Lumipas ang Linggo nang mag-isa muli si Crimson sa unit niya, tulad noong Sabado. Ang kaibahan lang, sa kalagitnaan ng gabi ay tumawag ang ina niya para ayain siyang mag-dinner sa bahay nito next week.
Mahal niya ang ina, pero hindi niya ito gustong makita. Tulad ng dati, nag-imbento siya ng dahilan.
"I'll be in a conference next week."
"Kailan ka ba free?"
"I don't know, Ma. Teachers are busy all the time."
Nagsimulang humikbi ang ina sa kabilang linya.
"Please, anak. Miss ko na kayo. Hindi sinasagot ng kakambal mo ang mga tawag ko, so I'm hoping you can tell her. Then, you'll come here together," pakiusap nito.
"Sorry, but I'm very busy, Ma."
"Fine." Malalim na bumuntong-hininga ang kausap sa kabilang linya.
"I'll let this go, but in exchange, you're not allowed to send back the flowers I'm mailing you."
Si Crimson naman ang bumuntong-hininga. Ayaw niyang tanggapin ang mga bulaklak dahil nagiging basura lang ito kapag natuyo, pero mukhang hindi susuko ang ina niya ngayon.
"Sure, Ma. I have to go, I have an early day tomorrow. Love you."
"I love you, my daughter."
Pinatay niya ang tawag at umayos ng higa. Nawala na ang antok niya at malamang ay mapupuyat siya ngayong gabi.
Ibinalot niya ang kumot sa katawan niyang walang damit. Nang maramdaman ang kahubaran, kusang tumulo ang luha mula sa mga mata niya.
Ang nakakalunod na pakiramdam ng pag-iisa. Tila isang kawawang naghihintay para sa taong hindi tama para sa kanya. Sobra ang kahihiyan niya sa sarili, sa puntong hindi niya magawang humarap sa sariling magulang o tumanggap man lang ng regalo mula rito.
Basa ng luha ang mga pisngi niya nang makatulog siya.
-
-
5 AM
Nag-ring ang alarm ni Crimson. Pakiramdam niya ay sabog siya, pero bumangon pa rin siya para gumayak.
Matapos ang mabilisang ligo at toothbrush, binalot niya ang basang buhok at lumabas ng banyo nang hubo't hubad. Tumayo siya sa harap ng full-body mirror at tiningnan ang sarili. Wala na ang mga markang naiwan sa leeg at batok niya, at halos mabura na rin ang iba pang nasa ibang parte ng kanyang katawan. Mayroon lang isang matingkad pa sa likod na parte ng hita niya, pero kahit hindi man iyon matakpan ng palda niya, ayos lang. Mapagkakamalang kagat lang ng insekto.
"Good," bulong niya sa sarili bago kumuha ng bukod na tuwalya at tinuyo ang katawan.
Naiayos na niya ang lahat ng dadalhing gamit, at mayroon pa siyang kulang-kulang isang oras bago dumating ang allocated vehicle na provided ng school na pinagtuturuan niya. Lahat ng teachers ay hatid-sundo ng shuttle simula noong nagka-pandemic, para maprotektahan ang mga estudyante mula sa COVID.
Dahil siya ang pinakamalapit sa school, ang condo niya ang huling dadaanan papasok at unang dadaanan pauwi ng shuttle. Tuwing umaga, dumadating ang sasakyan sa harap ng building niya by 6:00.
Dahil hindi nagmamadali, mabagal niyang ipinahid ang lotion sa buong katawan. Sinimulan sa mga paa, paakyat sa binti hanggang sa mga hita. Ginawa niya ito na parang nagtanghal—nagpapanggap na kunwari, pinapanood siya ni Carmine.
Halos umiyak na naman siya nang agang-aga, pero pinigilan niya. Eh ano naman ngayon kung hindi siya kinontact ni Carmine matapos itong biglang mawala noong Sabado ng umaga? Palagi namang ganoon sila sa loob ng 11 years. Simula noong 17 years old siya, palagi itong wala at dumadating lang kapag gusto nitong gamitin ang katawan niya.
Natapos siyang mag-lotion. Pinahid niya ang iilang luhang nakatakas bago nag-ayos ng buhok at mukha. Panghuli, kinuha niya ang isa sa sampung pares ng uniform mula sa cabinet. Halatang nilabhan at pinlantsa ito nang mabuti. Sinuot niya iyon, pagkatapos ay sinipat muli ang sarili sa salamin.
"I'm pretty. I'm going to find someone else. Right?" sabi niya sa sarili habang tinitingnan ang sariling hitsura.
Totoo naman. Maganda si Crimson. Hindi kaputian, hindi rin morena. Hanggang batok ang itim na buhok, may suot na manipis na black headband para walang nakaharang sa kanyang mukha. Hindi katangusan ang ilong niya, pero cute ito at medyo maliit. Mabilog ang mukha niya at may isang dimple sa itaas ng pisngi, halos sa ilalim na ng mga mata niya. Lumalabas lang iyon kapag tumatawa siya.
"Yeah. I'm going to replace her. If I don't, then I will at least try to live without depending on anyone. I can do it physically already..." Tumango-tango si Crimson sa salamin, pilit pinapalakas ang loob.
Naialis niya ang tingin sa salamin nang tumunog ang alarm ng phone niya. 5:45 AM. Labing limang minuto na lang at darating na ang shuttle. Agad niyang sinuot ang sapatos na may 3-inch heels. Isa sa kanyang insecurities ay ang height na hindi niya namana sa kanyang ina, kaya naman lahat ng sapatos na mayroon siya ay may takong para maidagdag sa height niyang 5'0".
Siniguro niyang iligpit ang ginamit niyang make-up at hair dryer bago dinampot ang paborito niyang medyo may kalakihang shoulder bag. Dito na nakalagay lahat ng gamit na dadalhin niya sa school, kasama na ang overnight oats na kakainin niya mamaya sa faculty room bilang almusal.
Tulad ng dati, wala siyang kasabay sa elevator dahil kaunti pa lang ang tenants ng building. Saktong 5:55 AM ay nakatayo na siya sa harap ng condo para hintayin ang shuttle.
Nang dumating ang van na may logo ng school at huminto sa harap niya, agad bumaba ang driver at tinulungan siya sa malaking bag na dala.
"Good morning, Ma'am." Naka-mask man ito, alam niyang nakangiti ito sa kanya.
"Good morning, Ryan. Salamat." Inabot niya ang kanyang bag sa driver.
Sumakay siya ng sasakyan matapos mailagay ni Ryan ang bag niya sa tabi ng co-teacher niyang si Yana.
"Good morning, Crim. Special treatment na naman from Ryan, ah?" pang-aasar nito. Hindi naman narinig ni Ryan dahil umikot na ito pabalik sa driver's seat.
"Baliw. Good morning din!" Binati niya si Yana, pati na rin ang dalawa pang co-teacher nila na nauna nang sunduin ni Ryan.
"Jojowain mo ba o totropahin? Kung totropahin mo, edi ako na lang jojowa sa kanya. Sabihin mo lang!" Tinusok ni Yana ang tagiliran niya nang makaupo siya sa tabi nito.
"Ssh! Ano ka ba?" Sinaway niya si Yana dahil nakabalik na sa driver's seat si Ryan.
"Mamaya ka sa akin!" pang-aasar pa ni Yana bago tuluyang ibahin ang usapan.
-
-
Pagkarating sa school, pinagbuksan sila ni Ryan ng pinto, pero hindi na ito tumulong magdala ng bag dahil teachers at ilang maintenance staff lang ang puwedeng pumasok sa main building.
"See you later, Ma'am Crimson." Paalam ni Ryan bago ito bumalik sa sasakyan.
"Huy, andito din kami. Hindi ka magpapaalam sa amin?" biro ni Ellie, isa sa mga co-teachers nila.
"See you din mamaya, Ma'am Ellie." Tumawa si Ryan bago nag-drive palayo.
"Haba ng hair, oh!" Pabirong hinila ni Yana ang buhok ni Crimson habang sabay-sabay silang naglakad papunta sa faculty room. Tumawa lang si Crimson, iniwasang mag-comment sa panunukso sa kanya.
-
-
Normal lang ang Lunes ni Crimson. And she is happy to have her routine back.
Pagkarating ng faculty ay kinain niya ang almusal habang chine-check ang schedule niya sa araw na 'yon. Kahit pa nacheck na niya 'yon bago siya matulog kagabi.
Natapos ang huling klase niya with the Grade 6 students by 3:00 PM. Right on time. Bumalik agad siya sa faculty at nag-ligpit ng mga gamit.
Habang hinihintay ang mga co-teachers na kasabay niyang uuwi, chineck niya muna ang phone niya. Tulad ng dati, walang tawag o text mula kay Carmine.
"Tsk." Umirap siya.
Pero nalimutan din niya ang inis ng biglang nag-ring ang cellphone niya.
Tinitigan niya ang screen. Unknown Number.
Bago pa niya masagot ang tawag ay dumating na ang mga kasabay niyang uuwi.
"Tara na, Crim!" Tawag sa kanya ni Yana.
"Okay." Huminto na sa pag-ring ang phone niya. Nagkibit-balikat na lamang siya at sumunod na kay Yana.