"Mag-sorry ka sa tita Kanny mo." malumanay ngunit may galit na namumuo sa boses ni Hendrick habang pinangangaralan ang anak niyang si Hailey. Pagkatapos nitong ibigay ang gagamba kay Kanny ay kaagad itong tumakbo at naabutan naman niya ito sa sala. "No!" nakahalukipkip na sagot nito habang nakipagtalasan ng tingin sa kaniya. Medyo sumasakit ang ulo niya sa batang ito. Ngunit wala siyang magagawa. Anak niya ang batang ito kaya kailangan niya ng mahabang pagtitimping pasensya. "Ganiyan ba ang itinuro sa 'yo ng mommy mo?" "No." muli ay sagot ng bata habang nakahalukipkip pa din ito. "Babe, hayaan na lang natin 'yong bata. Laruan lang naman yung gagamba na binigay niya sakin. Hindi naman big deal 'yon. Nagulat lang talaga ako but it's okay. Alam naman natin yung bata makulit talaga s

