Chapter 103 Aether's POV Naiinis ako dahil hindi ko akalain na ganito pala kahirap na basahin ang isip ni Em. Sa tingin ko ay tanging si Keiltyn lang ang nakakagawan na magtiyaga na basahin ang isip niya. Sigurado ako na hindi siya nahihirapan na alamin kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. "Sandali nga lamang, Em, paano namin mapapatunayan na nagsasabi ka ng totoo?" tanong ni Xavier. Maging ang kaibigan niyang 'to ay nahihirapan na basahin siya. "Hindi ko alam kung paano ko kayo mapapaniwala, Xavier pero iyon ang totoo," sabi niya at bigla na lamang mas humirap pa ang sitwasyon. "In five hours, magsasarado na nang tuluyan ang thirtieth century at habang buhay nang makukulong doon si Keitlyn kapag hindi agad siya nailabas doon," sabi niya at hindi ko naman naiwasan na makaramdam ng

