CHAPTER 14 “And now from top 10 down for the last top 5 and now we will select our 5 finalists!” sigaw ng hosts at nagsimula nang manginig ang tuhod ko sa kaba. Naging maayos ang performance ni Eldrian sa swimwear at marami ang nagkakagusto sa kaniya, kahit ang ibang hurado ay gusto din siya at napahanga din niya ang mga ito. Malakas ang kutob ko na mananalo talaga kami ngayon dahil sa supporters vote pumapangalawa na kami at nangunguna ang kandidato ng Santo Dominggo College na si Marcus Villaroel sikat at kilala din sa buong campus. Isa siya sa matinding kalaban ngayon pero malalaman natin lahat sa question and answer kung maisagot niya ang tanong ng maayos. “Second who will be part of our top 5! Marcus Villaroel!!” halos mabingi ako sa sobrang ingay ng supporters ni Marcus

