Agad na ibinato ng Phoenix ang dambuhala at may kalakihan kulay bughaw na nagbabagang bolang apoy Dahil sa matinding kapangyarihan na inilabas ng Phoenix ay unti-unting nagkaroon ng mga pagsabog sa loob ng Magic Circle. Makikita hindi basta basta ang kapangyarihan ng bolang halos wasakin na ang lugar na pinangyarihan ng labanan ngunit ngayon ay tanging sina Evor na lamang ang naiwan. Hindi maipagkakailang ang ginawang rituwal at engkantasyon ay napakalakas na kahit na sinong makasaksi ay pangingilabutan lalo pa't sobrang g**o ng mga enerhiya sa labas ng napakalaking Magic Circle maging ang nasa loob nito ay hindi maitatangging nakakatakot ang enerhiyang bumabalot dito. Tunay ngang ang lakas ni Evor ay bumalik na ngunit kagaya pa ba ito ng dati? Hindi, ito ang sagot sa tanong na namu

