Jhonalyn's POV PAGKAPASOK ko sa loob ng banyo ay kaagad kong sinarado ng pabagsak ang pinto. Sinapo ko kaagad ang dibdib ko sa bilis ng t***k nito. Ganoon din ang hininga ko, bigla yata akong hiningal. Malapit lang naman yung tinakbo ko. Kailangan ko na yata talaga mag-exercise. "Mommy, namumutla ka. Ano po nangyari?" Nanlaki na naman ang aking mga mata nang makitang nakatingin sa akin ang anak ko. Humila na lamang ako ng kahit na ano para takpan ang katawan ko. Kahit bata pa 'yan si Hailey nakakahiya pa rin na makita akong ganito. "A-anak, tumalikod ka! Huwag ka muna tumingn sakin!" Kaagad naman na tumalikod si Hailey. Mabuti na lang sinusunod naman niya ang utos ko. Pinakiramdaman ko kung nasa labas pa ba si Hendrick. Inilapit ko ang aking mukha sa pintuan ng banyo ngunit

