. That's us. I used to bully her that is why she is used to not respect me as her Kuya. Napakabait na bata. "I forgot my phone on the car and she is the one who saw it that is why she brought it here. You k now I have some errands to catch after this." Naalala ko na nagta-trabaho na nga pala kami sa company. Siya sa company nila at ako sa amin. Kami ang tagapagmana dahil kami lang din naman ang anak. OJT is next school year but our parents and us also prefer to work earlier. Nariyan lang naman ang company namin and it's a good start since we need this kind of experience before we handle our companies. "Dapat ikaw na lang ang kumuha, Ki," sabi ko kay Killian at halos irapan ko na siya sa iritasyon na namumuhay sa loob ko. "What's wrong? It's better this way. She can watch me play ball. Alam mo na akala nito nagmamagaling lang ako. Palibhasa hindi pa ako napapanuod maglaro ng basketball maliban sa bahay na kami lang ni Dad o kaya ay tayo lang naglalaro," mahabang paliwanag ni Killian. Napa-tsss na lamang ako sa ideya niya at humarap kay Bryar. "Just watch him on the sports fest and not now. Go to your building now." "Napaka-OA talaga nito. Hindi pa 'yan magbo-boyfriend sa panunuod lang ng practice." "You know it's not what I mean. There are so many boys here and look where they are gawking," naiinis ko ng sagot sa kaniya dahil hindi pa siya nakakahalata na halos lahat ay sa kanila nakatingin. At nang mailibot niya ang paningin ay saka siya napamura at napahinga ng malalim. "Oh! Right! Ihatid mo na sila Migs hanggang sa labas. We will start in a minute," sabi niya sa akin at si Bryar naman ang kinausap. "Thanks, baby. Call our driver. Do not wait for me," he said to Bry and kissed her hair. Wala ng nagawa si Bry at niyaya ko na sila ng kasama niya. "Let's go." "Bye, kuya. Ingat sa paglalaro ha. Love you." Pagpapaalam niya kay Killian. Hindi pa kami nakakalayo ay nagsalita na naman siya. "Why are you so grumpy whenever I will go to this building?" "Don't ask. You're too naive to sense your surroundings." "I'm not dumb!" "That's not what I'm saying. Or maybe you really are," pangaasar ko pa. "You're annoying me again. Isusumbong kita kay Tita Mommy." "Sasamahan pa kita." "Aaarghhh! So childish, kuya!" Pag-iinarte niya pa. Inasar-asar ko lang siya habang hinahatid palabas. Ang kasama niya ay nauuna sa amin kaya malaya kong naaasar ang isang ito. Nang nasa pinto ay tumigil siya. Napatingin naman ako sa kaniya at baka may kailangan. Tinaasan niya ako ng kilay. "What?" tanong ko dahil hindi ko pa ma-gets ang nais niya. "My goodbye kiss, kuya. Hindi mo na ginagawa sa akin. Mas lalo akong naiinis sa iyo. Hindi mo na ba ako baby?" Pagmamaktol niya habang nakatitig sa akin. Nakanguso pa na akala mo ay luging-lugi talaga at naka-cross pa ang dalawang kamay sa dibdib. Natawa naman ako dahil nagiging sweet na naman ang isang 'to. I used to kiss her head like Killian before, but not until she became a teen. I don't feel like being sweet to her physically. It doesn't seems right for me. It feels different. Pero para matigil na siya at makaalis dahil pagtingin ko sa relo niya ay malapit ng matapos ang break namin ay ginawa ko na ang gusto niya. Hindi ito aalis ng hindi ko nagagawa ang nais niya. I came closer to her, hold her head softly and planted a kiss on top of her head. "Bye. Ingat kayo ng kasama mo. Diretso na sa building niyo at huwag nang gumala pa. Call your driver to fetch you." Tumango na lang siya ng may masayang ngiti sa labi at lumakad na sila. Ako naman ay bumalik na upang mag-ensayong muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD