Chapter 1: The Beginning

4028 Words
TUA Chapter 1 Nagsimula ang istoryang ito sa napakalayo at Napakamisteryosong dimensiyon na tinatawag na Kranus. Ito ay isang napakalaking lugar na isang libong beses ang laki nito sa planetang Earth, kung saan nakatira ang mga tinaguriang mga nilalang na may espesyal na abilidad(Special Abilities). Misteryoso pa rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ang bawat nilalang na narito ng mga kakaiba at iba't ibang kapangyarihan. Masyadong lunod sa kapangyarihan ang iba. Halos sa lahat ng lugar na narito ay makikita mo ang mga bagay na akala moy imposible na naging posible. Mayroong mga pasalin-salin ng mga istorya ng bawat henerasyon ang mga alamat ng pinagmulan ng daigdig na ito. Minsan raw na naging tirahan ito ng mga diyos at diyosa. Tiantawag sila na Cadmian Gods and Godesses. Ang mundong ito ay wala pa ni isang nilalang na nabubuhay, tanging mga buhangin at bato lamang ang makikita rito at walang anumang kulay ang daigdig na ito. Dahil sa sobrang kalungkutan at kawalang kulay ng daigdig na ito ay napagpasyahan ng isang napakagandang diyosa na tinatawag na Vielle, ang diyosa ng tubig na lumikha ng mga bagay na nasa palagay niya ay makakaganda at magbibigay buhay sa lugar na ito. Siya ang lumikha ng karagatan at iba pang mga anyong tubig kagaya ng mga sapa, gulpo, ilog at iba pa. Ang dating napakapangit na lugar ay unti-unting nagkaroon ng napakagandang tanawin at animo'y naging kaaya-ayang paraiso. Ngunit napansin nila ang biglang pagbaba ng temperatura ng daigdig at hindi ito nagustuhan ng mga ibang diyos lalong lalo na ni diyosa Felisa. Noon pa man napakainit ng ulo niya at malayo ang loob niya kay diyosang Vielle. Kinaiingitan niya rin ito dahil higit na mas maganda ang diyosa ng tubig kaysa sa kanya na isang diyosa ng lupa. Sa labis na kainggitan nito ay umabot sa puntong halos pagbalakan niya ng masama ang napakagandang diyosang si Vielle. Halos naglikha ito ng malaking problema at komosyon sa lahat ng mga diyos. Sinimulan nilang pagsalitaan ng masama si Vielle na siyang ikinalungkot ng diyosa. Ngunit hindi nagtagal ay may naisip na solusyon ang isang guwapo at makisig na diyos na si Volcanoz. Matagal na itong may lihim na pagkagusto kay diyosang Vielle ngunit may gusto rin si diyosang Felisa rito. Nagsimulang lumikha ng iba't ibang klase at laki ng mga bulkan sa iba't ibang lugar ng daigdig na ito ang diyos na si Volcanoz. Ang kaniyang mga likha ay pinuri ng halos lahat ng diyos na kasama nilang naninirahan rito. Ang kanilang mga nilikha ay masasabing naging mainit na topiko sa kanilang pang-araw-araw ngunit hindi ito nagustuhan ni Diyosa Felisa. Nagkaroon ng lamat ang kaniyang puso sa alinman sa mga diyos at diyosang kasama niya. Botong-boto kasi ang halos lahat ng mga ito para kay Volcanoz at kay Vielle na halos hindi niya makayanang tumagal sa mga ito. Simula noon ay palagi na siyang umiiwas sa mga ito. Nagdadahilan na nga ito ng kung ano-ano. Minsa'y naisip ni diyosa Felisa na sirain ang mga nilikha ng mga ito dahil sa labis na galit kay diyosa Vielle at sobrang tampo at inis kay diyos Volcanoz. Lumikha siya ng mga dambuhalang mga nilalang na gawa sa mga bato, mga Stone Apes, Stone Golem at Stone Cyclops. Sinira ng kaniyang nilikha ang napakagandang tanawin ng dagat at naging marumi ang mga iba't ibang anyong tubig. Maging ang mga bulkan ay bigla na lamang pumuputok sa hindi malamang dahilan na siyang nagkaroon muli ng sobrang lamig na klima at sobrang init ng panahon na siyang labis na ikinagalit ng ibang mga diyos at diyosa. Kaya dahil sa pangyayaring ito ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mga diyos at diyosa na siyang ikinasaya ni Felisa ngunit ng mas lumala ng lumala ay napagdesisyunan ng halos lahat ng mga ito ng magkawatak-watak na siyang nangyari nga na siya namang ikinasaya ni Felisa ngunit sa kalauna'y binalot siya ng kaniyang konsensya at naging malungkutin siya. Dahil sa napakalawak ng mundo at may iba't ibang dimensyon ay siguradong mahihirapan siyang hanapin isa isa ang mga ito. Naisipan niyang lumikha na lamang ng isang malaking mundo sa dimensiyong kinaroroonan nila. Lumikha siya ng iba't ibang pormasyon ng lupa na siyang naging mga isla at iba'y kontinente. Sinimulan niyang hakutin ang malawak na karagatan at mga katubigan papunta sa mundong kaniyang nilikha gamit ang kaniyang kapangyarihan. Ang mga bulkan ay inilagay niya rin sa iba't ibang lugar sa kaniyang ginawang mundo sa kalupaan at ang iba'y sa katubigan. Naging makulay ang mundong ito at sobrang payapa. Ngunit dahil sa napakatahimik ng lugar ay naging malungkutin siyang muli. Dito ay naisipan niyang lumikha ng mga nilalang na may sariling pag-iisip at buhay. Lumikha siya ng iba't ibang uri ng mga hayop sa dagat at sa lupa. Gumawa si diyosa felisa ng mga tao. Naging mas makulay ang mundong nilikha niya ngunit mayroong isang nilalang ang bigla na lamang gustong panghimasukan ang kaniyang gianwang mundo na siyang naging tahanan niya na. Ito ay walang iba kung hindi ang diyos ng kadiliman na si Eliazar. Inalok siya nitong mag-isang dibdib silang dalawa ngunit tinanggihan niya ito. Dahil dito ay napuno ng lagim at kaguluhan ang lugar na ito dahil sa hindi matanggap ni Eliazar ang pagtanggi ni diyosa Felisa. Dahil dito ay napilitang magsagawa ng sacrificial magic si diyosang Felisa. Nagsimula siyang magbigkas ng engkantasyon ng isang highest sacrificial god magic mula sa mahiwagang librong pagmamay ari ng diyosa. Sinubukan niyang ikulong sa isang dimensiyon si Eliazar at ang mga nilikha nitong mga nakakatakot at malalakas na nilalang katulad ng mga demonyo, soul eater at iba. Bago pa man siya matagumpay na maikulong ang masama at makapangyarihang diyos ay lubha siyang nasugatan ni Eliazar gamit ang makapangyarihang black magic nito. Ang mga dugo ni diyosang Felisa ay aksidenteng pumatak sa mundong kaniyang nilikha na may kasamang puting mahika at itim na mahika ay sumabog ang mga ito. Dito ay naapektuhan ang iba't ibang mga nilalang ng hindi nila alam. Pumasok ang mga kakaibang mahika sa katawan ng mga nilalang na naninirahan sa mundong ito. Ang mundong ito ay tinatawag na Cadmus. Si diyosa felisa ay hindi na muling nagpakita sa mundong ito. Pinaniniwalaang naglakbay siya sa iba't ibang dimensiyon at ang iba'y naniniwalang natulog ito ng mahimbing dahil sa pinsalang kaniyang natamo ngunit naging isang bayani para sa lahat ang alamat ni diyosa Felisa kahit wala namang ebidensya kung totoo sng kwentong ito. ... Ang mundo ng Cadmus ay isang mundong balot pa rin hanggang ngayon ng misteryo. Cadmian ang tawag sa mga taong naninirahan dito na biniyayaan ng espesyal na kakayahan. Katulad lamang sila ng katangiang pisikal ng tao pero may mga ekstraordinaryong kakayahan. Ang mga tao dito ay may iba't ibang kakayahan mapapisikal man o mahika man ang ginagamit. Ang kakaibang kakayahan ng iyong mga magulang ay hindi namamana at ikay magkakaroon ng ibang espesyal na kakayahan at ito'y isang gift at hindi ito napapasa o makukuha ninuman sapagkat tanging ikaw lamang o sarili mo lang ang tanging makakagamit o makakakontrol nito. Sa kabilng banda, may isa sa pinakamaraming sikat at prestiryusong paaralan na layuning turuan ang mga estudyanteng hasain ang kanilang mga kakayahan na siyang magiging instrumento upang mas mapaunlad ang kakayahan nila sa paggamit ng mahika at ito ay ang CADMUS ACADEMY, ito'y isang napakalaking akademya sa Lugar ng Cadmus. Lahat ng mga Cadmian ay pwedeng mag-aral dito sapagkat libre lang ang lahat pati na ang gagamitin nila. Ito'y naging batas na sa lahat ng Cadmian na dapat ay matutunan na ang kakayahan ng lahat ng mga tao dito at dapat kang pumasok sa kahit na saang paaralan dito. Patas ang turing ng namamahala dito. Nagkakaroon dito ng mga Tournament o paligsahan sa bawat division. May anim na division dito sa CADMUS ACADEMY, ito ay ang Division of Gordania, Division of Flemoria, Division of Velfron, at ang panghuli ay ang Division of Delvoron na siyang sinasabing pinakamahina sa lahat o ito yung division na binansagang the largest yet the weakest division. Ang mga namamahala sa apat na division ang pumipili ng magiging estudyante nila at kung matatakan ka na nila ng kanilang division symbol ay opisyal na magiging estudyante ka nila at hindi na ito magbabago pa. Sabi nga nila "Symbol leads to your own fate and it's to you to do great." Ang istoryang ito ay nakatuon sa ating bida na si Dion Claspior Lemnevor. Tawagin na lang natin siya bilang Evor. Sa surname kinuha ang palayaw niya kaya it sounds weird. Siya'y isang ordinaryong estudyante na nanggaling sa mahirap na pamilya na tinuring na mababang uri sa lipunan sa kanilang lupain ng Cadmus. Kahit ganon ay sinikap niyang maging matatag at harapin ang pagsubok sa buhay sa tulong ng kanyang mapagmahal na ama't ina at ng kanyang mga masayahin at makukulit na dalawang kapatid. Naging masaya ang kanyang buhay kahit na itinuring silang low class sa estado nila ngayon. Nagsusumikap siyang makapagtapos ng pag-aaral. Siya'y kabilang sa Division of Delvoron. Naging maayos naman ang naging pakikisama at pakikiagsalamuha ng ka Class niya pero ng kanyang kapwa-Division. Sa kabilang banda itinuring wari sila ng mga ibang division mahihina at mga lampa pagdating sa kapangyarihang taglay at itinuturing ng iba na tapunan ng mga mahihina ngunit hindi naman talaga yun totoo dahil hindi lang talaga nahahasa ang abilidad nila, o kaya ay hirap lang silang kontrolin ang kanilang kapangyarihan at hindi natutukan ng maayos ng mga guro ang mga estudyante dahil nga sa dami nito. Before matatakan kasi ang mga estudyante ay nagpapakita muna sila ng abilidadad kumbaga nga eh Division Examination Power Test. Ginaganap ito tuwing sasapit ang batang 8-10 taong gulang. Inborn na kasi ang kapangyarihan nila kaya kapag naka level 150+ (+ means above) ang batang iyon ay pinag-aagawan nalang iyon ng mga leader ng bawat division at halos ang mahihina ay natitira sa Leader ng Division of Delvoron. Pantay nga pamamahala sa kanyang estudyante ngunit hindi pantay ang hatian sa mga estudyante kaya doon nagsimula ang problema. Noon nga ay noong nagkaroon ng examination at tini-test ang kanilang level gamit ang Louvre Device na panggamit sa pag-alam ng iyong Power Level. Sila ang kumakabit nito sa bawat estudyante dahil sila lang kasi marunong magkabit noon at trabaho iyon mga alalay ng Magic Council. Lahat ay nakabitan na at halos lahat ay 85 above , halata nga mataas ang level ng mga anak ng mga Royalties at Elites. Nang ikinabit na sa akin ang device ay nagtaka ang lalaking nagkabit sa kanya dahil Level 35 palang at agad na pinalitan at nagulat ang lalaki na pareho man ang resulta kaya hindi na niya tinanggal. " "Goodluck sa iyo bata!,alam kong malakas ka at magiging kilala sa lahat, power is just a number! and Always remember that,ok?! " Sabi ng lalaking assistant sa batang si Evor May special ability ang assistant na ito na Power Analyser at hindi niya maintindihan ang resulta ng device pero alam niyang may kakaiba dito at simula nga nito ay minamatyagan niya nga ito at maging sa gaganaping Division Examination Power Test (DEPT) "Opo" sagot naman ng batang si Evor. ASSISTANT PoV: Unknown Character Nagkwentuhan muna kami at nalaman kung siya si Dion Claspior Lemnevor, at Evor ang palayaw niya at ang unique dahil sa surname kinuha ang name niya. Natutuwa nga ako dahil ang bibo niyang bata at parang walang problema. Ang inosente niya kaso naaawa talaga ako dahil sigurado akong sa Division of Delvoron siya ilalagay. Di bale, alam ko namang malakas siya. Siya ang pinakahuling nakapila dahil nga pinapahuli ang mga mababang level, ang unfair nga eh noh at labis akong naaawa sa batang iyon dahil ang aga pa dumating ang pamilya ng batang yun pero wala kaming magagawa dahil yun daw amg patakaran, edi wow sila!, Pagsusumikapan ko talagang maging miyembro ng Magic Council at balang araw babaguhin ko ang sistema nila, kung hindi man ako, Naniniwala akong ang batang si Evor ang magdadala ng pagbabago dahil naniniwala ako sa kakayahan ng batang yun. Habang binabantayan ko ang batang si Evor ay nanonood naman ako sa ibang bata nagpapakitang gilas. Marami talagang mapotensyal dito dahil halos mapuruhan nila ang Deurfameau Doll which is pinagsasamang kapangyarihan ng mga Malalakas na kilalang tao sa bawat division pero palagay ko hindi ito mababasag ng ganun-ganun lang unless malakas na malakas talaga ang kapangyarihan nito. Kahit mapuruhan ito ay may renegenation Magic ito na kayang mag-generate ang pinsala within 3 minutes depende sa pinsala na matatamo ng Deurfameau Doll kaya malakas talaga. Iba't ibang kapangyarihan ang nakikita ko, ang mga nakakabilib dito ay ang mga Celestial Magic, Vampirial Magic, Alfheim Magic, Lux Magic, Moon Magic, Summoning Magic at iba pa.( Many more kinds of magic that will definitely amaze of!, Wait lang kayo, atat na din ako magsulat noh!). At halos ang may ganitong mga kapangyarihan ay mga anak ng mga Magic Councils, Royalties, at Elites. Dahil nga "The more powerful blood in your parents, the more powerful their childs are." Pero mayroon namang gifted talaga o kaya ay depende sa kakayahan ng parents mo. Hindi naman talaga lahat ng Royalties, Elites, or even the siblings are powerful katulad ng kanilang magulang pero ganu talaga eh. Ngayon ay si Evor nalang ang natitirang bata sa gitna ng Field kung saan ginaganap ang test. Unti-unting lumapit si Evor sa gitna at unang nakita ng mga judges ang level niya kaya pinagtawanan siya nito ang iba namang tao ay nagpipigil ng tawa o kaya ay binabato ng mga masasakit na salita mabuti nalang ay may sound blocker device ditong naka-cover kaya hindi rinig ng batang si Evor ang masasakit na salita kaya mabuti narin yun pero ang mga headmaster ay nagdesisyon na silang ipapatatak na agad ang simbolo ng Division of Delvoron na sa isip ko ay masyado silang mapanghusga kaya alam kong pagsisihan nila ito. Masyado nilang minaliit ang kakayahan ng bata. Hindi ko lubos maisip na magagawa nila ang ganitong bagay, ako ay labis na naaawa at nagpipigil na ako ng galit na anytime ay baka magkaroon ng g**o. Sa huli ay napagdesisyunan nila na tatakan na ang bata ng simbolo ng Division of Delvoron gamit ang mga tagatatak ng mga miyembro ng Student Council ng Division of Delvoron at ito ay permanente na at legal ng estudyante ng Cadmus Academy na kabilang sa Division of Delvoron. Hindi ko mapigilan na tumayo at sumigaw ng Malakas. Sana man lang ay dinggin nila ang magiging dahilan ko para man lang makapag perform man lang ang kaawa-awang batang ito. "Sandali!"Sigaw ko at wala akong pakialam kong maraming taong maiinis sa akin. Malayo kasi ako sa field at nandito ako sa upuan ng mga assistant (A/N: Ang assistant ay mga ma-nonominate bilang maging kanang kamay o di kaya ay papalit sa mga namumunong tao na siyang miyembro Magic Council.) "Ano yun ------ ?!"Sigaw na tanong naman ng Headmaster Krent na Headmaster ng Division of Flemoria na siyang kinabibilangan ko sa akin (A/N: It depends to me to who knows the name and for you to find out! bleh!) "Ah, Headmaster, ang unfair naman po kung hindi magpapakitang ang batang yan kahit na miyembro na siya ng Division of Delvoron, diba baka maging issue pa to ng pagiging di niyo makatarungan at baka malaman ng taga-Magic Council ito at magkaroon pa ng problema!" Sigaw na sabi ko kay Headmaster Krent na ngayon ay nag-iisip ng mabuti. Nag-uusap na ngayon ang Headmasters at napagdesisyunang magpakitang gilas ang batang si Evor. Alam kasi nila na magkalaroon ng kasiraan sa imahe nila na lubos na pinakainiingatan nila at worst ay baka magkaroon ng suliranin sa pagitan nila at ng Magic Council. Makapangyarihan pa rin ang Magic Council dahil lahat ng mga miyembro nito ay Class X+ na hindi nila kayang tapatan kahit na ipatulong pa nila sa labanan ang mga estudyante nila kaya nirerespeto talaga sila ng mga Headmasters at lahat ng tao sa Cadmus. Si Evor na ang lalaban at nagsummon?! Oo, hindi ako makapaniwala pero kitang-kita ng dalawang mata ko na sobrang laki talaga ng Magic Circle na kulay dark Violet lumitaw sa may paanan niya at biglang lumabas na maliit na ahas?! Halos lahat ng tao ay tumawa ng walang humpay na parang malapit ng maluha maging ang mga judge / Headmaster ng bawat division except sa Headmaster ng Division of Delvoron na si Headmaster Deio. Ramdam ko na malakas ang mahikang pinalabas ng batang si Evor at alam kong alam ito ng mga may power Analyser ability at mga may sub-ability na may kinalaman sa Power Sensing Ability. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng ahas ay alam kung kakaiba dahil Dark Violet na malapit na sa itim ang kulay nito. Hanggang ngayon tumatawa pa sila at biglang nagchant ang batang si Evor. Boo! Walang kwentang bata! Umuwi ka nalang! Ilan lang yan sa maririnig mo at maraming naiinis at galit na naktingin sa batamg si Evor. Nawala ang tawa nila bilang nagchan ulit si Evor. "NESCAFRA, SECOND FORM!" Sigaw ni Evor na halos kalahati na ng Field ang laki nito. Ngayun ay naging itim na ang malaking Magic Circle na lumitaw. Lumilindol na sapagkat ngayon ay lumitaw ang Giant Serpent na halos umabot na sa napataas na barrier ng Field. Namangha ang lahat. Napalitan ng gulat, pagkamangha, Guilt, at mas nangibabaw ang takot. Natahimik ang lahat ng tao na nakaupo na ang iba ay nakatayo. Sa kabilang banda ay namangha ang mga Headmasters sa lakas ng kapangyarihan ng bata. Hindi nila alam kung ano ito pero ganun pa man ay nanghinayang sila at wala na silang magagawa. Labis naman ang tuwa ni Headmaster Deio dahil sa nagkaroon siya ng malakas na estudyante. Alam niyang espesyal na tao ang batang ito dahil ngayon lang siya nakakita ng ganitong abilidad. Ngayon ay nagsimula ng magpakitang gilas ang batang si Evor sa mga Judges at halos napuruhan naman ang lahat ng parte ng Katawan ang Deurfameau Doll pero mag-regenerate ito kung hindi siguro baka naging alikabok nalang ito kaya may sinabi si Evor sa mga judges na ikinataka nila. Pwede po bang bigyan mo ang lahat ng tao dito ng Huien (pronounce as You-wen) Eyeglasses kung saan makikita nito ang nangyayari sa labas ng Field at prinoprotektahan ang mata at binoblock ang ability nito. "Sabihan niyo sila na kahit gano ay huwag nilang huhubadin ang Huien Glass dahil baka po madamay sila." Sabi ng batang si Evor. Kahit nagtataka man ako ay sinunod ko naman at halos lahat naman ay nakasuot naman ng Huien Eyeglasses maging ang mga Headmasters kaso nga lang ang iba ay matigas ang ulo kaya hindi nila napilit ang mga ito. Akala ng mga Headmasters ay nakasuot na ng Eyeglasses kaso nga lang hindi eh. Inumpisahan na ulit ang Exam at sumigaw naman si Evor. "NESCAFRA, TRUE FORM!" Sigaw ni Evor at ngayon ay nagkaroon ng Magic Council na halos masakop nito ang buong field, kulay itim na itim na ito at ang kaninang Giant Serpent ay napalitan na ng babaeng sobrang ganda at hot na halos perpekto sa lahat ng aspekto ng katawan at ang kanyang mukha ay hindi maihahalintulad sa kanino man (unearthly beauty) liban nalang sa katawan niyang may disenyo ng ahas pero may mga paa siyang may mahahabang kuko na halos lahat ng tao lalong lalo na ang mga kalalakihan ay halos naging hugis puso ang mga mata nila at halos maglaway maging ang mga kababaihan ay ganoon din na parang natitibo. Ang batang si Evor naman ay napalitan ang kanyang kasuotan maging kanyang mata na naging sobrang black at nag- uumapaw din ang kapangyarihan na wari ko ay doble kaysa kay Nescafra na siyang Mythical Gorgon. Ang masasabi ko lang ay ang lakas niya at nakakatakot talaga ang batang ito. Lingid sa kaalaman nila siya ay si NESCAFRA, ang pinagmulan ng lahat ng Gorgon, sila yung mga may katangian ng ahas. Si Nescafra ay may kapangyarihang mas mabagsik at mas nakakatakot. Kung man siya kaganda't kaakit-akit ay may nakakamatay na abilidad. Lahat ng mga abilidad ng Gorgon na sa kanya maging ang abilidad ni Medussa ay mayroon siya at yun ang gagamitin niya ngayon. THIRD PERSON PoV Ang mga Headmasters ay naapektuhan na maliban na lamang kay headmaster Dashimer na siyang headmaster ng Divion of Gordania. Talagang kakaiba ito sa lahat ng mga Summoner dahil niyang nag-uumapaw ang kapangyarihan nito na kayang tumbasan ang mga estudyante niya. Hinfi niya alam kung ano ang klaseng kapangyarihan ng batang nasa harapan nila na kahit siya ay parang nadadala na dahil ramdam niyang mas malakas ang ability ng Gorgon na si Nescafra. Alam kong siya ang sinaunang angkan rather be called the first gorgon kaya malamang napakarami nitong abilidad plus napakalakas nito. Alam niyang anytime kaya kami nitong patayin sa isang tingin. Kahit naka Huien Eyeglasses kami hindi ito sapat kag tiningyan niya kami ng 10 segundo lamang. "Nescafra!" Tawag ng Kanyang Master sa kanya "Ano po yon aking Master?!" Malamyos na sabi ni Nescafra na ang kanyang boses ay nakakapanghipnotismo na kaya kang pasunurin at mga kalakihan at kababaihan ay nakikinig ng mabuti dahil likas na mapang-akit ang boses nila at likas na magaganda ang mukha. "Nescafra, Gawin mong estatwa ang Deurfameau Doll na yan." Utos sa kanya ng batang si Evor na siyang sinunod niya naman. Kung maliksi ang Deurfameau Doll ay wala itong ikukumpara sa bilis at liksi ni Nescafra na isang Mythical Creature which is ang Gorgon. Wlang hanggan din ang kapangyarihan nito. Tiningnan niya agad ito at ginamitan ng kapangyarihang STONE MAGIC. SA isang iglap ay naging diamond Statue ang Doll. At pagkatapos maging estatwa ito hinawakan niya ito at nagkapira-piraso na. Naestawa ang lahat. Sa kabilang Banda ay naging Diamond Statue ang mga taong hindi nagsuot ng Huien Eyeglasses at ang ibang nagtanggal ng Glasses ay naging Diamond Statue din. Labis ang takot ng lahat sa sinapit ng mahigit kumulang 2000 out of 5000 katao ang naging bato dahil hinubad nila agad-agad ang kanilang Huien Eyeglasses kaya nagulantang ang mga Headmasters dahil nakapatay ang batang ito at worst ay parang nagustuhan naman ito ng mga ganid sa kayamanan. Pero agad naman lumuwag ang kanilang paghinga dahil kaya palang ibalik sa dati ang mga estatwang ito sa pamamagitan ng Healing Eye Magic ni Nescafra (na hindi kaya ni Medussa), kahit kaya naman ni Evor ay ayaw ni Nescafra na ito ang gumawa dahil parang anak na rin ang turing niya sa kay Evor. Ibinalik ni Nescafra sa dati ang mga naging bato. Mabilis lang ang pagbalik niya dito dahil sa bilis at liksi nito. Ang mga tao na nilapitan nito ay sobrang takot na takot kay Nescafra at nanatiling parang estatwa ang mga ito at hindi tinitingnan ang Gorgon na si Nescafra. Nanghinayang naman ang mga ganid na tao kaso mas nanaig ang takot nila kaya wala silang nagawa kundi manahimik na lamang dahil sila ang gawing diyamanteng estatwa. Ang lahat ng tao ay napuno ng takot dahil kahit na may malalakas na abilidad sila ay hindi maitatanggi na sobrang lakas ng mga ito. Nag-isip ng plano ang mga Headmasters at iyon ay burahin ang alaala ng mga tao. Pinawala na ni Evor si Nescafra ngunit nandoom pa rin ang suot ni Evor na gawa sa baluti ng ahas na siyang kapangyarihan ni Nescafra. Likas na tuso ang Gorgon kaya ayaw niyang mapahamak ang anak- anakan niya este ang Master niya hehe. May sub-ability ang Headmaster ng Velfron na si Headmaster Henson. At pinalitan naman ang alaala nila sa iba sa totoong nangyari naging ng isa sa mga assistant ng Magic Council na si Demi na isang Memory Magic. Malakas ang kapangyarihan nito na kayang-kayang ikulong ka sa iyong isipan at iba pa. At yun nga ang nangyari ay naging parang ordinaryo lang ang nangyari kahit hindi naman talaga. Hindi binura sa mga alaala ng mga matataas na tao dito ang naging kaganapan katulad ng mga Assistant at ng mga Headmasters. Umuwi naman ang lahat pagkatapos ng naging pagpapasya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD