Chapter 25 Dumating ang araw ng linggo. Ang araw na kinakakatakutan at pinaka ayaw ko ngayong araw. Hinintay kong kumatok siya dahil alam kong pupunta s'ya dito. Araw-araw naman siyang kumakatok dito bago kami matulog. At pagkagising sa umaga pasikretong pumapasok siya dito. Hindi nagtagal ay dali-dali na siyang kumatok at mabilis ko namang binuksan. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala dahil alam niya rin hindi maganda ang mangyayari mamaya. "Natatakot ako." Pagsalita ko. Pareho kaming nakahiga sa kama at tanaw ang kulay asul na ceiling. "Don't be scared, siguro gagawa nalang ako ng palusot." Sagot naman niya. "Kilala mo naman si Daddy mo." Tigre talaga ang Daddy niya pagnagalit kaya ayoko na mapagalitan siya. "Pano kung pipilitin ka? Wala kang magagawa mayaman ang pamilya n

