Chapter 75 Keitlyn's POV Tulad nga ng napagdesisyunan ko ay ako na mismo ang kakausap sa grupo nina Creight at wala na akong pakialam pa kung magalit man si Em o hindi. Hindi ako papayag sa mga panghihimasok sa niya sa desisyon ng mga kaibigan niya na tila ba hindi niya sila binibigyan ng pagkakataon na makapagdesisyon. Para bang maihahalintulad ito sa ginawa ni Batuk kay Gabriela. Ang pinagkaiba lang nila, si Batuk ay may planong sumali at tumulong sa alyansa namin habang si Em naman ay walang anumang plano. At hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pakiramdam ko na gagawin niya ang lahat huwag lang kaming magtagumpay. It feels like she is going to sabotage us. Ngunit sana ay nagkakamali lang ako ng hinala. Kung anuman ang nasa isip niya ngayon, sana ay isaalang-alang niya ang pagkak

