Chapter 1

3343 Words
“WILL you marry me, honey?” tanong ni Luke kay Janet, habang nakaluhod ito sa kaniyang harapan. “Yes!” walang pag-aatubiling sagot niya. Niyakap siya nito at siniil ng halik ang kaniyang mga labi. Kaya pala bihis na bihis ito at inimbitahan siya roon sa sikat at eleganteng hotel. Kumuha pa ito ng eleganteng kuwarto para sa kanila. Sa loob ng kuwarto ay naka-set-up ang bilog na mesa na may nakahaing masasarap na pagkain. Hindi niya inaasahan na doon magpo-propose ng kasal ang limang taon na niyang nobyo na isang Mexican-American. “I am the luckiest woman on earth now, Luke. Thank you so much!” sabi niya sa binata nang magkasalo na sila sa masasarap na putahe. Hindi siya nakapaghanda dahil ura-urada itong nag-imbeta. Tumawag lang ito kinahapunan habang nasa trabaho siya. Mabuti na lang may baon siyang ekstrang damit. Nagpalit siya ng maxi dress na abuhin. “No, honey, I am the lucky man that’s why I chose to stay here with you. I have nothing to wish for, ‘cause you will be mine for the rest of my life. I love you so much,” masuyong wika nito. “I love you too, Luke,” naiiyak na ganti niya. Ginagap nito ang kanang kamay niya saka kinintalan ng mapusok na halik. Pagkabitiw nito ng kamay niya ay bigla na lang yumanig ang buong gusali. Nagkasabay pa silang tumayo. “What happened?” balisang tanong niya. “Stay here, honey,” sabi ni Luke. Hinablot nito ang backpack nito. “Where are you going?” balisang tanong niya. “Just stay here, honey! Don’t go out whatever happens. I’ll be back!” Hinalikan pa siya nito sa labi bago siya tuluyang iniwan. Hindi siya mapakali. Mamaya ay may kung anong sumabog mula sa labas. Akmang lalabas siya ngunit sinalubong siya ng nagliliyab na apoy... BUMALIKWAS nang bangon si Janet nang mahinuha na nanaginip na naman siya tungkol sa masaklap niyang nakaraan. Dalawang taon na ang nakalilipas magmula noong magyari ang insidente pero sariwa pa rin ang sugat sa puso niya dulot ng pagkawala ng kaniyang mga magulang, lalung-lalo na ng lalaking pinakamamahal niya. Hanggang sa sandaling iyon ay wala pa rin siyang balita tungkol kay Luke. Wala pa rin silang natatanggap na report kung kabilang ba si Luke sa natupok ng apoy sa hotel na tinuluyan nila noon. Kung walang nagligtas sa kanya mula sa hotel na nasunog ay baka natupok na rin siya ng apoy. Naalala niya, simula noong nakaligtas siya ay hindi na niya ulit nakita ang lalaking nagligtas sa kanya. Nawalan iyon ng malay noong nahulog sila sa bangin. Mabuti na lang hawak pa rin niya ang aso ni Luke na si Cloud at ligtas din. May grupo ng kalalakihan na tumulong sa kanila at dinala sila roon sa sangre academy. Lutang na ang isip niya noon. Ilang araw rin siyang hindi nakakatulog at nakakakain nang maayos. Hindi na rin niya nakita ang lalaking nagligtas sa kanya. Busy ang mga nilalang roon, na karamihan pala ay mga bampira. Wala siyang mapagtanungan kung nasaan na ang lalaking nagligtas sa kanya. Ni hindi niya alam ang pangalan niyon. Hindi na rin siya pinayagang bumalik sa tahanan niya dahil sa pagdami ng infected ng virus na nagiging sanhi ng zombie apocalypse. Lunes ng umaga, sumama si Janet kay Elias at Erman para bisitahin ang mga tao sa safe houses. Isang linggo lang siya roong nag-stay dahil nainip siya. Mabuti may offer na trabaho ang Sangre Academy. Nagtatrabaho na rin siya sa pabrika ng mga ito. Hindi pa rin siya tumitigil na isa-isahing tingnan ang mga taong naka-survive mula sa naglipanang virus. Baka sakaling kabilang sa mga ito si Luke. Pagkagaling nila sa isang isla sa Mactan ay dumeretso sila sa bayan na umano’y marami pang tao na ayaw lumikas. Lulan sila ng chopper. Inilapag ni Elias ang chopper sa ibabaw ng gusaling hindi pa yari. Malawak kasi ang espasyo roon. Iniwan siya ng mga ito para halughugin ng mga ito ang lugar at makombinsi ang mga tao na lumikas. May isang oras na siya sa loob. Nang mapuno ang pantog niya ay nagdesisyon siyang lumabas para umihi. Kumubli siya sa likod ng chopper saka iniraos ang pamumutok ng kaniyang pantog. Pagkatapos niyang umihi ay naglakad siya tatlong hakbang upang masilip ang ibaba ng gusali. Nalula siya sa sobrang taas ng kinaroroonan niya. Nang kumilos siya pabalik na sana sa chopper ay kumislot siya nang pagpihit niya sa kaniyang likuran ay nakatayo roon ang lalaking itim ang kasuutan mula ulo hanggang paa at nasa hitsura nito ang pagiging bampira. Iniisip niya na baka isa lang ito sa security ng sangre academy at sumunod sa kanila, pero nang tinangka niyang iwasan ito ay bigla nitong hinalit ang balikat niya. “Ano ba!” asik niya ngunit ginapos siya nito. Tinuhod niya ang pagitan ng mga hita nito. Napadaing ito at dagli siyang nabitawan. Tatakbo sana siya ngunit sumabit ang kanang braso niya sa kamay nito. Akmang sasakmalin siya nito ngunit nagtataka siya bakit bigla itong natigilan. Napatingin siya sa dibdib nito’ng may tumulos na palaso. Bumitiw ito sa kamay niya at bigla itong bumagsak sahig. Pagtingin niya sa tapat ng chopper ay nakatayo roon ang lalaking nagpakawala ng palaso. Hawak pa rin nito ang pana. Nakasuot ito ng itim na moto racer jacket. Matangkad ito, maputi at malaki ang pangangatawan. Matagal bago niya napamilyar ang mukha nito. Hanggang sa maalala niya na ito ang tumulong sa kanya noon para makalabas siya sa nasusunog na hotel. Pero hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang pangalan nito dahil magmula noon ay hindi na niya ito nakita, ngayon na ulit, sa pangalawang pagkakataon na sinagip nito ang buhay niya. Humakbang ito palapit sa kanya. Nilapitan nito ang lapastangang lalaki saka hinugot ang palaso sa dibdib nito. “Why you are here?” tanong nito sa kanya kapagkuwan. “Ah, kasama ko sina Elias at Erman,” tugon niya. “Bumalik ka na sa chopper and don’t go out again.” Tumalima naman siya. Hindi pa siya nakakasakay sa chopper ay napigil siya ng lalaki. “What is your name again?” pagkuwan ay tanong nito. Hinarap niya ito. “Janet Santos,” naiilang niyang sagot. “Kaano-ano mo si Katrina Santos na asawa ni Jero?” Naalala niya, may kaaperyido nga pala siya sa academy, si Katrina pero hindi niya ito kaano-ano. “Ahm, hindi ko po siya kilala. Siguro magka-aperyido lang kami. Marami naman pong ganon.” “Okay. Just stay inside the chopper,” anito at bigla na lamang naglaho. Hindi manlang niya natanong ang pangalan ng lalaki. Hindi pa siya nakapagpasalamat kahit noong unang iniligtas siya nito. Mamaya ay nakabalik na sina Elias at Erman kasama ang dalawang batang babae. Ang mga ito lang ang nasagip ng dalawa. Siguro dahil ayaw pa ring sumama ng ibang tao. Pagdating sa academy ay tinulungan niya si Erman na maasikaso ang dalawang batang babae na parehong pitong taong gulang. Nagkakilala lang ang dalawang bata sa paaralan kung saan na-trap ang mga ito. May trauma pa ang isa na kahit anong kausap nila ay ayaw magsalita. Ang isa naman ay madaldal. “Patricia po ang pangalan ko. Siya naman si Lelanie,” pakilala ng isang bata. Si Lelanie ay tulala pa rin kaya dinala na nila ito sa clinic. Binantayan niya si Lelaine sa kuwarto ng clinic. Mamaya ay bumalik si Erman. May dala itong tray ng pagkain. Mabuti naman kumakain na ang bata. “Kumain ka na rin, Janet. Dinamihan ko talaga ang pagkain para hindi ka na lalabas,” ani ni Erman. “Salamat. Eh, ikaw, hindi ka ba kakain?” aniya. “Busog ako, eh,” nakangiting sagot nito. Nginitian na lang niya ito. Pinatapos muna niyang kumain si Lelanie, bago siya kumain. Nang humiga nang muli si Lelanie ay lumipat siya sa bed side table. Umupo naman sa katapat niyang silya si Erman. “Hindi ka ata lumabas ng kuwarto ng dalawang araw,” pagkuwa’y usig ni Erman. Tumigil siya sa pagsubo. Dahil sa magkasunod na panaginip niya tungkol kay Luke ay inalipin na naman siya ng lungkot. Hindi niya nasagot si Erman. “Naiisip mo na naman ang fiance mo ano?” deretsong sabi ni Erman. Tiningnan niya ito nang mataman. Sa lahat ng mga bampira na nakakasalamuha niya roon sa academy ay si Erman lang ang napagsasabihan niya ng mga hinaing niya. Bukod sa mausisa ito ay marunong itong makinig at nagbibigay ng payo. “Napapanaginipan ko na naman siya,” aniya pagkuwan. “Normal lang iyon, kasi nami-miss mo siya. Two years, siguro naman sapat na iyon para makalimutan mo siya.” “Kung ganoon lang sana kadaling makalimot, bakit hindi?” Nagpatuloy siya sa pagsubo. “Alam mo, mas madali mo siyang makakalimutan kung may taong nagpapasaya sa ‘yo. Naiintindihan ko na nahihirapan ka, siguro dahil wala kang nakitang ebidensiya na patay na siya. Pero kung ikukulong mo ang sarili mo sa pangungulila sa kanya, talagang mahihirapan kang mag-move on. Two years may enough to forget the saddest part of our life. Though it cause conflict sometimes, we should learn how to move on.” “Oo nga pero ang hirap talaga lalo sa ganitong sitwasyon na hindi na normal ang pamumuhay.” “Oo nga. Sa kaso mo kasi, hindi madali kasi sabi mo nga, bago kayo naghiwalay ng boyfriend mo ay nag-propose siya ng kasal sa iyo at iyon ang pinakamasayang moment sa buhay mo. Pero, Janet, ginawa na ng team ang lahat para makita siya. Nakuha na lahat ng bangkay na nasunog sa hotel at isa-isang isinalang sa DNA test pero hindi nakasama sa mga biktima ang fiance mo,” ani ni Erman. “Ibig sabihin buhay pa siya?” Nabuhayan siya ng loob. Umasa na naman siya. “Ayaw kong umasa ka, pero posible. Pero kung buhay pa siya, sana nakita na namin siya kung narito lang siya sa bansa. Wala siya kamo sa mga survivor. Siguro umaasa ka pa rin na babalik siya kaya ayaw mo siyang kalimutan.” Tiningnan niya sa mga mata si Erman. May point ito. Kung talagang buhay si Luke, hindi aabot ng dalawang taon at sanay nakita na niya ito. Siguro nga panahon na para tanggapin na niya na wala na ang lalaking minahal niya. Kumislot siya nang biglang pisilin ni Erman ang pisngi niya. Noong unang beses na nakasalamuha niya si Erman ay iniisip niya na baka bakla ito dahil masyado itong malambing at madaldal. Pero katagalan ay napapansin niya na normal lang iyon sa binata. Mukha lang itong seryoso pero masarap itong kausap at kasama. Palagi siya nitong inaaliw ng mga kuwento at payo nito. Siguro kung nakalimutan kaagad niya si Luke ay hindi malayong mahuhulog ang loob niya kay Erman. Ang kaso, nababalita na hiwalay sa girlfriend nito ang binata. Sa kabila ng masayahin nitong presensiya, may lungkot din itong tinatamasa. Maraming nagguguwapuhang lalaki sa academy pero masyadong matataas ang tingin niya sa mga ito kaya naiilang siyang makihalubilo. Simpleng lalaki lang ang gusto niya, yaong mabibigyan siya ng sapat na atensiyon at pagmamahal... katulad ni Luke. “Kahit hindi mo sabihin, alam ko kung ano ang tumatakbo riyan sa utak mo, Janet,” mamaya ay sabi ni Erman. Kumislot siya. Nabanggit nga pala sa kanya ni Elias na nakakabasa ng isip si Erman. Malamang ay alam nito kung ano ang mga iniisip niya. Nagpatuloy na lamang siya sa pagsubo. Kinabukasan... Ilang beses na nakita ni Janet ang lalaking nagligtas sa kanya na kasama ni Hannah. Kakaiba ang sweetness ng dalawa kaya nagduda na siya na magkasintahan ang mga ito. Ngayong madalas na niya nakikita ang lalaki ay saka lamang niya napapansin ang taglay nitong kaguwapuhan. Kahit sinong babae ay mahuhumaling dito dahil sa lakas ng s*x appeal nito. Ilang beses na rin silang nagkasalubong sa pasilyo pero parang hindi siya nakita. Kinahapunan ay kasama nila si Lifesaver. Ganoon ang tawag niya sa lalaking nagligtas sa kanya since hindi pa niya nalalaman ang pangalan nito. Nahihiya naman siyang magtanong sa mga kasamang lalaki baka isipin ng mga ito interesado siya sa lalaki. Papunta sila sa safe house sa Mactan lulan ng aircraft. Naghatid sila ng mga essential good muna sa pabrika. Kasama rin nila sina Rafael, Erman at piloto na si Elias. Naging abala sila sa pag-distribute ng mga goods. Nang matapos ang trabaho ay naglibot siya sa pasilidad na nasasakop ng safe house. Bihira siya nakakapunta roon sa Mactan kaya umaasa siya na baka makita niya roon si Luke. Malawak ang pasilidad at maraming dibisyon na kuwarto. Ang ibang parte ay tahimik na. Pagdating niya sa dulo ng pasilyo ay maraming pinto. Deretso lang ang lakad niya hanggang tumapat siya sa dulong kuwarto na bahagyang nakabukas ang pinto. Natigilan siya, kinilabutan nang masaksihan ang senaryo sa loob. Para siyang natuka ng ahas nang makita si Lifesaver na nakatayo patalikod sa bintana, nakababa ang salawal at may babaeng nakaluhod sa harapan nito at tinatrabaho ang p*********i nito. “Oohhhh…” ungol nito. Sinabunutan pa nito ang mahabang buhok ng babae na hindi naman nakahubad. May kung anong bayolenteng init na lumukob sa sistema niya. Hindi siya kaagad nakagalaw. Kumislot siya nang biglang mahagip siya ng paningin ng lalaki saktong dumaing ito bilang hudyat na um-orgasmo na ito. Hindi naman siya inosente sa ganoong bagay dahil naranasan niya na. She experienced c*********s with Luke, hanggang doon lang sila. Siya lang naman ang pinaligawa ni Luke, he was yearning for her but no p***s penetration kaya buo pa rin ang p********e niya. Saglit lang niya nakitaan ng pagkagulat ang mukha ng lalaki. Inawat nito ang babae saka nagtaas ng pantalon. “Aalis ka na? We’re not done yet. f**k me, please,” nahahayok na samo ng babae. Ah hindi naman pala nagtalik talaga ang dalawa. Mukhang nagparaos lang itong lalaki. She felt disappointed pero na-realize niya, may mga ganoon talagang lalaki. Tumakbo siya palayo at bumalik na lamang sa lobby ng safe house. Saktong nagyaya na si Elias na bumalik sila sa academy. Tahimik lang si Janet habang nakaupo katabi ni Erman. Kasabay pa rin nila si Lifesaver sa aircraft. Nakaupo ito katapat nila Erman. Si Rafael ang katabi nito na busy sa kinakain na mansanas. Naging uneasy siya nang mahuli niya minsan na nakatingin sa kanya si Lifesaver. Siya ang nahihiya dahil sa nakita, na dapat ay hindi niya pinanood. Baka isipin nito naninilip siya. Aksidente lang naman iyon. Nang muli niya itong sipatin ay nawindang siya nang bigla siya nitong ngitian. Awtomatikong kumabog ang dibdib niya. Kumislot siya nang kalabitin siya ni Erman. Inilapit nito ang mukha sa kaniyang tainga at bumulong, “Gutom ka na ba?” Naibaling niya ang tingin kay Erman. “Uhm, hindi naman. Kumain ako ng sandwich kanina,” tugon niya. “Sumama ka sa akin mamaya sa resort namin, mag-food trio tayo,” sabi nito. “Ha? Bakit?” “Gusto ko lang kumain nang kumain para malibang ako.” May pait sa tinig ni Erman. Matamang tinitigan niya ito. Ramdam niya ang sakit sa tinig nito. May pinagdadaanan nga ito. Baka dahil pa rin iyon sa kasisirang relasyon nito. “Sige,” sabi na lamang niya. Wala naman siguro itong balak na gawin siyang panakip-butas. He just want yo ease some pain, at marahil komportable ito sa kanya. Pagdating sa academy ay hindi na nakita ni Janet si Lifesaver nang maghiwalay silang lahat. Naligo lang siya at inihanda ang sarili para sa lakad nila ni Erman. Na-excite rin siya dahil makakagala siya. Makalipas pa ang isang linggo... Tinulungan ni Janet si Hannah sa pagre-repack ng mga groceries na dadalhin sa mga safe houses. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap ito. “Ahm, Hannah, ano na nga ‘yung pangalan ng lalaking nagligtas sa akin?” tanong niya kay Hannah, nang makaupo na sila sa sahig at pinagtulungang maibalot ang mga groceries. Sandaling natahimik si Hannah. Siguro’y pinag-iisipan kung sino ang tinutukoy niya. Isa kasi si Hannah sa nag-asikaso sa kanya noon pagdating niya sa academy. Maaring alam nito lahat na pinaggagawa ng lalaking iyon. Aywan niya bakit hindi maalis sa isip niya ang senaryong nakita noon sa safe house, na may pinapakaing babae si Lifesaver. It felt like a nightmare. “Ah, si Zack,” pagkuwa’y sagot nito. Nawindang siya. Madalas niya naririnig ang pangalang ‘Zack’ pero hindi niya matukoy kung sino sa mga kalalakihang naroon ang may ganoong pangalan. “Ah, siya pala si Zack,” aniya. Sa wakas ay nakilala rin niya ang lalaki. “Hindi pa kasi ako nakapagpasalamat sa kanya.” “Hayaan mo na, hindi naman ‘yon humihingi ng kapalit.” “Pero ilang beses ko kayong nakitang magkasama at ang sweet niya sa ‘yo. Boyfriend mo ba siya?” hindi natimping usisa niya. Pero sa kabilang banda, naaasiwa siya. Kung boyfriend ni Hannah si Zack, bakit may ibang babaeng kasama si Zack? Or maybe, Zack was a flirt and the girl she caught with him before was just his f**k-buddy. Poor Hannah. Matamang tumitig sa kanya si Hannah. “We just have a non-serious and noncommittal relationship,” pagkuwa’y bunyag nito. Napamata siya. “Totoo?” hindi makapaniwalang untag niya. “P-pero hindi halata na may ganoon kayong relasyon. Parang seryoso kayo.” “That was a rule. Kailangan parang totoong magkasintahan kami. Puwede naming gawin ang pangkaraniwang ginagawa ng magkasintahan pero hindi kami puwedeng ma-in love sa isa’t-isa. Kapag isa sa amin ang ma-in love, the relationship was over.” Tumawa siya nang pagak. Hindi kasi siya makapaniwala na natitiis ni Hannah ang ganoong setup. Kung siya sa sitwasyon nito ay baka hindi magtatagal ay iibig siya kay Zack. “How can you handle that kind of relationship?” tanong niya. “Zack was responsible for this. Hindi lang ako ang hinamon niya ng ganitong relasyon. He was a freaking playboy, a flirt, but he’s nice as a friend. Kaya maraming babae ang pumapatol sa kalokohan niya.” “Bakit ba niya ginagawa ‘yon? Bakit ayaw niyang magseryoso?” Kumibit-balikat si Hannah. Hindi nito nagawang sagutin ang katanungan niya’ng iyon. “Wala akong affection kay Zack kaya hindi ko pinagkainteresan ang buhay niya. The truth is… we’re just friends. No matter what happen, he’s still my friend,” sa halip ay sabi nito. “Kahit na malaman mong mahal ka talaga niya?” usig niya. “Actually, I didn’t care about that. Zack has a strong personality. Kaya niyang pagtakpan ang sandamakmak na rejections niya sa isang babaeng gusto niya. He can handle his emotions alone. Kahit mahalin niya ako, hindi ako natatakot na i-reject siya, dahil alam ko mabilis siyang maka-move on at makahanap ng kapalit.” “Ang weird niya,” komento niya. Masyado na siyang nahihiwagaan sa Zack na iyon. Napansin din niya noong muli silang magkita, masyadong mailap ang atensiyon ni Zack, at hindi ito open kahit kanino. “You’re right,” ani ni Hannah. Nakangiting nakatitig ito sa kanya, na parang binabasa ang isip niya. Ibinalik na lamang niya ang atensiyon sa ginagawa at hindi na muling nagtanong ukol kay Zack, baka isipin nito na may interes siya sa binata. Pagkatapos nilang mag-repack ng mga groceries ay sumama ulit siya sa paghatid ng mga ito sa mga safe houses. Sa ganoong paraan ay naaaliw siya dahil nakakasalamuha niya ang ibang tao. Iilan lang kasi ang kapwa niya tao na nagsisilbi sa academy. Ang iba’y busy rin sa kani-kanilang trabaho. Mas pinili niya na magsilbi sa academy kaysa sumama sa mga survivor sa mga safe houses. Baka ika niya, kapag naroon siya sa safe house ay lalo lang niya maiisip ang masaklap na nakaraan. Mainam na rin itong nagtatrabaho siya sa academy dahil nalilibang siya. Marami rin siyang natutuklasang nakakaaliw na mga bagay sa piling ng mga bampira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD