Kirill “BAKIT hindi mo pa rin nagagawa ang pinapagawa ko sa ‘yo, Kirill?” I owe Dario a lot of things. Madalas man ay hindi ko siya naiintindihan sa mga bagay na gusto niyang gawin, hinahayaan ko siya. Dario became my second father. Sabi ko nga ay mas nagpakatatay pa siya sa akin kaysa sa tunay kong ama at nagpakaama pa sa akin kaysa sa tunay niyang anak na ngayon ay gusto niyang ipapatay. “She’s surrounded by a lot of people. Kapag pinatay ko siya, maraming tao ang makakasaksi. Gusto mo bang mahuli ka?” That’s a poor excuse. Hindi ko lang talaga magawa at ayoko nang gawin pa. Tiningnan ako ni Dario. Ngayon niya lang ako tiningnan ng ganito. Kung sabagay, ngayon ko lang din naman hindi ginawa nang maayos ang inuutos niya. “How can you say that s**t of an excuse when you did that befor

