Chapter 4

1891 Words
Martina Louie POV Isang buwan na ang nakalipas Simula nung dinala ako sa hospital at Ito parin ako nagbabakasaling mahalin niya. Alam kung “tanga„ ako, at mas lalong alam kung wala lang talaga ako sa kanya, ako lang to eh si Martina na laging naghihintay sa kanya. Sa nakalipas na buwan walang araw na hindi ako iiyak at nasasaktan. Tulad ngayon masaya silang nagtatawanan habang hawak ni mike ang tiyan ni Cathy. "Yes!!tama ang nabasa niyo tatlong buwan ng buntis si Cathy. Kaya nga ako mas lalong nasaktan dahil dapat nga kami ang magkaka-anak dahil kami ang mag-asawa. Pero hindi eh. Siguro kakalimutan ko nalang ang nangyari samin nung isang gabi ni Mike. Dahil hindi naman dapat yun mangyari,pinagkamalan lang niya na ako si Cathy. Siguro dala lang “yon nang kalasingan niya,kaya niya “yon nagawa. Maraming pumasok sa isipan ko bago namalayan na may tumawag saakin. "Hello!" Pangunguna ko sa tawag, subali't naramdaman ko ang hapdi sa aking leeg,sinakal niya kasi ako kahapon na walang ni isang rason,hindi ko alam kung bakit,hindi ko naman alam ang dahilan. "Hii Martina! Ako to si Andrie"aniya bagko's napangiti nalang ako. "Ohh! Andrie bakit napatawag ka"nagtataka kung tanong, "Nalaman niya kaya na sinaktan “uli't, ako ni mike"wika ko sa isipan. "Magkita tayo sa restaurant may surpresa lang ako sayo."sabi niya. Hindi kasi matuloy nung nakaraang buwan,sabi niya rin na may surpresa siya sakin. Ngunit hindi ito natuloy kasi dinala niya ako sa hospital kaya ngayon nalang niya itunuloy "Okay, Let me take a bath first"aniko sabay patay nang tawag. Agad akung pumunta sa kwarto upang tunguhin ang banyo. Nagsimula na akong maligo, hindi natagalan ay na tapos narin ako,lumabas ako galing sa banyo at tumungo sa walk in closet at pinili ang aking dress na kulay black. Pagkababa ko ay naabutan ko silang kumakain habang nag susubuan, kaya lihim akung napangiti,mga ngiti na pilit lamang. Bawat pagtapak ko nang sahig ay parang sasabog na ang aking puso. Dahil sa mga tawa nila na mas lalong nakakapagbigay sakit nito. "Ang saya nilang pagmasdan habang ako nasa gilid at sulok lamang"wika ko sa isipan. Lalampasan ko na sana sila ngunit may isang taong nagsalita sa likuran ko at Ito ay si Mike. "Where are you going? And why are you wearing that?"medyo galit niyang sabi habang umiigting ang panga. "What do you think,at anong pakialam mo"Sagot ko. Kaya gulat naman itong nakatitig sakin, na pati rin ako ay nagulat rin. Hindi niya siguro inasahan na kaya ko siyang sagutin,puro nalang kasi pagmamakaawa at paghihingi ng sorry ang gagawin ko. Kapag may nalaman “kuno, siyang may nagawa ako na hindi ko naman alam lagi niya akung sinasaktan emotionally pati narin physically. Lumabas na ako sa bahay dala ang panginginig ng kalamnan ko. Akala ko kanina bug-bug na naman ang matatamo ko. Sumakay na ako sa kotse at agad itong pinaharurut patungo sa restaurant. "Firts time ko siyang sinagot nang ganon,Sana naman sa pag-uwi ko hindi niya ako sasaktan"mahinang bulong ko. "Huwag kang mag-alala Mike tatanggapin ko, tatanggapin ko na hindi tayo para sa isa't isa"sa oras nato ay tumutulo na ang mga luha ko,pero bakit ang hirap parin tanggapin dito sa puso ko,napatawa nalang ako ng pagak sa mga naiisip ko. Hindi natagalan ay nakarating na ako.agad akung bumaba at tumungo papasok sa resto. Nang tuluyan na akong makapasok ay nilibot ko muna ang paningin at sa paglibot ko nang tingin ay dumapo ang mga mata ko kay Andrie habang kausap s-si M-ommy at k-kuya agad tumulo ang mga luha ko hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya na hindi ko maipaliwanag na dahilan. Patakbong niyakap ko si mommy at kuya yes! tama ang nabasa niyo nandito sila. Habang yakap ko si mommy ay doon ko binuhus yung mga luha ko sa saya,masaya ako dahil nandito sila Maya-maya pa ay ako na mismo ang humiwalay sa pagkakayakap sa kanila. Nang makaupo na kami ay hindi parin nawawala ang saya dito sa puso ko.Tahimik ang pagitan naming lahat bago mag-simulang mag-salita si mommy. "I'm sorry I hope we didn't just force you to get married "umiiyak niyang sabi "It's ok mommy, it's not your fault, para rin naman Ito sa companya,kaya mo ito nagawa."sagot ko "Do you want to come with us to canada so that you can continue your studies there?!"Aniya at hinawakan ang aking kamay at dahilan ng pagtango ko Siguro panahon nato upang bumalik ng Canada. "Okay mom” Ngunit maaari po bang sa susunod nalang nang buwan ako uuwi, dahil hindi pa kasi na pepermahan ang annulment namin."aniko Ngumiti lang siya at tumango dahilan rin nang pagtulo ng luha ko. "Okay, your brother and I will just wait there and don't worry Andrie will accompany you home"Nakangiti niyang sabi dahilan nang pagtingin ko kay andrie "Thank you Andrie"Aniko at tumayo upang yakapin siya. "Your welcome" ngiting sagot niya. Pagkatapos naming kumain ay napagpasiyahan naming mamasyal muna bago ihatid sila mommy at kuya sa airport. Lahat kami nag tatawanan habang naghabol-habolan. Alam kung pinapasaya nila ako ngayon.dahil sa tindi nang aking pakiramdam. Gusto ko munang i-alis siya sa aking isipan,gusto ko munang magsaya habang kasama ang mga taong tunay na nagmamahal saakin. Mga tawa lang namin ang narinig ko dito sa loob nang park na animo'y batang naghabol-habolan. Ang saya nang pakiramdam ko kapag kasama ko sila,sana lahat ng tao ay katulad nila na minahal ako nang tunay at pinahalagahan. Nandito na kami sa loob ng airport habang hinihintay na tawagin sila mommy. Hindi natagalan ay tinawag na ang papuntang Canada kaya nagsimula na namang tumulo ang aking mga luha. "Ang bilis lumipas ng oras"wika ko sa isipan "See you to next month lil sis!"aniya at niyakap ako ng mahigpit. "Be careful here anak."Sabi ni mommy at niyakap rin ako nang mahigpit. Tahimik ang pagitan namin ni andrie habang siya ay nagdadrive. Hanggang sa nakarating na kami ay hindi parin ito nagsasalita. Siguro ayaw niya muna akung kausapin ngayon. Walang alinlangan'g kung binuksan ang pinto nang kotse at ramdam ko rin ang pagbaba niya. "Thanks again Andrie!" aniko habang nakangiti "Ang ganda ng surpresa mo sakin na iyak tuloy ako kanina!"dag-dag ko pa. "I'm “sorry„ Because I did not fulfill your request"yumuyukong sabi niya. " Hindi ko kasi napigilan ang sarili kaya ko nasabi kay tita"Napailing nalang ako sa sinabi niya dahilan nang paghawak ko sa dalawang kamay niya. "No its okay, you actually made me happy earlier,"sagot ko na mas ikinangiti niya lalo. "Oh„ Siya pasok na ako,"nakangiting ani ko na ikintango niya.. "Be careful on the road"Pahabol na sigaw ko. Nanginginig ang buong sistema ko habang pumasok ng pinto ng bahay. Pagkapasok ko ng tuloyan ay nabuhayan “ulit Ang sistema ko dahil walang dumapong kamao sa akin o kahit sampal. "Siguro, Busy siya ngayon sa trabaho" Wika ko sa isipan habang nilibot ang paningin sa paligid.. Nandito ako ngayon sa gilid nang pool habang nakaupo hindi kasi ako makatulog kaya napagpasiyahan ko munang maglibot dito. Nakatingin ako sa kumikinang na star ngayon habang yung paa ko ay nakalubog sa tubig. Naalala ko tuloy “yung, kwento ni mommy sa akin nung teenager pa sila ni daddy. Kahit tutol si grandpa sa kanilang relasyon masaya naman “daw, sila. Hindi tulad sa akin ngayon na animo'y suportado yung parents namin.Pero hindi naman masaya ang relasyon naming dalawa,dahil ako lang yung nag mahal sa aming dalawa. Tatalikod na sana ako upang pumasok sa loob nang bahay nang may narinig akung tawanan. Napabaling ang tingin ko sa kanila na animo'y batang nagtatawanan "Bakit kaya sila nandito,Siguro mag-iinoman sila" wika ko "Hii Martina kay ganda mo naman ngayong araw"Ngiting sabi ni Jason dahilan ng pag-ngiti ko rin. Nang makapasok na kami sa loob ay tumungo sila sa sofa upang umupo, at ako naman ay tumungo sa kusina upang mag-timpla nang juice. Habang naglalakad ako patungo sa kusina ay ramdam ko naman na may sumunod sa likuran ko pero isinawalang bahala ko nalang yun at nagsimulang mag-timpla nang juice.. "Sigaraduhin mo na walang lason “yan„"He said while taking a beer. "Bakit ganyan ka sa'kin,did I do something wrong to you? I'm not a poisoner so you can tell me like this"Aniko habang nakatitig sa walang emosiyong mukha niya. "Yes! you are right I'm your wife on paper,But can you respect me as your wife,even just this month.Limang araw nalang ang natitira ko dito sa bahay bago ko permahan “yung,Annulment natin"I added. "At pagkatapos ng pagperma ko nanga-ngako akong aalis dito a'yon sa gusto mo"Huling bigkas ko bago siya talikuran. Inilapag ko na ang juice sa maliit na mesa Tatalikod na sana ako upang tunguhin ang aking silid subalit nagsalita si Martin. "Dito ka nalang martina,Mag-iinoman tayo!"Aniya ngunit pa-paano ako dumito kung silang dalawa ay nandito. "Ah!kayo nalang!"Ngiting sagot ko at tumalikod. "Sige na martina plz"Aniya ulit at hinawakan ang aking kamay. Napabuga ako sa sarili kung hangin dahil sa ina-asta niya. Wala akung nagawa kundi yumukong umupo. Nasa pagitan namin ni mike si cathy habang “yung, tatlo ay nasa harapan. Naiilang ako sa pagitan namin ngayon.Nagsisi tuloy ako dahil umupo ako dito. Nagsimula na kaming mag-inoman hanggang si Carl ay nagsalita. "Who wants to sing"Aniya at tumayo habang nakatingin saamin nang isat-isa Yumuko ako upang hindi mapansin. "Martina kumanta ka!"Gulat naman akung napatingin sa gilid ko. Na animo'y magkasundo kami. Umiling ako dahil ayaw ko. "Okay kung “ayaw, mo!"sabi ni cathy habang nakangiting nakatitig saakin. "Ako nalang “yong, kakanta,pero syempre kasama si Mike"Aniya ulit dahilan nang paghulog nang hawak kung baso. Basag ko itong pinulot dahilan nang pagsugat ng aking kamay. Akala ko tutulungan niya ako. Buti pa “yong, kaibigan niya ay tinulungan ako. Tinitigan ko siya ngayon habang walang tigil ang pag-agos ng sariling dugo. Ngunit nakangisi lang ito.na parang sinabihan niya ako nang tanga. Mga kaibigan niya 'na mismo ang gumamot sa di kalakihang sugat ko. "Ayos kalang ba" sabay nilang tanong,"ang swerte ko dahil mababait ang mga taong to"wika ko sa isipan. "HAHAHA,Oo “ayos„ lang ako,"pekeng tawa ko. Pagkatapos sa nangyari ay umupo na ulit sila sa inupuan nila kanina. "Wala talaga siyang pake-alam saakin,pano kung mawala ako dito sa mundo. Pumunta silang dalawa sa harapan at may kung anong tinipa sa cellphone ni mike. Pagkatapos ay kinuha nila sa box yung microphone. At nagsimula na silang kumanta na tagos sa puso't isip ko ang sakit. Nakatitig lang ako sa kanila habang kusang tumulo ang aking mga luha. Hindi ko talaga mapigilan na maiyak. "Ikaw at ako"huling linya ng kanta bago hinalikan ni mike si Cathy dahilan rin ng pagyuko ko Hindi ba nila alam ang nararamdaman ko. Ang sakit lang 'dito' pa sa harapan namin sila naghahalikan. Hindi ba sila' na hiya. Mas lalo niya lang pinamukha na hindi talaga niya ako kayang mahalin. Pag-upo nilang dalawa ay siya ring pag-tayo ko. Nanginginig yung buong sistema ko habang dahan-dahang tumayo na tila babagsak na ako sa sahig kanina. Nandito ako ngayon sa kwarto habang nakahiga at iniisip ang nangyari kanina. Sana'y na akung masaktan. Sana'y na ako sa lahat. Minahal ko naman siya nang tunay pero bakit hindi niya nadama Binigay ko naman ang lahat pero bakit hindi niya nakita. "Mas mabuting iwasan nalang kita," "Pero ‘pano, kung sa iisang bahay lang tayo nakatira."wika ko sa isipan bago nilamon nang antok. ****** Hestisians
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD