Mercedes PARANG hindi ito ang pauwi sa bahay namin. “Saan tayo pupunta?” tanong ko kina Emil at Nikita. Nagkatinginan silang dalawa bago tumingin si Emil sa rear-view mirror kung saan ay makikita niya ako. “Sa bahay ninyo po,” sagot niya sa akin. Nakakalitong pakinggan iyon. Saang bahay ba ang tinutukoy niya? “Hindi ito ang way papunta sa bahay ni Kirill,” sabi ko sa kanila. “Opo, sa bahay po ng mga Salvatore tayo pupunta.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Nikita. Bakit kami pupunta sa bahay ng mga magulang ko? Simula nang malaman ng pamilya ko ang tungkol sa kasal namin ni Kirill, parati na akong umuuwi sa bahay niya at nadalaw na lang sa bahay namin. “Bakit?” “Utos po ni Captain.” Lalong nagsalubong ang noo ko sa sinabi niya. Kinuha ko ang cellphone ko at akmang ida-dial n

