Kirill NANG tila ba bumabalik na sa ayos ang aming buhay, binalikan ko na ang mga dapat kong balikan. Inuna ko si Dario. I didn’t give him an easy death. Pinahirapan ko siya nang sobra hanggang sa kusa na lamang bumigay ang kanyang katawan. Unfortunately, even in his last breath, hindi niya kinilala si Mercedes bilang anak niya at may iniwan siya sa aking mga salita na hanggang ngayon ay nagpapagulo ng isip ko. “Hindi matatapos ang lahat sa akin, Kirill. Maraming gustong magpabagsak sa ‘yo.” Iyon ang mga huling salita at sandali ni Dario bago siya tuluyang mamatay dahil sa kakulangan sa dugo at sa lahat ng pagpapahirap na ginawa ko sa kanya. And now…William. “Make sure it’s deep,” sabi ko habang pinapanood siyang maghukay. Inutusan ko si William na maghukay ng lupa. Hindi ko nga lang

