“NAPANSIN ko na parang hindi mo gaanong pinapansin ang papa mo.” Tiningala ni Yvonne si Travis. Nasa entertainment room sila ng bahay nila sa kasalukuyan. Prente silang nakaupo sa sofa. Nakahilig siya sa dibdib nito at nakapaikot ang isang braso nito sa kanya habang nanonood sila ng isang lumang pelikula. Nasanay na ang mga magulang niya sa palaging pagbisita nito sa kanya. Tanggap na tanggap na rin ng mga ito ang relasyon nila. Noong unang magpakilala sa mga magulang niya si Travis ay kinausap siya ng kanyang ina. Tinanong nito kung masaya siya at kung mahal niya si Travis. Sinabi niya ang totoo. Sinabi niya na walang ibang lalaki na nakakapagpaligaya nang husto sa kanya kundi si Travis lang. Sinabi niya na mahal na mahal na niya ito. Na ito ang dahilan kung bakit nagbago siya nitong mg

