ASSUME

425 Words
"Tingin ko crush karin ni Yohann". Sabi sakin ng kaibigan ko na nagpakilig naman saakin.  Napapansin ko rin kasi na parati akong tinitingnan ni Yohann sa t'wing nakikita nyako kaya nga palagi kami nag a eye to eye eh.  Kaya sa tuwing dadaan ako tas pag nakikita ko siya yumuyuko nalang ako at makikita ko talaga sa peripheral vision  Ko na tinititigan niya ako.  Kaya umaasa akong may nararamdaman rin siya sakit kahit katiting-eh sino ba naman kasing hindi mag a assume?  "Bes pinabibigay ni yohann. Yieeee kilig siya". Sino ba naman ang hindi kiligin kong  may binigay sayo ang cruh mo ng isang regalo?  Nakabalot iyon sa plastic na penshoppe at ang laman non ay magandang damit na halata talagang may pagka mahal. Kaya Lalo  akong nanghinala na crush niya talaga ako, eh sino ba naman kasing hindi mag iisip na hindi diba?  Kaya naisipan kong umamin na sakaniya kasi naman iniisip ko nang gusto niya rin ako at tingin ko siguradong sigurado nako dun.  "Ahh kath nakita mo ba si yohann?". Tanong ko sa kaibigan ko na binigyan naman ako ng makahulugang ngiti saka siya umiling.  Inirapan ko nalang siya at tumalikod na para hanapin si Yohann at ngayung nakita ko naman ang tropa niya eh tinanong ko sila "Asa canteen ata siya Ash". Nag thank you na ako ay dumeretso sa canteen para umamin, sobrang kinakabahan pa nga ako e pero may halong ring excitement kasi tingin ko talaga maganda ang kalalabasan nito.  Nang dahil nga may kalaparan ang canteen namin nahirapan pakong hanapin siya ng biglang nahagip ng mata ko ang bag mo at nakita narin kita sa wakas.  Pumunta agad ako sakaniya habang kumakabog naman ng malakas ang puso ko kasabay rin ng pagpatak ng pawis ko.  "Yohann". Nakangiti kong tawag sakaniya ng nasa likod mona ako, lumingon ka sakin saka binigyan niya ko ng matamis na ngiting nagpahulog pa saakin lalo.  "Hi, ashley".bati niya.  "Ahmm yohann kasi may sasa---". Hindi ko natapos ang sasabihin ko sana sa kaniya ng may tumawag sa kaniyang 'babe'   na isang pamilyar na boses kaya lumingon ako sa pinanggalinan ng boses nayun.  At-------- "Ashley kilala mo rin pala siya? Mabuti naman pala, siya nga pala ang sinasabi ko sa inyong boyfriend ko. Gwapo diba". Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sakit na halos gusto kong maiyak pero pinigilan ko nalang kasi nakakahiya.  "Ahh si-siya pala yun ate? Co-congrats pala ah, ge alis nako ate". Dumeretso ako sa cr ra dun ilabas ang sakit.  Bakit sa lahat ang ate kopa? Ano pala yung mga tingin ni yohann sakin? Wala lang?  Eh yung regalo niya, wala lang rin?  Masakit pala. At mas lalong masakit dahil ang ate kopa! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD