Chapter 81 Keitlyn's POV Ayoko man isipin na sinadyan ni Em ang pagkakabunggo niya sa akin ngunit nakita ko naman na masyadong maluwag ang space sa kabilang part niya para mahagip pa niya ang kinaroroonan ko plus the fact na nasa gilid na ako ng cafeteria dumaan. Ang mga ngisi rin niya sa labi ang nagpapatunay na sinadya nga niya 'yun at tila ba proud pa siya sa kanyang ginawa. Mas lalo lang tuloy akong nakaramdam ng inis sa kanya dahil sa ginawa niyang 'to. Hindi ko alam kung ano ang problema niya pero kung tungkol pa rin ito sa issue niya sa akin sa pagdating sa alyansa ay masyado naman na yatang immature ang ginawa niyang 'to. Para lang kaming nasa isang away bata at ito ang tangi niyang paraan para inisin ako o hindi naman kaya ay gumanti sa pang-aaway ko sa kanya. Kung ganito na ka

