Chapter 92 Aether's POV Hindi ko alam kung hanggang ilang oras niya akong plano na paghintayin para lang sa desisyon pero tinitigan lang ako ni Creight na tila ba binabasa kung ano ang nasa isip ko. Sa ginagawa niya sa akin ngayon ay parang wala siyang tiwala sa akin. We are on the same alliance kaya dapat ay pagkatiwalaan niya ako tulad ng ginawa ko na pagkatiwalaan siya na mapabilang sa aming samahan. Siguro ay ngayon ko mapapatunayan kung nasa amin na ba ang katapatan niya o nagawa lang niya na sabihin na sasapi siya sa amin just to inspite Em. Pero hindi naman niya siguro ipapahamak ang iba para lang kay Em. "I really need your help, Creight. I really need to talk to Em. Kailangan kong malaman kung alam ba niya kung nasaan si Keitlyn." I know that I am asking a favor from him pero

