Lahat ng nangyari noon maging ngayon, masama man o mabuti, isa na lamang magandang alaala sa isipan ni Evor mula ngayon. Sa huling sandali niya bago lumisan sa kontinenteng ito kung saan ay naging tahanan niya maging ang mga taong naninirahan dito. Hindi niya lubos maisip na natapos na ang kaniyang oras na ginugol sa paglalakbay kung saan namulat ang kanyang kaisipan, natutong magsalita, maglakad, at kung saan sinubok ang kanyang katatagan at sariling abilidad upang ipaglaban ang sariling karapatan at tulungan ang mga taong nangangailangan upang ibigay ang nararapat na katarungan. Umihip ng malakas na hangin kung saan ay inilipad nito ang mga gahiblang buhok ni Evor. Sinasariwa niya ang lahat ng nangyari sa kaniya. Itinatatak ang bawat karanasan sa kanyang puso't-isipan. Kailangan niya ng
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


