Chapter 54 Keitlyn's POV Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pakikipag-usap sa kanya. Ilang sandali na rin mula nang maiwan kaming dalawa rito sa loob ng kwarto sa clinic ngunit wala pa kaming nasisimulan na usapan. Well, mukhang wala rin naman talaga siyang plano na makipag-usap sa akin dahil ang plano niya lang naman talaga ay ang bantayan ako. And I think I really need to be one who will start the conversation dahil nga sa wala siyang plano. Kung hindi ko sisimulan ang pakikipag-usap sa kanya ay hindi talaga kami makakapag-usap. Pero tulad na nga rin ng sinabi niya sa akin kanina ay mukha ngang bad trip kaya mas nahirapan ako na kumuha ng bwelo dahil baka kung subukan ko man na kausapin siya ay sungitan niya lang ako. Pweo wala namang mawawala kung susubukan ko. Ngunit kung hindi

