Charmaine's POV
Hindi ko alam sa sarili ko ngayon ang nararamdaman ko pero sobra akong kinakabahan.. First time 'to parang may hindi magandang mangyayari.
Expect ko na maraming bangkay ngayon ang matatagpuan. Anim silang lahat nakalagay sa gitna ng field pagka gising namin kaninang umaga. Halos hindi na sila ma kilala dahil sobrang malala ang nangyari sa kanila. Napaka walang puso ng may gawa non.
Suspended din muna ang klase namin ng ilang araw dahil in-imbistigahan pa ang mga nangyare.
"Grabe I can't imagine na kaya nilang pumatay ng ganito." sabi nang isa sa mga student.
Kong ako sa kanya dapat hindi na siya nag salita dahil nasa tabi lang ang mga pumapatay. Oras na may marinig sila ikaw na ang susunod. Pero may alam ba siya? Paano nyang alam na marami sila?
Naglakad na ako paalis. Ngayon ko lang naalala si Jero. Shet!
Lowbat ang phone ko hindi ako nakapag charge simula pa kahapon kaya hindi ko siya natawagan o na text man lang. Siguro ngayon sobrang nag-aalala na 'yun at higit sa lahat ang dami ng doubt sa utak non na hindi naman dapat.
Pa gala-gala lang ang mga student dahil na rin sa mga natagpuang bangkay. Bawal munang mag pa-pasok ng ibang student dito from other school at ibang mga visitor. Bawal din lumabas muna ang mga student hanggat 'di pa tapos ang pag i-imbestiga.
Inaasikaso pa ng mga pulis ang pagkamatay nila. Pumunta pa sila alam ko naman na hindi na nila iimbistagahan ang kaso. Isa sa pinaka mataas ang pumatay sa kanila kaya oras na mag salita din ang mga pulis sila na ang susunod. Sino nga kaya siya? Bakit kahit mismong pulis takot sa kan'ya?
"Maine!" lumapit ako kay Kathy nang tinawag n'ya ako.
"Grabe hindi ko carry ang mga nangyayari." Pero parang may kakaiba sa kanya ngayon. Parang 'di siya ganon katakot parang may tinatago din siya.
"Saan ka pala galing?" tanong ko sa kanya.
"Dyan lang naman sa rooftop nakipag-usap kasi si Zero sa akin." Napataas naman ang kilay ko ng marinig ko na naman ang name nong lalaking 'yun. Kahit kailan talaga napaka gago ng Zero na 'yon.
Mabuti nga nag break na sila ni Kathy eh! Alam kong napakasama ko na sinabi ko yan. Pero ayaw ko kasi talaga kay Zero!
"Then? Sinaktan ka na naman n'ya? Makakatikim na talaga sa akin yong lalaking 'yun!" Agad n'ya naman akong pinigilan.
"Calm down Char! okay na ako. Tanggap ko na.. Sila naman talaga eh." Pero nakita ko ang lungkot sa mga mata n'ya kahit na pilit siyang ngumingiti sa akin.
"Pero... sinasaktan ka lang n'ya. Sana kasi 'di ka na n'ya niligawan kong sasaktan ka lang din n'ya." Ngumiti naman siya sa akin.
"Hwag kang mag-aalala magiging okay rin ako. Ako naman ang may kasalanan nitong lahat.." Hindi nalang ako nag salita pa sa sinabi n'ya.
Hinatid ko na siya sa dorm namin dahil masama daw ang pakiramdam n'ya.
Nasa classroom ako at may kasama din kaming ibang mga student. Hindi na nga sana kami papayagan lumabas ng dorm, eh. Mabuti nalang pumayag pa rin yong mga teacher dito at ang head. Pero limited lang ang pupuntahan naming building dito.
Napatigil ako ng may bumato sa akin nh papel nakalukot ito. Nag pa linga-linga ako sa paligid para hanapin ang sinumang nag bato nito sa akin. Pero wala akong na pansin.
Bumilis agad ang t***k ng puso ko nang mabasa ko ang naka sulat.
No, this can't be happening!
You Shouldn't Come Back! I have a surprise for you..
I will kill Kathy, to make you suffer and cry again like what you did when she died.
Agad akong lumabas ng room halos liparin ko na yong dorm namin maka punta lang don.
Please 'wag!
Kong bakit ang bilis? Bakit hindi ko siya na protektahan.
Pagbukas ko ng Room namin agad tumambad sa akin si Kathy na may saksak sa kanang dibdib nya.
"KATHY!!" Inalog alog ko siya.. Pero hindi na siya humihinga.. Nag simula ng bumuhos ang mga luha ko..
Bakit??
Bakit kailangan pa itong mangyari?
Kathy? Bakit mo ako iniwan? Katulad ng ginawa nyang pag-iwan sa akin.. Hindi ko na naman kayo na ligtas. Napaka walang kwenta ko.
"Kathy, bakit mo ako iniwan agad?" Kasalanan ko itong lahat!! Kong bakit ko siya pinabayaang mag-isa..
Marami na ring student ang nandito sa room namin.. Hindi ko alam kong paano nila nalaman 'to. Napansin ko na lang kasing naka bukas na ang pinto ng dorm at may mga student na nandito.
"Charmaine okay ka lang ba?" Agad kong sinampal si Aki ng lumapit siya sa akin. Hindi ko siya inimik at lumakad ako palayo at tumungo sa may lagoon.
Hindi ko sinasadya na sampalin siya? Sino ba kasing gago ang magtatanong na namatay yong bestfriend mo tapos magtatanong kong okay lang ba ako?
"Bakit mo ba ako sinusundan?" tanong ko sa kanya.
"Alam kong masakit Maine pero kailangan mong magpakatatag." Hinarap ko naman siya agad.
"Magpakatatag? Sirang-sira na 'yung pader na binuo ko para maging matatag ako! Kasalanan mo 'yung lahat!" Hinamapas ko siya ng hinampas pero pinabayaan n'ya lang naman ako. Gusto ko siyang patayin pero kailangan ko pa siya. Kailangan ko pa siya sa paghihigante ko!
Hindi ko nga pala nasabi sa inyo siya yong lalaki nakaraan sa may cr. Mag kambal sila ni Zero pero 'di sila identical twin kaya 'di sila magka mukha. Hindi ko pa siya non kilala kaya ganon na lang din ang reaction ko sa kanya. Iniisip ko pa rin kong paano ko siya na kilala. Paano ko nalaman 'tong about sa kanya, eh ngayon ko lang naman siya nakita.
"Ms Charmaine Kaye?" Napalingon ako sa mga police na nasa likuran namin.
"May mga katanungan lamang kami sa iyo."
****
Jane's Pov
Sino kaya ang pumatay kay Kathy? Nakakapanibago lang dahil ang dami ng p*****n na nangyayari ngayon? Parang dati naman ang tahimik nitong school.
Pero simula 'nong nawala siya nagka ganito na. Naging magulo na itong school na ito na dati tahimik lamang. Tapos ngayon naman ang dami ng p*****n ang nangyayari. Samantalang last 3 years siya lang ang nabalitang namatay. Pero walang nakakaalam kong sinong pumatay sa kanya.
Lahat walang alam dahil hindi sila nagsasalita, ang may mga alam.
Nasa dorm na kami ni Shannel samantalang si Charmaine nakatulala lang. Alam kong masakit ang nangyari sa kanya dahil kaibigan n'ya ang namatay. Ganyan rin ako nong nawala sa akin ang bestfriend ko si Charlotte.
"Charmaine?" Ito ang unang beses kong in-approach siya. Tumingin naman siya sa akin pero walang emosyon ang mga mata nya.
"Everything will be alright." Hindi naman siya umimik sa sinabi ko basta nalang siya tumagilid at nagtalukbong ng kumot.
Si Shannel naman nakatingin sa aming dalawa at mukhang nag-aalala rin. Ngayon palang kami nagkaroon ng pakialam sa isa't-isa.
Unang-una wala naman talaga kaming pakialaman dito sa dorm simula ng nawala siya. Lahat naging magulo nang mawala siya.. Maayos pa ang lahat nong nandito siya. Pero sino ba kasi ang pumatay sa kanya? Ang tinutukoy ko ay si Charlotte sobrang bait ni Charlotte na halos lahat gusto siya.
Pero nawala nalang siya bigla at nagka gulo na.
Dati lahat magkakaibigan kami dito at nag-aalala sa bawat isa. Pero ngayon wala na kaming pakialaman sa bawat isa.
***
Vivienne's POV
Napangiti ako ng malaman kong wala na si Kathy. Buti nga sa kanya mang-aagaw siya! Nilalandi n'ya ang boyfriend ko! Isa siyang higad!
Pero kahit pa-paano naaawa din naman ako. Sino naman ang gong-gong na papatay don? Nagpakamatay siguro siya maniniwala pa ako pero sa kanya may papatay?
Base sa imbestigation may pumatay daw sa kanya. Pero dahil wala namang nakitang suspect even in cctv footage ay baka daw nagpakamatay nga.
Naglalakad ako ngayon sa field ng makita ko si Charmaine. Napaka pale n'ya ngayon at walang emotion. Like deserve!
"Natutuwa akong makita na ganyan ang kalagayan mo." Tumingin naman siya sa akin pero hindi man lang siya nag salita. Walang thrill gusto ko pati sana maki pag-away sa kan'ya. Pero mukhang wala siyang sa mood sa ngayon.
"Sana nga ikaw na ang sumunod para naman may kasama na ang bestfriend mo." dagdag ko pa.
Ngumisi naman siya sa akin na ikina atras ko. Hindi ko alam na kikilabutan ako sa mga ngisi n'yang ito.
"Don't worry mauuna ka bago ako. Isa lang dapat ang matira sa ating dalawa at sisiguraduhin kong ako lang 'yun. Ikaw alam mo kong anong mangyayari sa'yo? Lalangawin ka lang at kakainin ng mga uod ang katawan mo at ng mga hayop!" Hindi ako naka sagot sa sinabi n'ya. Lumakad na siya paalis at naiwan lang akong hindi nag si-sink in sa utak ko ang mga sinabi n'ya.
Totoo ba talaga ang sinabi nila? Kaya n'yang pumatay? Baka nga siya rin mismo ang pumatay sa kaibigan n'ya?! Psh! Hindi ko dapat siya kinakatakutan. Ang isang tulad ko dapat walang kinakatakutan.
"Zero?" Tinawag ko siya ng makita ko siyang nasa harap ng lumang restroom. Mukhang papasok siya doon. Gosh? Mag C-Cr siya sa isang sirang Comfort Room.
"Bakit?" Bakit parang ang seryoso n'ya ngayon? Don't tell me na apektuhan siya sa pagkamatay ng higad na 'yun.
"What are you doing here? At bakit mukhang papasok ka sa cr na 'to? Don't tell me d'yan ka mag—?" Agad n'ya akong sinamaan ng tingin kaya 'di ko na lang itinuloy ang itatanong ko.
"Don't talk to me Vivienne! I want to be alone!" Nabigla naman ako sa pag sigaw n'ya. Ito ang unang sinigawan n'ya ako.
"Don't tell me nasasaktan ka? Nasasaktan ka kasi wala na siya!" Agad n'ya naman akong sinamaan ulit ng tingin.
"Ayun naman 'di ba ang gusto mo? Hindi ako katulad mo na walang puso! Hindi ko kayang manakit." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.
"Really? Hindi mo kayang manakit? Pero anong ginawa mo niloko mo ako? Pinagsabay mo kami at pinatay mo siya!" Agad ko siyang sinakal dahil sa inis ko. Pero mas malakas siya sa akin kaya nabitawan ko rin siya.
"Hindi ko siya pinatay!" sigaw n'ya sa akin.
"Pwes akong pumatay sa kanya!" Agad siyang umiling sa sinabi ko.
"Hindi mo siya pinatay!! Alam ko kong sino kaya 'wag kang mag sinungaling." Agad naman siyang napangisi sa sinabi n'ya. Parang may nalalaman talaga siya na hindi ko nalalaman.
"Alam mo? Malamang dahil ikaw 'yun!" Hindi nya pinansin ang sinabi ko at lumakad na siya paalis. Tumingin naman ako sa CR. Ngayon ko lang nalaman na ang baho dito. Sobrang sangsang ng amoy agad akong umalis dahil ayoko ng maamoy. Hindi naman dati ganito dito kabaho pero na sobrahan ngayon.
****
Ellise's POV
Naglalakad ako ngayon sa hallway. Bakit parang may sumusunod sa akin? Hindi ko nalang pinansin ito kailangan kong maka punta agad kay kuya.
Pero bago pa man ako maka punta sa kan'ya may bumagsak na bangkay galing sa puno. Napasigaw ako sa sobrang gulat tapos ang mga ibang student pumunta rin sa kinaroroonan ko.
I know him! Kilala ko kong sino ang pinatay. Isa siya sa basketball player dito sa school.
Napansin ko ring may kiss mark sa leeg nito. Napalunok ako at nanginginig ang buong katawan ko. Gusto ko ng lumipat ng school dahil sa mga nasaksihan ko. Pero bawal daw lumipat ng school hanggat hindi pa tapos ang imbestigasyon. Mukhang matatagalan din yon matapos dahil sunod-sunod ang namamatay dito.
Napansin ko ring pinagtatakpan ng school namin ang nangyayare dito. Wala man lang kasing kahit isang news about dito.
Lumapit ako kay kuya ngayon na wala man lang imik sa nakita nya. Pero ako halos lumundang ng husto ang puso ko ng makita ko ang bangkay n'ya.
"Next time, mag-ingat kana." sabi ni kuya bago lumakad na siya pero hinabol ko siya at pinigilan.
"Hindi naman 'di ba ikaw ang may gawa non?" Nangunot naman ang noo nya sa sinabi ko.
"Of Course not, why would I do that? I'm not a killer!" Napatulala naman ako sa sinabi ni Kuya Zero.
Hindi ba talaga siya ang may gawa non? Kong ganon kailangan kong malaman kong sino ang may gawa non? Kahit na natatakot ako sa pwede kong malaman.
Napangisi nalang ako ng may maalala ako. Malalaman ko rin kong sino ang may gawa nitong lahat. Kong sino ang mga pumapatay? Mga ba talaga? O isa lang siyang pumapatay?
****
Charmaine's POV
Tulala pa rin ako hanggang ngayon at hindi pa rin nag s'sink-in sa utak ko kong paanong nangyari 'yon?
"Charmaine" hindi ko nilingon kong sino mang hinayupak ang tumatawag sa akin. Pero parang pamilyar sa akin ang boses.
"Jero?" tumabi siya sa akin at nag smile. Pero nandoon sa mga mata n'ya ang lungkot.
"I'm sorry dahil kapag kailangan mo ako wala ako sa tabi mo. But I know you're a tough person. Pero kahinaan mo sa lahat si Kathy." He said and smiled bitterly.
"I'm sorry too Jero," tanging nasambit ko nalang. Hindi ko na alam kong anong sasabihin ko sa kanya. Walang pumapasok ngayon sa utak ko kundi si Kathy. Wala na siya ngayon sa school dinala na siya sa iba pa n'yang relatives ang bangkay n'ya.
Hindi rin kami pwede lumabas ng school dahil baka daw isa sa mga student ang culprit.
"It's okay love, I understand. Start from now on I'll always be here on your side." Tumingin naman ako sa kanya.
"What do you mean?" Ngumiti na naman siya sa akin. Na gu-guilt tuloy ako kasi kahit na ilang araw ko siyang hindi na text or na tawagan man. He always understand me, he always beside me and never siyang nag complained.
"Dito na ako mag-aaral, nag transfer ako." Napatayo naman ako sa sinabi nya. What? Akala ko ba ayaw ng parents nya?
"I thought—"
"Nagawan ko ng paraan love dapat 'di ba maging happy ka kasi nandito na ako?" Parang may malalim na ibig sabihin ang sinabi nya. Pero hindi ko nalang pinansin nag smile nalang ako sa kanya.
Makakasagabal kaya si Jero sa mga plano ko? Gusto ko naman talaga na nandito siya kaso baka 'di ko magawa ang dapat kong gawin.
****
Shion's POV
WHAT THE f**k HE'S DOING HERE? He's not welcome here! But ano pa bang magagawa ko he's already here.
"What the actual f**k! Bakit siya nandito?" Tanong ni Aki sa akin napa isip rin ako.
"Who's Jero? Sabay silang nag transfer dito." tanong naman ni Kenneth.
Jero? Familiar siya sa akin? Pero hindi ko matandaan.
"Boyfriend ni Charmaine." Tumingin naman ako kay Aki. Siya ang sumagot sa akin.
Kailangan kong maka usap si Charmaine.
Lumakad akong naka hoodie ng mabanggaan ko siya.
He c****d his head and stared at me. Nakipagtitigan din ako sa kanya kailangan ko malaman kong sino siya.
Natigil lang kami sa pagtitigan ng dumating si Zero.
"Let's go bro," hinila nya ako at naiwan siya doong mag-isa.
Tinext ko si Charmaine na magkita kami sa library.
Ilang minuto lang naman dumating na siya.
"What?" Agad na tanong nya sa akin at inirapan ako. Ang init talaga ng ulo n'ya pagdating sa akin.
"Bakit mo siya pinayagan na mag transfer dito?" She arc her eyebrow and rolled her eyes.
"I need him that's all! Tsaka hindi ko hawak ang buhay n'ya! Mapipigilan ko ba siya kong gusto n'ya ditong mag transfer?!" Hinawakan ko siya sa wrist n'ya ng magtatangka na siyang umalis.
"Hindi mo ba alam maaari mong ikapahamak 'yon?!" She smirk at me.
"I can handle myself I'm not a child anymore brother!" Then she walk away.
Psh! She's always hard headed and reckless girl! Tumingin lang naman sa akin si Zero na napapailing din.
****
Someone's POV
Gusto kong hanapin siya? But who the f**k is she?
Marami na akong napatay na babae pero isa man sa kanila hindi siya 'yon. Alam ko kapag siya kapag siya ang nahuli ko.
Ang galing nyang tumago pero hindi ko pa rin siya titigilan. Hahanapin ko siya kong na saan siya. Malapit ko na ring malaman kong sino siya.
Gusto ko ngayong maglaro? Total mahilig naman siya sa hide and seek gagawin nating mas thrill ang buhay nya.
Ako ang nagpadala ng sulat kay Charmaine at nakakatawang ganon ang naging reaction n'ya nang makita n'ya ang sulat ko. Siya na nga kaya ang matagal kong hinahanap? But I know her very well kaya mukhang hindi siya ang matagal ko ng hinahanap.
Kapag nakita ko na kong sino siya isusunod ko na si Charmaine.
Sa ngayon maglalaro muna ako para magkaroon naman ng thrill ang buhay ko. Matagal na na panahon akong na nahimik.
Kinuha ko spin ko sa bulsa ko. Tinignan ko ang wrist watch ko It's already 8:00 PM.
May nakita akong babaeng naglalakad sa hallway.
Got cha! I have a next victim.
****