C7

1548 Words
GABBIE “Sira na ba ang ulo mo?” tanong ko sa kanya at nakalimutan ko na may ibang tao pala sa paligid. “Hinay-hinay ka sa sinasabi mo, mayor pa rin ako ng bayan na ito,” sabi niya sa akin. “Bakit mo ba kasi ako–” “Kung ayaw mong tumigil sa pagsasalita mo ay mapipilitan akong patigilin ka,” sabi niya sa akin kaya naging tahimik ako. Maraming tao dito at baka bigla na naman siyang gumawa ng walang kwentang bagay. Ako pa ang mahihiya sa gagawin niya at baka kumalat pa ang mukha ko sa kung saan. Ayaw ko pa naman na malaman ng relatives ko dito sa Pilipinas na umuwi ako. Dahil walang dapat na makaalam kung nasaan ba ako ngayon. “Ibaba mo na nga lang ako. Kaya ko naman kasing maglakad, Sir,” sarcastic na sabi ko sa kanya. “Okay,” sabi niya at ibinaba naman ako. “Ang bigat mo,” sabi pa niya at talagang nagbigay pa ng side comment. Narinig ko naman na nagbubulungan ang iba at ang iba ay tumitikhim pa. Nang tumingin ako sa kanila ay nagsi-alis na agad sila. Kaya may mga sinasabi talaga sila sa aming dalawa. Sinamaan ko naman ng tingin ang lalaking ito. “Kasalanan mo ito,” sabi ko sa kanya. “Ano na naman ang mali ko? Ikaw nga itong matigas ang ulo,” sabi niya sa akin. “Ako pa talaga? Eh ikaw nga itong makulit. Hindi ko naman kasi alam ‘yang trabaho ng secretary mo kaya bakit sa akin mo ipapagawa,” sabi ko pa sa kanya. “Hindi mo pa nga nasilip paano mo nasabi na hindi mo alam.” “Ewan ko sa ‘yo,” sabi ko sa kanya at mas nauna pa akong bumalik sa office niya. Hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang mga lagayan ng pagkain kanina. Pagpasok ko ay itinabi ko na muna ito. Umupo ako sa may couch at hinihintay ko ang utos niya. Pero umupo lang siya sa swivel chair niya at nagtrabaho na. Habang ako itong nakatayo pa rin dito. Ang lakas rin talaga ng trip ng lalaking ito. “Ano na ang gagawin ko?” tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. “Uupo na lang ba ako hanggang mamaya dito?” tanong ko ulit sa kanya. “Maghintay ka, masyado kang nagmamadali,” suplado na sabi niya sa akin. “Umamim ka nga sa akin, crush mo ako noh?” pabiro na sabi ko sa kanya at mabilis pa sa alas kwatro siyang tumingin sa akin. Nakakunot pa ang noo niya ngayon. “What did you say?” “Sabi ko baka naman crush mo at gusto mo na–” “Bodyguard, hindi crush. D’yan ka lang at bantayan mo ako,” sabi pa niya sa akin. “Puwede naman,” sagot ko sa kanya kaya mas lalong kumunot ang noo niya. “What?” “Pwede rin naman na maging driver mo ako. Kung kaya mo lang naman na magtiis na makita lagi ang mukha ko. Marami naman akong kayang gawin at mas malaki na ang bayad sa serbisyo ko,” sabi ko sa kanya. “Magkano ba ang kailangan mo?” tanong niya sa akin kaya ako naman itong nagulat sa kanya. “Okay na ako sa pagiging katulong ko,” sabi ko sa kanya. “Marunong kang magdrive kaya ikaw muna ang maging driver ko. Magbabakasyon ang driver ko kaya ikaw na lang muna,” sabi pa niya sa akin na para bang seryoso siya. “Nag–” “Kaya ko naman magtiis sa pangit mong mukha,” sabi pa niya sa akin. “Nakakahiya naman sa mas pangit mong mukha–” “Pareho lang naman tayong pangit,” sabi pa niya. “Kung talagang gusto mo ako na maging driver ay ikaw mismo ang magpaalam sa boss ko. You’re not my boss,” sabi ko sa kanya. “Okay, tatawagan ko si mommy,” sagot niya sa akin. “Wait lang, ibig bang sasabihin ay araw-araw? I mean, araw-araw akong pupunta sa place mo para sunduin ka?” tanong ko sa kanya. “Yes,” sagot niya sa akin. “Malayo ba sa bahay niyo ‘yon?” “Kung ‘yan ang problema mo ay puwede ka naman sa place ko. May isa pa namang vacant room doon. Wala namang problema sa akin kung sa tingin mo ay hustle sa ‘yo. Kailangan ko lang talaga ng driver simula bukas,” sagot niya sa akin. “Pag-isipan ko,” sabi ko sa kanya. “Mayroon ka ba niyan?” “Tsk!” asik ko sa kanya. “Masyado ka talagang high blood,” sabi niya sa akin. “Okay, bahala ka. Ang mahalaga ay sabihin mo sa mommy mo,” sabi ko sa kanya. “Ako na nga ang bahala. At isa pa, bawal kang magsuot ng short,” sabi niya sa akin. “Okay,” sabi ko sa kanya at nakangiti pa ako. Wala lang, may bigla na lang kasi akong naisip. Mamaya ay bibili ako ng damit ko bago ako umuwi. Lahat kasi ng damit ko ay medyo sexy kaya hindi puwede sa trabaho ko. Baka kasi mas bagay talaga ako na maging driver ng lalaking ito. Mas mabuti na rin kung ganito. Kahit naman magaan lang ang trabaho ko sa mansyon ay mas gusto ko pa rin na nakakalabas ako. Sure naman ako na walang gagawin sa akin ang lalaking ito lalo na hindi naman namin type ang isa’t isa. “Puwede na ba akong umuwi?” tanong ko sa kanya dahil masakit na ang puwet ko. Isa’t kalahating oras na akong nakaupo dito sa may couch niya habang siya itong patuloy lang sa ginagawa niya. Tapos ngayon ay parang bingi pa siya. Para bang wala siyang naririnig. Kaya kailangan ko na namang ulitin. “Sir, puwede na po ba akong umuwi?” “Umalis ka na,” sagot niya sa akin. “Okay,” sabi ko at tumayo na ako. Kinuha ko na rin ang mga lagayan. Papalabas na sana ako nang bigla na naman siyang nagsalita. “Sunduin mo ako bukas ng umaga sa condo ko,” sabi niya sa akin. “Okay po,” sagot ko naman sa kanya at lumabas na talaga ako. Nakahinga ako ng maayos ng tuluyan akong nakalabas. Mabuti na lang talaga at pumayag siya. Mahirap talagang intindihin ang ugali ng lalaking ‘yon. Ginawa lang akong taga-bantay habang nagtatrabaho siya. Dumaan muna ako sa mall para bumili ng damit ko bukas. May nakita naman ako kaya bumili na agad ako. Mabilis lang naman ako dito dahil umuwi rin ako agad. Pag-uwi ko ay sinabi na agad sa akin ni misis gov na nakausap niya ang anak niya. Kaya naman mag-aayos na lang ako ng mga gamit ko. “Kapag may ginawang kalokohan ang anak ko ay sabihin mo lang sa akin,” sabi sa akin ni misis gov. “Okay, po. Ako na po ang bahala sa kanya,” sabi ko sa kanya. “Basta, iha. ‘Wag mo naman p*tayin ha, gusto ko pang magka-apo sa kanya,” natatawa na sabi niya sa akin kaya ngumiti ako. “Pero puwede ko po siya bugbugin?” “Oo, basta buhay siya,” natatawa pa rin na sabi niya sa akin. “Okay po,” nakangisi na sabi ko sa kanya. After kong mag-ayos ng gamit ko ay nagulat kami dahil bigla na lang dumating si Adler. Dito daw siya kakain ng dinner at nagulat pa ako ulit dahil sasama na raw ako sa kanya mamaya kaya naman wala naman akong choice kung hindi ay sumunod sa kanya dahil siya na ang boss ko ngayon. After dinner ay umalis na kami at ako ang nagmaneho ng sasakyan niya. Walang traffic kaya naman medyo binilisan ko ang pagpatakbo ng sasakyan niya kaya nakarating agad kami sa condo niya. Inayos ko rin ang mga gamit ko sa room na kung saan ba dapat ako. Kung ang ibang mayor ay may bahay ang isang ito ay wala yatang bahay dahil sa condo pa rin nakatira. Mayaman ang pamilya nila at kilala rin na tapat kaya walang isyu sa lifestyle nila. Dahil hindi naman galing sa pera ng bayan ang ginagamit nila. Pero mukhang may sisira na sa pangalan nila at ang lalaking ito ang gagawa nito. “Aalis ka?” tanong ko sa kanya. “Yes, at ako na ang magmamaneho. Stay here at matulog ka ng maaga para hindi ka ma-late bukas. At isa pa, gisingin mo ako bukas, bukas naman ang room ko kaya pumasok ka lang,” sabi niya sa akin at nag-okay na lang ako. ******* Tunog ng alarm ko ang gumising sa akin kaya naman bumangon na ako at naligo na. Sinuot ko na rin ang damit ko at nag-ayos ako ng kaunti para naman maging presentable ako. Para rin bumagay sa akin ang damit ko. Dahil sa sinabi niya na gisingin ko siya at mabilis akong pumunta sa room niya. “Hey, wake up!” “Yorme, gising,” sabi ko sa kanya. “Inaantok pa ako,” sabi niya sa akin. “Gumising ka na nga,” sabi ko sa kanya at inalis ko ang kumot niya pero….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD