GABBIE “Saan mo gustong mag-dinner, sweetie?” tanong sa akin ng asawa ko. “Hindi ka ba lalabas kasama ang mga friends mo?” tanong ko sa kanya. “Mamaya pa, kumain na muna tayo ng dinner.” “Kayo, guys, saan niyo gustong kumain?” tanong niya sa dalawa kong kaibigan. “Kahit saan, yorme,” sagot nila at talagang sabay pa. “Okay,” sabi naman ng isang ito kaya tahimik na lang ako. Nagsimula na kasing magdaldal itong mga kasama ko. Na para bang close na sila kay Adler. Lumalabas na talaga ang kulay ni Ethan kaya siguro naman maniniwala na ang lalaking ito na kaibigan ko lang talaga si bading. Mas maarte pa nga ito sa akin eh. “Alam mo nagulat talaga kami nang malaman namin na nag-asawa na si Gab. Man hater kasi siya dahil ‘yong crush daw niya noon ay babaero,” sabi ni Ethan na madaldal kay

