TWISTED HEART

2305 Words
Kabanata 3 (TWISTED HEART)   Gray     Mabilis akong lumapit sa kanyang kinasasadlakan. Hindi ko alam kung ano ang unang hahawakan sa kanya dahil ang sakit sakit ng aking dibdib sa tunog ng kanyang pag iyak. Bawat piyok at hagulhol niya para akong sinasakal .. nahihirapan akong huminga. Nang akmang hahawakan ko na ang kanyang magkabilang balikat naunahan na ako ni Grace. Pumaloob na siya sa bisig ng aking kakambal. Tumalikod ako at paulit ulit na nagmura, ilang beses kong pinabalik balik ang aking kanang kamay sa aking buhok. " FVCK! FVCK! FCKIN HELL!!"     " T-Tin I'm sorry. K-Kung pwede lang kitang t-tulungan g-ginaw------ wala na parehas na silang umiiyak. Tila hinang hina nabitawan ni Tin ang papel na hawak hawak niya kanina. Nakabaon ang kanyang buong mukha sa leeg ni Grace. Wala sa sariling yumukod ako at dinampot ko ang papel na iyon. basa na iyon... basa ng mga luha niya at lukut lukot na .     Natigilan ako. Tiningnan ko siya. May dahilan naman pala kung bakit siya nagkakaganito. Ipinikit ko ang aking mga mata, kumuyom ang aking mga kamay. Baog siya.. and honestly sa tagal tagal na magkasama kami laging bukang bibig niya na gusto niya talagang magkaanak.. sa limang taon nilang mag asawa hindi sila nakabuo ng aking kapatid na panganay. Kaya naman pala ganito siya..     Unti unti akong nanghihina.. unti unti akong nakakaramdam ng pagkabalisa, kalungkutan.. Ang babaeng ito, kung pwede ko lang akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon ginawa ko na.. ganyan ko siya talaga kamahal. " T-Tin." tawag ko sa kanyang pangalan habang nakayukod na sa kanilang dalawa ng aking kakambal. "Tin."     " Stop crying baby. I know this is hard for you p-pero wag mo namang pahirapan ng ganito ang sarili m-mo.. m-marami pang para-----------   " Paraan Gray? Maraming paraan? mag aampon kami?!! yun ba ang nasa isip mo? Gusto mong kumalma ako ngayon at kalimutan ang katotohanang ako ang baog at kahit kailan hindi ko mabibigyan ng anak ang kuya mo?!! ang asawa ko?!! Wala kang alam sa nararamdaman ko ngayon!! wala kayong alam sa sakit na unti unting kumakain sa puso ko!! sa buong pagkatao ko!! kaya wala kang karapatan na magsalita sa akin ng ganyan dahil wala kang alam!!! walaaa!!" histerikal siyang sumisigaw sa aking harapan habang tumutulo ang kanyang mga luha.. nanginginig ang kanyang boses.. ang kanyang buong katawan.     Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa.. ipinaloob ko siya sa aking bisig, lumaban siya.. pumapalag mula sa akin.. paulit ulit niyang binayo ang king dibdib.. itinutulak pero hinigpitan kong lalo ang pagkakayakap sa kanya... dahil ito lang naman ang kaya kong gawin at ibigay.. ng tila halos napagod na siya sa kanyang ginagawang paglaban ibinaon niya sa aking dibdib ang kanyang mukha at doon umiyak ng umiyak habang nakayakap din sa akin ng mahigpit. " G-Gray.. Gray----------     " Shhhh.. T-Tin baby calm down.. "     " B-Baby gusto ko ng a-anak G-Gray.. kahit isa l-lang----isa l-lang ----------     "B-bibigyan kita Tin. Ibibigay ko ang pangarap mong anak .. kahit ilan pa!! kahit ilan pa!!" out of desperation na sabi ko na lang sa kanya dahil sa pagkataranta ko. Tangna!! awang awa na ako sa kanya.. sa mga luha niyang hindi ko na mapahinto..sa katawan niyang nanginginig at nanghihina sa aking mga bisig.     "Gray ano bang sinasabi mo!! naiintindihan mo ba ang----------     " Second opinion.. Tin.. kailangan natin ng second opinion para wala tayong pagsisihan, baka nagkamali lang si Grace..bak-----------   " Ilang beses ko ng pinauulit ulit ang test Gray!! At isa lang ang resulta at iyon ang nababasa mo sa papel!! Kahit kanino ka pa magpatingin iisa lang din ang lalabas na resulta at iyon ang pagiging ba-------     Pinaningkitan ko ng mga mata ang aking kakambal, natigilan siya ng marealize niya ang salitang muntikan na niyang masabi ng malakas. Paulit ulit kong hinaplos haplos ang buhok ng babaeng aking kayakap ngayon.. paulit ulit ko ring sinasambit ang kanyang pangalan na para bang sa paraan na iyon mababawasan at madadamayan ko siya dahil sa totoo lang kung nasasaktan siya mas nasasaktan ako.. doble doble pa.     ring... ring... ring... ring... ring... ring... ring... ring... ring...     Wala sa sariling inabot ko ang cellphone ni Tin na nasa bulsa ng blazer na suot suot niya. Pikit matang tiningnan ko kung sino ang tumatawag at iyon ay walang iba kundi si Kuya Greg. " T-Tin tumatawag si K-------     Umiling iling lamang siya sa akin at mas lalo niyang ibinaon ang kanyang mukha sa aking dibdib. Pinatay ko na lamang iyon at binuhat ko siya para maiupo ko siya sa leather couch sa opisina ng aking kakambal.     " G-Gusto ko ng anak Gray. Kahit anong gender basta yung matatawag kong akin. K-Kahit isa lang. Pero papaano pa iyon makukuha kung------ Pa-paano ko s-sasabihin kay G-Greg ?-------     Lumunok ako ng isang beses para tanggalin ang malaking bara sa aking lalamunan... shet!! parang gusto ko na ring umiyak.. parang hinahati at hinihiwa ang puso sa nakikita kong paghihirap niya.. hanggang ngayon si Kuya pa rin ang naiisip niya imbis na ang sarili niya.. Ganito niya ba talaga kamahal ang panganay kong kapatid. " M-Mahal na mahal ka n-ni Kuya hindi ba? A-Alam k-kong maiintindihan niya ang sitwasyon at isa pa.. h-hindi mo naman yan kagustuhan.. kay please lang T-Tin b-baby kumalma ka l-lang. " labas sa ilong kong sabi sa kanya.. tiim bagang kong inilipat ang aking mga mata sa aking kakambal na hindi ako matingnan sa mga mata.. dahil alam kong may mali... may hinala akong may hindi tamang nangyayari sa paligid.. at kilalang kilala ko si Diane Grace.. kambal kami ehhh.. sa bawat iwas niya sa aking mga mata.. sa pagkibot ng labi niya at sa nanginginig niyang mga kamay... alam kong may ginawa siyang kasalanan pero ang tanong ay kun--------------     " H-Honey? " automatic na humigpit ang pagkakayakap ko kay Tin ng marinig ko ang boses na iyon na kinasusuklaman ko simula ng agawin niya sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. Ni hindi ko man lang narinig ang pagbubukas ng pintuan ng clinic ni Diane Grace dahil okupado ang aking isipan.. Tumigas ang aking mga panga at nagpintigan ang aking mga ugat sa sentido ng maramdaman ko ang papalapit niyang mga yabag sa amin. Ramdam ko ang paghinga at pag iyak lalo ni Tin sa aking mga bisig ng marealize niya kung sino iyon.     " What happened, honey? are you hurt? you're not answering my calls.  why, why are you crying?!" natatarantang lapit niya ng mabilis sa amin at hindi na ako nakahuma ng walang babalang isingit niya ang kanyang sarili sa pagitan namin ni Tin. Ilang beses kong pinigilan ang aking sarili na itulak siya dahil naninibugho ako ng sobra lalo na ng yumakap na ng todo si Tin sa kanya.     Padarag akong tumayo na lamang, tumalikod ako sa kanila at puno ng gigil kong pinadaanan ang aking buhok ng maraming beses sa sobrang frustrations.. timpi.. timpi.. kaunting kaunti na lang.. baka makapatay ako ng tao.. kahit ilang beses kong ipaaalala sa aking isipan at sarili na kadugo ko siya.. hindi ko pa ring maiwasang mag isip ng karumal dumal.. kahit isang sapak lang.. isang sipa lang para mailabas ko lang itong galit ko na unti unting kumakain sa akin.. magiging okay na ako.. pero putcha lang talaga!! hirap na hirap na rin naman ako.     " So-sorry, h-hon.. G-Greg.. Im sorryyyy--- h-hindi n-na kita---- Im sor-------     "  Bakit ano bang problema?!"   " Im sorryy-----     " For fvck sake b-baby, Tin!! wala kang kasalanan!! kaya wag kang humingi ng tawad na para bang nakapatay ka ng tao!! hindi mo yan ginust-------- sigaw ko!! dahil rinding rindi ako sa paghingi niya kapatawaran sa kasalanang hindi naman niya kontrolado! I am out of line.. pero dahil selos na selos na ako na alam kong wala naman akong karapatan.. mas pinalalala ko ang sitwasyon na kinasasadlakan niya... pero masisisi niyo ba ako?     " Gray!!"     " Wag mong sigawan ang asawa ko!!"  tumawa ako ng pagak ng marinig ko ang salitang asawa sa bibig niya.. gusto ko pa ngang humalakhak ng malakas.. dahil kung tutuusin ako dapat ang nasa lugar niya.. ako dapat ang nasa tabi ng babaeng inaangkin niya kanya.. ako iyon dapat.. pvtang ina lang talaga!! hindi na ako makahinga.. pakiramdam ko isang salita pa niya.. sasabog na ako.. pero------- kumunot ang aking noo ng mapansin ko ang pamamaga ng kanyang mga mata.. ang pamumula noon.. umiyak ba ang mang aagaw at tarantado kong kapatid?  iniiwas niya ang kanyang tingin sa akin  ng mapansin niyang inoobserbahan ko siya at mabilis na hinagkan niya sa tuktok ng ulo si Tin.     Lumipat ang aking mga mata sa aking kakambal na hindi na mapakali sa kanyang kinatatayuan. Kagat kagat nito ang pang ibabang labi at halos hindi malaman ang gagawin. . naroon yung iaayos niya ang mga papeles na nasa ibabaw ng mesa nito at bibitawan iyon ulit.. " Iuuwi ko na ang asawa ko Diane Grace. Sa bahay na namin kami mag uusap." pinagdiinan niya talaga ang salitang asawa na alam kong patungkol sa akin. Kapal ng mukha. Salubong ang kilay  na humarap ako sa kanila. Nakatayo na silang dalawa, nakahapit ang kanang braso niya sa bewang ni Tin na hinang hina dahil sa pag iyak..nakasubsob pa ang mukha niya sa dibdib nitong mang aagaw kong kapatid. Tiim bagang na tiningnan niya ako habang walang pakundangan kong pinagmamasdan si Tin sa kanyang harapan.. Nag aalala ako ehh.. pakialam ko naman sa kanya.     " B-Baby, Ti-----------   " Its Kristine for you, Gray!  She's my wife so stop calling her baby! She's Min----------   " You steal her from me, gago! kaya ak--------     " G-Gray--------     " Will you both stop, for christ sake! mas pinalalala niyo ang sitwasyon eh! Bakit ba sa tuwing magkikita kayo lagi na lang mas gusto niyong magsapakan! Magkapatid kayo ano ba?! " malakas na sigaw at awat sa amin ng aking kakambal.     " Wag ako ang pagsabihan mo ng ganyan Diane Grace! iyang kakambal mo na hindi maka move on!" nagpantig ang tenga... halos magtunugan ang mga ngipin ko sa galit na aking nararamdaman..   pero bago pa ako makapagsalita ulit mabilis na siyang naglalakad papalabas ng klinika bitbit ang babaeng buhay ko. Gustuhin ko mang humabol hindi ko na magawa dahil nasa kanang balikat ko na ang kamay ng aking kakambal.     " Gray, hayaan mo na muna sila. At pwede ba itigil mo na ito. Kahit pagbali baliktarin man natin ang mundo mag asawa na sila kaya humanap ka na rin ng ib----------     " At bakit naman kita susundin Diane Grace? baka nakakalimutan mo ikaw ang may kasalanan kung bakit napunta sa mang aagaw na iyon ang babaeng pinakamamahal ko!! ikaw ang may kasalanan kaya sa kanya napunta si Kristine!! Ika--------       " Kuya natin siya Gray!! ano ba!! dahil lang sa isang babae--------     " Hindi basta bastang babae ang inagaw niya sa akin! Hindi ibang babae ang ibinigay mo sa kanya! Mahal ko iyon! mahal na mahal ko siya!! Kaya hanggat nakikita ko siyang masaya at kasa kasama niya ang babaeng buhay ko!! mananatili ang galit ko!! hinding hindi ako matatahimik!!"     " Ganyan mo siya kamahal Gray?  kaya kahit ang pagiging magkapatid niyo ni Kuya Greg kakalimutan mo? " puno ng sama ng loob na tanong niya sa akin. Nakita ko kung paano maglandas ang kanyang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. Gustuhin ko mang pahiran iyon.. nanatili ako sa aking kinatatayuan.     " Siya ang sumira ng pagiging magkapatid namin. Nang oras na inagaw niya si Tin sa akin. Actually kayong dalawa. Now tell me Diane Grace? Ano ang ginawa mo? " kunot noong pinagmasdan niya  ako kasabay ng paglunok  niya ng maraming beses. Nakita ko kung paano mawala ng kulay ang kanyang mukha. Putlang putla siyang dahan dahang naupo sa swivel chair niya na nasa gilid lamang niya. Ginigitian siya ng pawis sa noo.. which means tama ang hinala ko---------     " A-Anong ibig mong s-sabih------- pagmamaang maangan niya sa aking harapan na naging dahilan ng pagsabog ko ng tuluyan dahil ginagawa na naman niya ang ginawa niya noon sa amin ni Kristine!! Minamanipula na naman nila kami!! ito!! to think na matalik na kaibigan niya ang babaeng pinakamamahal ko!! to think na imbis na pinoprotektahan niya ito para hindi masaktan siya pa ang nagiging dahilan ng mga pasakit nito!! anong klase siyang kaibigan!!     " Sasabihin mo ba sa akin? o mas gusto mong mapahiya ka sa harapan ni Tita Crystal dahil bukas doon ko ipapa check up si Tin---------     Napatayo siya dahil doon. Aunt Crystal is an ob gyne too. Kapatid siya ni Daddy. At alam kong alam niya ang kalalabasan ng pagsisinu------------ " Gray!--------       " Anong kagaguhan na naman ba ang pinagawa sayo ng mahal nating kapatid Diane Grace?! Ano na naman bang pinantakot niya sayo at hindi mo man lang naisip si Kristine na bestfriend mo lang naman ang masasaktan!! ano na naman baaa!! sumagot kang gaga kaa!!"       " M-Magpapakamatay s-si K-Kuya-------- kapag hindi ko iyon ginawa.. k-kung hindi ko babaliktarin ang r-resulta------     " Pwes, ako na ang papatay sa kanya ng tuluyan!! Langya!---------- nilingon ko ulit ang aking kakambal na iyak na ng iyak.. pero hindi ko siya nilapitan.. pinili na naman niya si Kuya.. siya na naman? bakit kailangan ako na lang lagi ang nasasaktan?  bakit laging pinoprotektahan nila ang baliw kong kapatid? bakit!! papaano nila naatim na lokohin si Tin?     " Gusto ng anak ni Tin, Diane Grace.. bibigyan ko siya kahit ilan pa ang gusto niya---------- tumindig siya ng mabilis at naglakad siya papalapit sa akin. Nanginginig ang kanyang mga kamay na humawak sa aking dalawang braso. " Gray!! nababaliw ka na ba?! Anong ibig mong sabihin dyan?!! gusto mo bang mam---------       " Naglalaro kayo ni Kuya hindi ba? Pinaglalaruan niyo ang babaeng pinakamamahal ko.. kaya sasali ako sa ayaw at sa gusto niyong dalawa.. Hindi ko hahayaan na tuluyang masaktan at magdusa si Tin sa kalokohan niyo.. kaya aagawin ko siya kay Kuya! Tutal sa simula pa lang naman akin siya!" pagkatapos kong sabihin iyon.. binaklas ko ang mga kamay niya sa aking braso at tinalikuran siya para maglakad papalabas ng kanyang kilinika..     " Gray!!"     " Gray, please!!"     " Grayyyy!! "     Paulit ulit niyang tinawag ang aking pangalan pero nagbingi bingihan ako. I'll take my chances now. She wanted children.. I will give her that.. babies.. kahit ilan pa ang gusto niya.. sinusumpa ko.. ang batang isisilang o ipagbubuntis niya ay manggagaling sa akin.. sa akin lang..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD