Kirill PAPUNTA kami ni Mercedes ngayon sa Puerto Rivas dahil nasa bahay nina Dmitry ngayon ang anak ko. Roon muna namin siya pinadala para masigurado na ligtas siya. Nahuli na rin naman ang ibang tauhan ni Dario. Nakatulog si Mercedes habang nasa byhae. Via land kasi ang byahe namin dahil ang chopper ang naghatid sa baby at kay Perrie sa Puerto Rivas kanina at hindi pa nakakabalik. Hinaplos ko ang pisngi ni Mercedes. Mukhang napagod siya sa nangyari kanina. Naalala ko pa kung paano ko naabutan si Mercedes kanina matapos niyang kausapin si Dario sa telepono. “Mercedes?” Nakatalikod siya sa akin at hawak ang cellphone niya. Nakaramdam kaagad ako na may hindi magandang nangyari. Being in the military made me heightened my senses. Kaya nararamdaman ko kaagad kapag nagbago ang mood ng isa

