GABBIE Nang makarating ba kami sa condo niya ay hindi na siya bumaba pa sa sasakyan. Ako na lang ang mag-isang pumasok sa loob. Hindi ko alam kung saan ba siya pupunta. Pero base sa tono ng boses niya ay alam ko na hindi kami okay. Alam ko naman na kasalanan ko dahil sa mga sinabi ko. Pero masisisi ba niya ako kung ang pagkakilala ko sa kanya ay babaero siya? Na hindi na siya magtitino. At sinabi ko na okay lang sa akin na kapag may minahal siyang iba. Walang problema sa akin. Dahil nang pumasok ako sa pamilya niya, sa buhay niya ay buo na ang desisyon ko na aalis rin ako. Ngayon lang naman ako hirap na hirap at dahil ‘yon sa kanya. Dahil ‘yon sa sinabi niya na kailangan naming panindigan ang pagsasama na ito. Kaya nga ako natatakot eh, natatakot ako na baka mahalin ko talaga siya. At n

