Mercedes NAKITA ko ang dahan-dahan na pagmulat ng mga mata ni Kirill. Napatayo ako sa kinauupuan ko at lumapit pa sa kanya. “Kirill…” He was in a dazed for few minutes hanggang sa unti-unti na siyang kumukurap. Iginalaw niya ang kanyang ulo at tumingin sa direksyon ko. Sinalubong ko siya ng aking pagngiti at ng paghinga ko nang maluwag. Halos isang araw rin na walang malay si Kirill. His doctor supervised him at maayos naman ang lahat sa kanya. Masaya ako na nagkaroon na siya ng malay. Tinangkang igalaw ni Kirill ang kanyang kamay pero agad ko iyong hinawakan. “Huwag ka munang masyadong kumilos,” sabi ko sa kanya. “Baka kung mapaano ka.” “Mercedes…” Mahina ang boses ni Kirill at alam mo na hindi niya pa nababawi ang lakas. “Tatawagin ko lang ang doktor mo, okay? Wait lang—” Hin

