GABBIE “Who are you?” tanong niya sa akin kaya napalunok naman ako ng wala sa oras. “Asawa mo,” sagot ko sa kanya. “Saan ka natutong humawak ng baril?” tanong niya sa akin. “Sa kaibigan ko kay Ethan,” sagot ko sa kanya. “Are you sure?” “Alam mo kung ayaw mong maniwala tanungin mo na lang siya. Pasalamat ka pa nga at nag-iisip ako ng solusyon sa problema nating ito,” sabi ko sa kanya. “Ang cool mo kasi,” sabi pa niya sa akin. “Tsk!” sabi ko dahil hindi ako sanay na pinupuri ako. “Mas lalo kang gumanda,” sabi pa niya sa akin. “Lasing ka pa rin ba? Pinupuri mo na kasi ako eh,” tanong ko sa kanya. “Kung lasing ako ay hindi mo na dapat ako kausap,” sabi niya sa akin kaya napangiti na lang ako. Nakakatuwa ang cute side nitong asawa ko. Kung sabagay ay kilala siyang babaero, makulit

