CHAPTER 7
Binantayan ko si Franzen dahil baka kung bigla niyang hablutin ang buhok ni Erika. Gigil na gigil siya sa babaeng ito kahit na natapos na ang aming bangayan pero hindi talaga titigil si Franzen hangga't hindi siya nakakaganti sa babaeng ito.
"Franz kalma ha, ayoko mapatawag muli sa office," bulong ko sa kaniya.
"Hindi naman ako warfreak kagaya niya, unless kung siya ang mag-umpisa then bring it on!" aniya sabay stare down kay Erika.
Kasama ni Erika ang dalawa niyang asong buntot ng buntot sa kaniya, mukhang masaya ang kanilang pinag-uusapan, wala naman silang ginawa at nagbubulong-bulongan lang sila at mukha may binabantayan na naman silang tao upang siraan o kalabanin. Hayst hindi na ako magtataka pa o magugulat ugali talaga nila dito ang mang bastos. Makalipas ang ilang oras ay bumalik na kami sa silid aralan dahil may mahalagang anunsyo si Ms. Corrine at excited naman kaming tatlo ni Franzen at Louie sa sasabihin ni Ms. Corrine.
Maya-maya pa ay pumasok na si Ms. Corrine at napatuwid naman kami ng upo at pumwesto si Ms. Corrine sa gitna upang magsalita na.
“Sorry I’m late but before anything else I want to welcome Mr. Eldrian Gabriel Pamintuan he is transferee at mukhang makakahabol pa naman siya,” pumasok ang isang maputi, matangkad na may mapulang labi na lalake.
Nang humarap siya sa amin ay napatili naman si Franzen ng ngumiti siya at kinilig naman ang ibang babae sa kaniyang kagwapohan, oo gwapo nga siya pero parang halatang pabaya siya sa school works. Halata din na puro night out lang ang alam niya tsaka anak mayaman din ito.
“Hi, Eldrian Gabriel and i am your newest classmate, nice meeting you all,” pagpapakilala niya.
Tumili naman ang iba naming kaklase at isa na doon si Franzen na kilig na kilig at napapairap naman si Louie sa tabi niya. “Pangit naman niyan,” ani Louie.
“Iyan pangit? Kahit na tumabi ka pa diyan Louie,” sagot naman ni Franzen sa kaniya.
“Tssk.”
Bago umupo si Eldrian ay nakita ko na kilig na kilig din sila Erika at bulong-bulongan sila ng mga aso niyang gutom. Hinintay muna naming makaupo si Eldrian dahil may mahalagang sasabihin pa si Miss Corrine. Hanggang sa makaupo na si Eldrian at nasa likuran siya kasama ang ibang boys at panay tingin naman ang mga girls sa kaniya.
“Hoy umayos ka,” pagtawag ko kay Franzen dahil baka pati siya mapagalitan din.
“Ang gwapo niya ses!” kilig na kilig nitong bulong.
“Okay, so we have upcoming Mr. and Ms. Tourism at required na kailangan may pambato ang section E anyone?” tanong ni Miss at mukhang may hinahanap siya.
“Miss syempre hahanap kappa ba? Erika will conquer the crown!” sigaw ng kaibigan ni Erika.
“Ha? No way! Hehe Miss maghanap ka na lang may mas maganda pang iba dito sa classroom,” ani Erika at mukhang ayaw pa niya na kung tutuusin gusting-gusto niya.
“Yeah and I think we have representative already,” sagot ni miss at hindi ko alam kung kanino siya nakatingin.
Napalingon kami at alam naming kung sino ang tinutukoy niya, si Eldrian saktong-sakto ang paglipat ni Eldrian at pwedeng-pwede siyang pambato namin at sigurado akong pagkakagulohan siya ng kababaihan. Gwapo naman talaga siya pero ang tanong matalino ba ito? Mukha kasing hindi e.
“What about his partner miss?” tanong ni Franzen.
“Eldrian and Jona will be our Mr. and Ms. Tourism!” halos nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Hindi ako pwede diyan, hindi ako marunong sa mga ganyang patimpalak at hindi naman ako maganda, hindi rin ako matalino kaya hindi pwede ako diyan, hindi ako nababgay diyan.
“Miss? Baka mali lang po kayo ng pangalan?” tanong ko sa kaniya.
“Ikaw ka ses! Grabe bagay kayo!” kilig na kilig na bulong ni Franzen sa’kin.
“Tumahimik ka nga diyan!” wika ko sa kaniya.
“Oo nga miss mukhang mas bagay kami!” napalipat naman lahat ng atensyon naming kay Erika na biglang nagsalita.
“Akala ko ba ayaw niya? Ba’t ngayon parang nag-iba ang timpla niya? “ bulong pa ni Franzen.
“Akala ko ba ayaw mo? Next year ka nalang sumali Erika nakakahiya naman kay Jona nakapag desisyon na ako,” ani miss Corrine.
“Ikaw kasi ba’t umayaw ka pa?” inis na tanong ng kaibigan niya at rinig na rinig ko iyon.
Hindi ko naman nakita ang reaksyon ni Eldrian mukhang ready siya makipag rampahan, tapos ako naman ay kinakabahan, hindi ko alam itong sasalihan ko, hindi naman ako mahilig sa mga beauty contest at nanonood lang naman talaga ako.
“Okay this Sunday na gaganapin ang coronation night, may isang lingo pa para makapag handa kayo,” paliwanag ni Miss at ibinigay niya ang criteria sa amin at agad ko namang binasa iyon.
Napanganga ako ng makita ko na 50% ng grades namin ay dito kukunin so ito na pala ang magsisilbing performance task naming? Kailangan ko palang galingan dito baka ito pa ang makakapag pabagsak sa ‘kin.
“Okay you may leave na, pag-usapan niyo muna ang mga gagawin niyo at inform niyo na lang ako sa plano niyo ha,” ani Miss Corrine at lumabas na kami ng classroom para pumonta sa training room at para maipaalam sa event organizer na sasali kami.
Paglabas naming ni Eldrian ay hinihintay naman kami ni Franzen sa hallway at kanina pa nag-uwian ang mga kaklase namin. Habang papalapit kami kay Franzen ay natigilan kami pareho ni Eldrian ng biglang sumalubong si Erika sa amin at tumigil sa harap ni Eldrian.
“Party later? Wanna join? Tsaka celebrate natin ang paglilipat mo sa section namin!” halos hindi ako makapaniwala na siya pa talaga ang nagyaya sa lalake? Hindi na nga pala uso iyan ngayon lalo na sa mga babaeng malandi kagaya niya.
“I don’t have enough time for that,” malamig na tugon ni Eldrian sa kaniya at nilagpasan niya lang ito.
Halos pati ako nahiya na rin sa ginawa ni Erika, hindi ako makapaniwala na gagawin iyon ng isang lalake sa kaniya, sa pagkakaalam koi sang kindat niya lang sa mga lalake kuha niya na agad. Hindi ata tumalab ang orasyon.
“Ang tagal niyo na naman, so anong plano?” reklamo ni Franzen.
“Punta muna kami sa training room,” paalam ko.
Bagsak balikat naman siyang nakasunod sa amin, Kanina pa siya naghihintay kaya sigurado kaming pagod siya. Mabilis lang naman siguro ito at baka magpaparehistro lang kami at tapos agad. Pagpasok naming sa loob ay may mga tao pa at iyong iba ay nagpapalista na rin.
Habang nakatingin sa iba naming kalaban ay kinabahan naman ako, ang gaganda nila at ang tatangkad. Sigurado ako matatalino din ang mga ito at parang talo na ako sa ganda pa lang. “Hey pumirma kana ng waiver dun,” nagulat ako ng pumitik sa harap ko si Eldrian.
Hindi ko alam na natulala na pala ako.