GABBIE “Kilala mo ba si Alliyah? Paano mo nalaman na magaling siya?” tanong niya sa akin kaya ngayon ko lang na realize ang sinabi ko. “M–Mama,” nauutal na sambit ko. “Gab, may gusto ka bang sabihin sa akin?” tanong niya sa akin kaya bigla na lang bumilis ang t*bok ng puso ko sa sobrang kaba. “M–Mama, ang totoo po kasi ay iisa lang po ang trabaho namin ni Alliyah,” sagot ko sa kanya. “Bakit? Bakit ka nandito? Dahil lang ba sa trabaho mo?” tanong niya sa akin. “I’m sorry po, hindi ko po sinasadya, sorry po, mama,” nakayuko na sabi ko sa kanya. “Sino ang trabaho mo? Si Adler ba?” tanong niya sa akin. “Opo, siya po,” sagot ko sa kanya at may luha na pumatak mula sa mga mata ko. “Bakit? Alam ko na mali na itanong ko, pero gusto ko lang malaman kung bakit? Bakit ang anak ko?” tanong ni

