Chapter 1

2259 Words
"Sinabi mo sa akin na hindi mo na ulit gagawin ito kaya nanatili ako sa tabi mo, pero sinungaling ka!" sigaw ko sa mukha niyang nakalapit sa akin. "Tapos na ang pagtitimpi ko, Angelique! Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin sa 'yo! And you can't say no to me because I owned you!" mariin niyang sinabi bago ako itulak sa malambot na kama at pumaibabaw sa akin. "Ahh! Bitiwan mo 'ko! W-walanghiya ka, Harold!" Ginawa kong panangga ang aking mga braso para hindi mahalikan ng lalaking nagtatangka sa aking ngayong gahasahin ako. "Ano pa bang inaarte mong babae ka, huh? Malapit naman na tayong maging mag-asawa, ikakasal na nga tayo sa susunod na buwan, eh. Aayaw ka pa ngayon?!" Buong pwersa niyang hinaklit ang mga braso ko at inilagay 'yon sa ulunan ko. At pagkatapos no'n ay malaya na nga niya akong nasunggaban ng mga mararahas niyang halik sa aking leeg habang nakadagan pa rin sa akin ang mabigat niyang katawan. "H-huwag, pakiusap! Huwag mong gawin sa akin 'to, Harold!" pakiusap ko habang sunod-sunod na ang naging pagtulo ng mga luha ko. Kung alam ko lang na halimaw ang makakasama ko habang buhay, hindi ko sana siya pinili. Hindi ko sana pinili ang isang tulad niya! Akala ko, mabuti siyang tao gaya ng ipinapakita niya sa mga nasasakupan niya, sa akin nang una, ngunit hindi pala dahil masama pa sa masama ang ugaling nakatago sa kanyang loob! Hayop siya! Napakasama niya! "A-ah! T-tama na!" sabay sampal ko sa kanya nang makawala ang isa kong kamay. Kinuha ko rin ang pagkakataon na 'yon at tinamaan ang maselang bahagi ng katawan niya na siyang ikinahiyaw niya sa pamamalipit sa sakit. "A-ah! W-walanghiya kang babae ka! Ah!" namamalipit niyang sigaw habang nasa aking tabi. Hindi ko naman sinayang ang pagkakataon at mabilis na akong tumayo para makalayo na sa kanya at nang makalabas na rin sa kwartong 'yon. Baka kapag tumunganga lang ako roon at walang ginawa ay matuloy niya ang binabalak niya sa akin! Nagpatuloy ako sa paglalakad sa mahabang hagdanan kahit na halos matapilok na ako sa kakabilis. Kahit rin ang sakit na ng mga paa ko ay hindi ko ininda. Kailangan ko nang makatakas dito! Baka may iba pa siyang gawin na mas masama pa sa akin na mas malala pa kaysa sa ginawa niya ngayon. Nang makalapit sa front door, pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto nang hindi ko mabuksan 'yon, naka-lock kaya hindi ako makalabas. Damn it! Nataranta ako lalo nang marinig ang mabangis na boses ni Harold. "Humanda ka sa akin, Angelique!" rinig kong banta niya. Napalunok ako sa takot habang tinitignan siyang pababa na ng hagdan. Nag-isip muli ako, kailangan ko nang makalabas dito! s**t! Tumakbo ako patungo sa kusina dahil baka roon ay bukas ang pinto. Ngunit nang bubuksan ko na rin 'yon, gaya ng sa harapan ay sarado rin ang pinto, marami 'yong lock! Damn! Walanghiya siya, talagang plinano niya lahat ng ito! Talagang plinano niya nang kami lang dalawa ang matira sa bahay! Sinamantala niya ang pagkakataon na 'to! Alam niyang kailanman ay hindi ako pumayag na makipagtalik sa kanya, kaya ba pinipilit na lamang niya ako ngayon? Gano'n nga! Hindi na niya kayang tiisin pa ang tawag ng laman kung kaya't kahit sapilitan ay gagawin niya! Bakit hindi na lang siya magsarili kung gano'n? Idadamay pa niya ako sa kababuyan niya! Kahit naman malapit na kaming ikasal dalawa o kahit magkarelasyon pa kami ay hindi 'yon sapat na rason para masunod o mangyari ang gusto niya dahil ang gusto niya ay hindi ko gusto, sapilitan niya lang akong pinipilit! Mali ang hinahangad niya, at puwede ko siyang kasuhan doon! Kapag nakaalis ako sa puder niya, ipapakulong ko siya! Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin, mula sa pananakit niya at sa ilang beses niyang pagtatangka na pilitin akong mag-s*x kaming dalawa. At wala akong pakielam kahit mas mataas pa siya sa akin o kaya niyang manipulahin ang lahat! Kung masira man din ang imahe niya sa mga tao kapag lumabas 'to sa media, kasalanan na niya 'yon! Kung mapahiya siya sa lahat ay kulang pa 'yon sa ginagawa niya sa akin ngayon! Kung lumabas man din ang baho niya at pagpiyestahan siya ng mga tao, bagay lamang sa kanya 'yon! He really deserve it! Akala ko mabait siya. Akala ko mabuti siyang tao! Akala ko nasa kanya na lahat ng katangian ng isang mabuting lalaki, hindi pala! It's all a lie! He's a f*****g good on his acting! Napaniwala niya ako sa mga matatamis niyang salita! Napaniwala niya ako sa mga kabutihang ginawa at ipinakita niya sa akin! Iprokrito! At ako naman, nagpabola, naniwala't umasa! Mabubuksan ko na sana ang huling lock ng pinto nang kasabay ng paghablot niya sa aking buhok ay ang mariin din niyang paghawak sa aking panga. "Ah!" hiyaw ko sa sakit. Pinilit kong bawiin ang buhok sa kanya, pero masyado siyang malakas kumpara sa akin. "Tatakas ka pa, ha? Satingin mo ba talaga ay makakawala ka sa mga kamay ko? Hindi! Hindi ko hahayaan 'yon! Akin ka ngayon, Angelique! Akin ka!" Marahas niya akong itinulak sa lamesa at isinubsob ang aking mukha roon. Saka pa niya idinikit ang kanyang pisngi sa aking mukha, pati ang kanyang sarili ay idinidiin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang katigasan niya mula sa aking likod. Tumulo lamang ang aking mga luha sa nangyayari sa akin. Na para bang gustuhin ko mang pumalag ay tila kay hirap na gawin. "Kung pumayag ka na lang, hindi na sana tayo aabot pa sa ganito! Ang arte-arte mo pa, eh, pakipot ka pang babae ka! I'm sure naman na may nakatikim na sa 'yo, kaya huwag ka nang mag-inarte pa! Huwag ka nang pa-inosente pa, Angelique! Pasalamat ka nga at tinanggap pa kita!" Gusto kong matawa nang mapakla sa sinabi niya. Sino siya para sabihin sa akin ang mga 'yon? Sino siya para akusahan ako? Ni kailanman nga, hindi pa ako sumiping sa kahit na sino dahil may respeto ako sa sarili ko! At ang sarili ko ay iniaalay ko lamang sa lalaking mamahalin ako nang totoo! Ngunit napatunayan ko ngayon na hindi siya ang karapat dapat para sa akin dahil hayop ang lalaking 'to. Bastos siya! Manyak! Gusto lamang pala niya ang katawan ko, hindi ako! Ako ay tinututunan ko siyang mahalin, pero gusto niya lang akong babuyin! Hindi ko tuloy maiwasang isipin ngayon at itanong sa aking sarili, ito na ba ang kapalit ng ginawa ko? Ito na ba ang karma ko sa pagpili ng maling tao? Bakit kasi ngayon ko lang nakita ang kulo niya? Bakit ngayon ko lang nalaman na ganito siyang tao? Na kabaliktaran siya sa inaasahan ko? At bakit mas pinili ko nga ba siya? Ang tanga mo, Angelique! Sana pala, mas kinilala ko muna siya para hindi ako umabot dito. Hindi sana mangyayari ngayon 'to sa akin. Nang dahil sa kagustuhan kong matulungan ang pamilya ko, nang dahil sa kagustuhan kong maiangat sila sa hirap, I chose him! If I know, I will not choose him! I'd rather choose a poor but a hardworking man than to choose a man like him. Kung maibabalik ko lang ang oras, hindi ko siya pipiliin. Hinding-hindi! Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Kung sana, pinagsisihan mo na 'to nang una pa lang, Angelique! Sana hindi ka nagpasilaw sa mga bagay na hindi naman permanente! Gaya ni Harold, tinuring ko siyang para bang isang perpektong prinsipe, pero anong napala ko ngayon sa kanya? Wala. Ako pa 'tong nahihirapan. Ako pa 'tong nasasaktan. Kung alam ko lang, hindi na ako nagtagal pa sa bahay na 'to. Kung binuksan ko lamang ang isip ko sa pagbabago niya ay matagal ko na siyang iniwan, ang kaso ay hindi, nagbulag-bulagan pa ako! Inaamin kong kasalanan ko rin naman, kung sana mas pinakinggan ko ang sinasabi ng puso ko kaysa sa sinasabi ng isip ko, masaya sana ako ngayon. Sana wala ako sa piling niya at hindi ako nahihirapan. Sana nag-isip ako nang mabuti noon. Edi sana ngayon nakangiti lamang ako at masayang kasama siya. Sa lumipas na taon simula nang iwan ko si Noah, aminin ko man o hindi, alam ng puso ko na siya pa rin. Na siya pa rin ang tinitibok no'n. Na siya pa rin ang mahal ko. Na sa kanya pa rin ako masaya at sumasaya nang sobra. Na sa kanya pa rin ako nakakatawa nang totoo. Na sa kanya pa rin ako nakakangiti nang malapad. If I didn't chose Harold, am I happy with Noah? Am I happy with my ex? Oo, alam ko at sigurado ako na sasaya ako sa piling niya dahil mahal namin ang isa't isa. Ngunit huli na, huli na para magsisi pa sa mga ginawang desisyon ko na akala ko ay tama. "At kung ako lang din, hindi na sana kita pinili! M-masahol ka pa sa hayop!" sabay tulak ko sa kanya nang sobrang lakas kaya nakawala ako sa mga hawak niya. Mabilis muli akong tumakbo palayo sa kanya, pero nahabol niya pa rin ako. Dumagan siya sa aking muli nang mapahiga ako sa sahig. Napaiyak na lamang ako nang tuluyan niyang sirain ang aking damit kaya lantad na lantad na ang hinaharap ko sa mga mata niyang nagnanasa sa akin. "Nagsisisi ka ngayon? Para sabihin ko sa 'yo, you're already late, Angelique!" He flashed an evil smile at me and then he kissed me forcefully. "Hmmp!" impit na sigaw ko nang pilitin niyang ipasok ang kanyang dila sa akin. Pati ang isang kamay niya ay kung saan-saan na dumapo sa aking katawan. Nagawa niya nga akong halikan sa leeg nang hindi siya nagtagumpay sa aking labi. Pakiramdam ko, nag-iiwan ng marka ang ginawa niya. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi ang awa para sa sarili. Pakiramdam ko rin ay napaka-dumi ko nang tao dahil sa binababoy niya 'ko. Marami akong pagkakamali sa buhay ko, pero sobra naman yatang parusa 'to. Wala man lang akong magawa. Hindi ako makapanlaban dahil mas malakas siya sa akin. Makakatakas pa ba ako sa kanya? Makakawala pa ba ako sa kanya? Makakaalis pa ba ako sa impyernong lugar na 'to? Nang tangka na niyang bubuksan ang zipper ng pantalon ko, roon na ako nataranta. Kaya naman hinampas-hampas ko ang dibdib niya sa abot ng aking makakaya hanggang sa tuluyan na siyang humiwalay sa akin sa pagkakadagan dahil sa aking ginawa. At mabilis muli akong tumayo at nagtungo sa kusina at wala sa sariling kinuha ang isang kutsilyo roon at itinutok 'yon sa kanya nang akma niya akong lalapitan. I will not think twice nor hesitate to stab him with the knife I was holding just to protect myself. Patawarin ako ng Diyos kung mawala ako nang tuluyan sa sarili ko. "S-sige, subukan mong lumapit sa akin kung hindi itatarak ko talaga ang kutsilyo na 'to sa 'yo, Harold!" nanginginig kong banta sa kanya. Lumayo naman siya. Saka siya pabalik-balik na naglakad na animong may iniisip. Akala ko no'n, bumalik na siya sa katinuan ngunit narinig ko lamang siyang tumawa nang tignan akong muli. Mas lalong ako natakot para sa sarili. Para siyang halimaw. Para siyang baliw sa mga tingin niya. Nakakatakot, nakakapanlambot ng mga tuhod, nakakapanginig ng mga kamay. "You think, you will scare me with that?" tukoy niya sa hawak ko. Umiling siya at unti-unting lumapit sa akin. Naalarma ako lalo! Ano'ng gagawin ko? Damn it! "Sabing huwag kang lalapit, eh! H-huwag na huwag kang lalapit!," mariing banta ko sa kanya, pero parang wala lang sa kanya ang aking sinabi. Parang hindi man lang siya natakot. "H-hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Harold! Isasaksak ko talaga sa 'yo 'to! Kaya huwag mo akong pilitin na gawin 'yon!" Seryoso at madilim pa rin ang mukha niyang nakatingin sa akin. Napalunok na lamang ako sa kaba at takot. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko, halo-halo na ang aking emosyon. Parang ang puso ko nga ay nalaglag na sa aking paa sa sobrang lakas ng kabog no'n. Nanlalamig na rin ang aking mga kamay. Hindi na rin nagpo-proseso pa ang utak ko sa aking mga gagawin at sinasabi. Ang alam ko lang ngayon ay kailangan kong protektahan ang sarili mula sa kanya. "Kaya mo ba talaga, Angelique?" nanunudyo ang kanyang boses. Para rin bang sinasabi no'n na hindi ko talaga kayang gawin ang aking sinabi, na mahina akong babae. Nangmamaliit ang kanyang tono. Mas humigpit ang hawak ko sa kutsilyo nang dahan-dahan at walang takot siyang humahakbang patungo sa akin. Tinatagan ko na lamang ang sarili sa pwedeng mangyari. "I warned you, Harold! S-stop walking! Itatarak ko talaga sa 'yo 'to!" banta kong muli sa kanya, hindi pa rin siya tumigil. Nanginginig ang aking labi. Para ngang pati mukha ko ay tumitibok na rin. Ang bawat abante niya ay siyang urong ng kamay ko sa hawak na kutsilyo. At nang wala na ngang distansya para maiurong pa 'yon, kung kaya naman ang dulo ng kutsilyo ay nakadikit na sa kanyang tagiliran. Pero nakangisi lamang siya sa akin habang nakatingin kami sa isa't isa. Ngunit bigla nga ay hinawakan niya ang kamay ko para kunin ang patalim. "Ibaba mo 'to!" saka niya mas lalong pinilit na kuhanin 'yon sa akin. "A-argh! H-hindi!" matigas kong sabi. Nag-agawan kami sa kutsilyo. Kung bibitawan ko 'yon ay ako ang sasaktan niya! Kung ako pa mismo ang susuko, matatalo ako sa kanya! Kung hindi ako lalaban para mailigtas ang sarili, sigurado ako na gaganti siya sa akin! Kilala ko na si Harold, kaya niyang manakit. Hindi lang 'yon nakikita ng mga tao, pero patago siya kung kumilos!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD