Mahirap mawalay sa pamilya iyon ang madalas sabihin ng mga tao. Pero para kay Jaehyun, ibang klase ang bigat kapag taon ang pagitan bago mo muling mayakap ang mga mahal mo sa buhay. Hindi madaling iwan ang asawa at anak para magtrabaho sa bansang malayo, lalo na kung ang trabaho mo ay ang magsilbi para sa iba.
Isa si Jaehyun sa mga Pilipinong sundalo na nakadestino sa US. Halos apat na taon din siyang hindi nakauwi ng Pilipinas. Walang bakasyon. Walang biglaang uwi. Hindi ganun kadali sa militar lalo na kung hindi pa mataas ang ranggo. Pangalawang deployment pa lang niya ito, at pangalawang beses pa lang din niyang nararanasang makauwi matapos ang mahabang panahong pagkakalayo.
Habang pababa ang eroplano, hindi maiwasang mapangiti ni Jaehyun habang nakatanaw sa bintana. Sa labas, kita niya ang ilaw ng Maynila mga gusali, sasakyan, at kalsadang buhay pa rin kahit gabi na. Nakakapanibago at saka magaan sa pakiramdam ka na pamilyar ka sa ganitong tanawin.
Nasa Pilipinas na ulit siya. At sa wakas, malapit na niyang makita ang asawa at anak niya sa Bulacan.
Tahimik siyang napabuntong-hininga at nagsimulang magligpit ng gamit habang naghihintay na makababa ang mga pasahero. Hindi siya nagmamadali. Hinayaan muna niyang mauna ang iba bago siya tuluyang tumayo.
Paglabas niya ng eroplano at paglakad sa jetway papunta sa loob ng NAIA, mas lalo niyang naramdaman ang pagod ng mahabang byahe. Pero mas nangingibabaw ang excitement sa dibdib niya.
Hindi alam ng pamilya niya na uuwi siya. Surpresa ang lahat ng ito. Isang kaibigan lang niya ang nakakaalam ng pagdating niya ngayong gabi ito rin ang nag-ayos ng susundo at maghahatid sa kanya pauwi ng Bulacan.
Habang naglalakad, binuksan ni Jaehyun ang cellphone niya para basahin ulit ang message sa kanya ng kaibigan.
“Matangkad ’yon. Mga six-footer. Moreno. Malaki katawan. Mabait. Mingyu pangalan nun.”
Napangiti si Jaehyun nang mahina. “Mukhang madali lang hanapin.” bulong niya sa sarili.
Saglit niya na kinuha muna ang kanyang mga checked-in baggages bago lumabas ng arrival area. Paglabas niya ay agad siyang sinalubong ng ingay ng paligid mga tawanan, iyakan, sigawan ng mga pamilyang muling nagkita. May mga batang tumatakbo, may magkayakap, may umiiyak sa tuwa. Alas diyes na ng gabi pero punong puno pa rin ng mga tao ang airport.
Napahinto siya sandali. Apat na taon. Apat na taon din niyang hindi naranasan ang ganitong pakiramdam.
Dahan-dahang umikot ang tingin niya sa paligid hanggang sa may napansin siyang isang matangkad na lalaki sa di kalayuan. Nakatayo ito malapit sa waiting area habang may hawak na signage na may pangalan niya.
Matangkad. Moreno. Malapad ang balikat. Nakasuot lang ng simpleng itim na polo at maong pero kapansin-pansin agad ang tindig nito. At gwapo.
Parang sakto nga sa description.
Nagtagpo ang tingin nila. Mukhang nakilala agad siya nito dahil bahagya itong kumaway.
Ngumiti rin si Jaehyun at mas binilisan ang paglalakad palapit dito.
Paglapit niya ay agad inabot ni Mingyu ang isa niyang maleta.
“Sir Jaehyun po?” tanong nito.
“Yes, ako nga,” sagot niya. “Mingyu, right?”
“Opo, sir. Welcome back to the Philippines.”
“Salamat.”
“Ako na po sa gamit n’yo.” sabi ni Mingyu habang maingat na kinukuha ang isa pang bag niya. “Medyo malayo lang po parking natin.”
Napailing si Jaehyun at natawa nang mahina.
“Huwag mo naman akuin lahat. Kaya ko pa naman.”
Bahagyang ngumiti si Mingyu. “Trabaho ko po ’to tonight.”
Naglakad na silang dalawa palabas ng arrival area. Habang naglalakad ay napansin ni Jaehyun kung gaano kalaki ang katawan ng kanyang kasama. Kahit tahimik, ramdam mo agad ang lakas ng kanyang presensya.
“Mingyu, alam mo hindi ka mukhang driver.” biglang sabi ni Jaehyun.
Napalingon si Mingyu. “Ano po ‘yun, sir?”
“Parang mas mukha kang” sandali siyang natawa. “Bodyguard.”
Napangiti naman si Mingyu habang napapailing. “Mas okay na po siguro ‘yun kaysa magmukhang holdaper.”
Sa sinabi nito ay napalakas ang tawa ni Jaehyun nang tuluyan.
Pagdating nila sa elevator papunta ng parking ay muling nagsalita si Mingyu. “Sir, may pagkain pala ako na dala na nasa kotse. Habilin lang din po ng kaibigan niyo, baka sakali na gutom lang po kayo.”
Sa pagkakataon na iyon ay kumalam na ang tiyan ni Jaehyun. “Actually, ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Kanina kasi sa eroplano wala akong gana kumain.”
“Expected na po ‘yan, sir.” Sagot ni Mingyu. “Pagod saka antok, nakakawala po talaga ng gana.”
Tumango si Jaehyun habang minamasahe ang kanyang leeg. “Ngayon nga lang din nag sink-in yung pagod. May gana pa ako kanina dahil hindi rin ako gaano nakatulog sa byahe.”
“Saglit na lang din po, sir. Makakapag pahinga na rin po kayo.” Kasabay ng nakakasilaw na pag-ngiti ni Mingyu kay Jaehyun. Nginitian naman niya ito pabalik at mas nakaramdam ng pagiging kampante sa kasama.
Nasa tapat na sila ng elevator nang tuluyan silang sumakay pababa papuntang parking. Tahimik lang muna habang bumababa ang elevator, tanging mahinang ugong lang nito ang maririnig sa pagitan nila.
Pagkabukas ng elevator ay sinalubong agad sila ng malamig na hangin ng parking area. Habang naglalakad papunta sa sasakyan ay napalingon si Jaehyun kay Mingyu na bitbit ang dalawa niyang maleta na parang walang kabigat-bigat.
“Kanina ka pa ba naghihintay?” tanong ni Jaehyun.
Napatingin si Mingyu sa kanya at bahagyang ngumiti. “Mga dalawang oras lang naman po.” sagot niya. “Okay lang naman. Wala naman ’yon.”
Napailing si Jaehyun habang natatawa nang mahina. “Hindi basta ang dalawang oras, ah. Hindi ‘yun maliit na bagay lang. Salamat talaga.”
“Mas okay na rin po na maaga kaysa kayo pa ang maghintay sa’kin.” sagot ni Mingyu.
Nagpatuloy sila sa paglalakad sa pagitan ng mga nakaparadang sasakyan. Tahimik ang paligid kumpara sa loob ng airport, pero buhay pa rin ang gabi sa labas.
“Sige.” sabi ni Jaehyun habang inaayos ang strap ng bag niya sa balikat. “Kain tayo along the way. Libre ko na.”
Napangiti si Mingyu sa sinabi niya. “May binili na rin po akong pagkain para sa akin bago ako pumunta ng airport. Pero kapag nabitin pa kayo, sabihan nyo lang ako para makahanap tayo ng stop over.”
Napailing si Jaehyun na may ngiti. “Sige, o kahit man lang kape. Gusto ko lang din ng kape.”
“Sige po, sir. Hanap tayo along the way.”
“Parang pinaghandaan mo talaga pagdating ko.”
“Syempre naman po.” sagot ni Mingyu. “Baka mamaya himatayin na kayo sa gutom sa biyahe.”
Natawa si Jaehyun. Magaan talaga kausap si Mingyu. Hindi pilit ang mga banat.
Pagdating nila sa sasakyan ay agad pinindot ni Mingyu ang unlock mula sa susi. Kumurap ang ilaw ng malaking itim na MPV bago niya binuksan ang likod nito para maipasok ang tatlong maleta ni Jaehyun.
Habang binubuhat ni Mingyu ang unang maleta ay agad siyang nilapitan ni Jaehyun para tumulong.
“Ako na sa isa.” sabi ni Jaehyun habang inaabot ang hawakan ng maleta. Pero mabilis umiling si Mingyu.
“Huwag na po. Kaya ko na ’to.”
“Sigurado ka?” natatawang tanong ni Jaehyun.
“Opo.” sagot ni Mingyu habang maayos na inaayos ang mga gamit sa likod. “Sanay naman po ako.”
Napabuntong hininga na lang si Jaehyun habang natatawa bago sumunod sa gusto nito. Umikot siya papunta sa passenger seat at pumasok sa loob ng sasakyan para hindi naman ito mailang sa biyahe.
Pagkaupo niya ay agad niyang naramdaman ang lamig ng leather seats at ang mahinang amoy ng air freshener sa loob.
Malinis ang sasakyan—sobrang ayos, parang hindi ginagamit pang pasada araw-araw.
Maya-maya pa ay naisara na rin ni Mingyu ang likod ng kotse at mabilis na sumakay sa driver’s seat. Pagkaupo nito ay agad nitong pinaandar ang makina at binuksan ang aircon.
Unti-unting lumamig ang loob ng sasakyan. Huminga ng malalim si Jaehyun habang sumasandal sa upuan at ipinapahinga ang kanyang leeg.
“Ahh, ang sarap sa pakiramdam.” Bulong niya.
Napatingin si Mingyu sa kanya saka bahagyang ngumiti. “Welcome home po ulit, Sir Jaehyun.”
Saglit na nagtagpo ang tingin nila bago muling tumingin si Mingyu sa daan.
Tahimik lang muna ang biyahe habang palabas sila ng airport. Sa labas ng bintana ay tila gising pa ang Maynila. Malakas pa ang sindi ng mga ilaw sa mga establisyemento, rinig ang mga busina ng mga sasakyan, at mga taong kahit dis-oras na ng gabi ay gising pa rin para bumyahe pauwi o kung saan man.
Habang nakaalalay ang isang kamay ni Mingyu sa manibela ay muli siyang napalingon sandali kay Jaehyun.
“Sir, okay lang ba ’yung lamig?”
Napailing agad si Jaehyun at bahagyang natawa. “Wag mo na ’ko tawaging sir.” sabi niya. “Jaehyun na lang, please.”
Bahagyang natawa rin si Mingyu bago tumango. “Sige… Jaehyun.”
May kung anong gumaan sa pakiramdam ni Jaehyun nang marinig niya ang pangalan niya mula sa bibig nito. Parang biglang nagkaroon na sila ng instant connection o mas naging komportable ang kalagayan niya dito sa tao.
Habang papasok sila ng EDSA ay muli siyang nagsalita.
“So ano talaga trabaho mo?” tanong niya habang nakasandal sa upuan. “Hindi ka kasi mukhang full-time driver.”
Napangiti si Mingyu habang nakatingin pa rin sa daan. “Grab driver talaga ako tuwing gabi.” sagot niya. “Pero VA talaga main work ko.”
“Ah, kaya pala.” sabi ni Jaehyun. “Mukhang sanay ka sa puyatan.”
“Kailangan.” natatawang sagot ni Mingyu. “Mahal mabuhay ngayon.”
Tumango si Jaehyun habang tahimik na tinitingnan si Mingyu mula sa kanyang pwesto. Hindi niya maiwasan na hangaan ang itsura nito na kahit sa simpleng itim na polo ay lumalabas ang laki ng katawan at ang natural nito na tikas. Para sa kanya, ang lakas ng dating niya.
“May asawa ka na ba?” biglang tanong ni Jaehyun. “Nabanggit kasi ng kaibigan ko na magka edad lang tayo kaya curious ako. Kung hindi mo sana mamasamain.”
Saglit na natahimik si Mingyu bago siya tumungo. “Meron na.”
“Sayang.” biro agad ni Jaehyun bago siya natawa nang mahina. “Nagbabakasakali pa naman sana ako. Biro lang!”
Napatawa tuloy si Mingyu at napailing. “Galing mo mag biro, Jaehyun, ah. Kayo ba? May asawa na rin?”
“Meron.” sagot ni Jaehyun habang nakatingin sa kalsada. “May anak na rin kami.”
Napalingon sandali si Mingyu. “Talaga? Ilang taon na?”
“Three years old.” Napangiti si Jaehyun pero may halong lungkot ang mukha niya. “Actually twenty-three pa lang ako, na-assign na agad ako sa US. Tapos nung nakauwi ako ulit around twenty-five, dun kami nagpakasal ng asawa ko. Ilang buwan lang, nagkaanak agad kami.”
Tahimik siyang napabuntong-hininga. “Ang hirap lang.” dagdag niya habang nakatingin sa bintana. “Kasi kailangan ko na naman umalis. Pakiramdam ko ang dami kong nami-miss habang lumalaki anak ko.”
Tahimik na tumango si Mingyu. “Mahirap talaga mahiwalay sa anak” sabi niya. “Pero minsan wala rin tayong choice. Buti na lang siguro nagkakasundo kami ng asawa ko sa buhay na meron kami ngayon. Kailangan lang talaga kumayod para sa pamilya.”
“Kaya nga.” sagot ni Jaehyun.
Sandaling natahimik ulit ang kotse habang mabagal silang umaandar sa EDSA. Maya-maya ay muli siyang napalingon kay Mingyu.
“Kayo ng asawa mo? Kamusta naman?”
“Okay naman,” sagot ni Mingyu. “LDR lang din kasi OFW siya. Wala pa kaming anak.”
Tahimik na napalingon si Jaehyun sa kanya. “Buti na lang wala pa kayong anak.”
Bahagyang ngumiti si Mingyu habang hawak ang manibela. “Kahit gusto namin minsan, hindi pa ideal. Mahirap lalo na’t wala ’yung isa sa amin. Mas okay na rin siguro na less pressure muna.”
Tumango si Jaehyun para sumang ayon. “At least makakafocus ka muna sa trabaho at pag-iipon. Sarili mo nalang muna iisipin mo at buhay ng asawa mo kung paano kayo mabubuhay.”
Napatawa nang mahina si Mingyu. “Parang hindi rin madali ‘yun.”
Natawa rin si Jaehyun at napasandal sa upuan. “So technically.” biro niya habang diretso lang ang kanyang tingin. “Pareho pala tayong tigang.”
Napatawa tuloy si Mingyu nang mas malakas kaysa kanina. “Mukhang ganun na nga.”
Habang binabaybay nila ang kahabaan ng EDSA sa bandang QC ay napansin ni Jaehyun ang isang bukas pang Dunkin’ Donuts sa gilid ng kalsada.
“Uy.” sabi niya habang nakaturo sa unahan. “Kape tayo?”
Napatingin si Mingyu sa direksyon na tinuturo niya saka bahagyang ngumiti. “Sige ba.”
Dahan-dahang lumiko pakanan si Mingyu papasok sa drive-thru lane. Tahimik lang muna sila habang nakapila, tanging mahinang tugtog lang ng radyo at ugong ng aircon ang maririnig sa loob ng sasakyan.
“Ano gusto mo?” tanong ni Jaehyun.
“Kahit ano lang.” sagot ni Mingyu. “Ikaw na bahala.”
“Wala sa menu ang kahit ano lang.” natatawang sabi ni Jaehyun. “Ako na nga manlilibre.”
Napatawa nang mahina si Mingyu. “Sige… iced coffee na lang. Salamat.”
Pagdating nila sa ordering window ay si Jaehyun mismo ang nag-order at nagbayad gamit ang credit card niya.
Makalipas ang ilang minuto ay umusad sila papunta ng claiming window. Binuksan ni Mingyu ang bintana niya at inabot ang dalawang iced coffee na nasa plastic at inabot kay Jaehyun habang nakahawak pa rin ang isa niyang kamay sa manibela.
“Thanks!” sabi ni Jaehyun habang inaabot ang plastic.
Paglabas nila ng Dunkin’ ay muli nang bumalik si Mingyu sa main road habang dahan-dahang umaandar papunta ng NLEX.
Nilagay muna ni Jaehyun ang sarili niyang kape sa drink holder na nasa pagitan nilang dalawa bago niya inabot ang para kay Mingyu.
“Here’s yours.” sabi niya. “Inom ka muna, pampagising.”
Pag-abot niya ng kape ay biglang nadulas ito sa kamay niya.
“s**t—”
Biglang tumapon ang buong laman ng baso ng iced coffee at dumeretso sa harapan ni Mingyu.
“Ah, f**k—sorry! s**t!” gulat na sabi ni Jaehyun habang kinuha ang nasa pagitan agad hinahawakan ang baso.
Kahit malamig ang kape ay mabilis itong kumalat sa polo ni Mingyu hanggang sa pantalon at upuan nito.
“Sorry, sorry—s**t, ang tanga ko—pasensya na talaga, Mingyu!”
Tinabi niya muna ang baso at at dali-daling binuksan ni Jaehyun ang compartment sa harap niya habang naghahanap ng tissue at alcohol.
Tahimik lang na natawa si Mingyu habang nakatingin pa rin sa daan.
“Huy, ayos lang.” sabi niya. “Relax ka lang.”
“Hindi, pare, basang-basa ka.”
“May tissue dito.” sabi ni Mingyu habang bahagyang nakaturo sa gitna nilang dalawa. “Secret compartment ’yan. Buksan mo lang.”
Mabilis itong binuksan ni Jaehyun at agad siyang kumuha ng tissue at alcohol.
Habang nagpapatuloy sa pagmamaneho si Mingyu ay nagsimula na nitong buksan pababa ang ilang butones ng polo niya dahil dumidikit na sa katawan niya ang basa at malagkit nitong damit.
“Excuse lang, ah.” sabi niya habang inaabot ang unang butones ng polo niya. “Bubuksan ko lang ’to saglit. Malagkit sa pakiramdam ‘to mamaya.”
At doon napatingin si Jaehyun.
Sa ilalim ng mahinang ilaw na nagmumula sa dashboard ay nasisinagan nito kung gaano kalaki ang hubad na katawan ni Mingyu—-malapad at malaking dibdib, malawak na balikat at bahagyang sumisilip ang naiipit na abs habang tinatanggal niya ang butones ng buong polo.
“Grabe…” hindi sinasadya na pag bulong ni Jaehyun.
“Hm?” tanong ni Mingyu habang bahagyang napalingon.
“Wala.” mabilis na sagot ni Jaehyun bago natawa nang alanganin at mukhang kinabahan. “Kasalanan ko talaga ‘yan, sorry talaga! Bili na lang tayo ng panibagong kape sa susunod na stop over.”
“Sabi ko nga, okay lang.” natatawang sabi ni Mingyu.
Saktong papasok na sila ng NLEX nang magsalita ulit ito. “Pagpasok natin ng NLEX, hahanap ako ng emergency parking.” sabi niya. “Magpapalit na lang ako ng damit.”
Huminga ng malalim si Jaehyun habang hawak pa rin ang tissue. “Sorry talaga.” Sabay pagpatong ng kamay nito sa basang parte ni Mingyu para punasan.
Wala nang nagawa si Mingyu nang magsimula ulit punasan ni Jaehyun ang harapan ng polo nito.
“No need to do it, Jaehyun. Ayos lang ako.” sabi ni Mingyu habang bahagyang natatawa dahil sa pagkapilit nito.
“Hayaan mo na ’ko.” sagot ni Jaehyun habang pinupunasan ang dibdib at balikat nito. “Nakakahiya kasi.”
Noong una ay bahagyang umiiwas si Mingyu dahil sa hiya, pero kalaunan ay hinayaan na rin niya si Jaehyun.
“Ayos lang talaga sa’kin.” sabi niya nang mas mahinahon. “Pero kung gusto mo pa rin akong punasan para makabawi… wala na rin naman ako magagawa.”
Napatawa si Jaehyun nang mahina habang nagpapatuloy sa pagpupunas.
Habang nagpupunas ay napansin niya na umabot na rin ang kape at basa na rin ang mga dibdib nito dahil manipis lang na tela ang suot niya kanina.
“Sandali.” bulong niya bago kumuha ulit ng panibagong tissue at nag spray ng kaunting alcohol dito.
Medyo nahihiya pa siya habang inilalapit ang kamay sa dibdib ni Mingyu. Halatang hindi niya alam kung saan mismo pupunasan.
Napansin iyon ni Mingyu kaya bahagya itong ngumiti.
“Ayos lang.” sabi nito habang mahinahon pa rin. “Dito banda… medyo malagkit pa.”
Tinuro ni Mingyu ang parte ng kanyang dibdib na medyo nabasa ng kape. Medyo hinawi nito ang polo kaya naman mas nakabukas na ito at mas kita na ngayon ang kalakihan ng kanyang katawan.
Nagkatitigan sila.
At dahil mukhang natigilan si Jaehyun ay si Mingyu na mismo ang kumuha sa kamay nito at marahang pinahagod ang kanyang dibdib.
Halata na naiilang si Jaehyun at bahagyang nahihiya. Si Mingyu naman ay nakangiti lang, parang wala lang sa kanya ang lahat.
Tahimik lang na tumango si Jaehyun bago marahang pinunasan ang dibdib nito.
“Dito pa.” sabi niya ng mababa ang boses.
Parang natulala si Jaehyun habang hinahayaan si Mingyu na gabayan ang kamay niya. Ramdam niya ang init ng balat nito kahit malamig ang aircon sa loob ng sasakyan.
Napangiti si Mingyu nang makita ang reaksiyon niya.
“Jaehyun.” tawag nito nang mahina.
Doon lang parang natauhan si Jaehyun. “H-Ha?”
“Okay ka lang?”
Mabilis na tumango si Jaehyun at napaiwas sandali ng tingin. “Oo. Sorry ulit.”
Napatawa nang mahina si Mingyu. “Ilang beses ka pa ba mag so-sorry?”
Hindi na sumagot si Jaehyun at mahina na napabuntong hininga at nagpatuloy na lang sa pagpupunas sa dibdib at balikat nito.
Makalipas ang ilang segundo ay muling nagsalita si Mingyu habang nakatingin pa rin sa daan.
“Pati pantalon ko medyo basa rin.”
Agad naman napatingin si Jaehyun pababa. “s**t, oo nga.”
Muli siyang kumuha ng tissue at marahang pinunasan ang bahagi ng pantalon ni Mingyu na tinamaan ng kape.
Tahimik lang si Mingyu habang pinapanood siya mula sa gilid ng mata. Pagkatapos ng ilang segundo ay bigla itong bahagyang ngumiti, parang may naiisip na kalokohan.
“Actually…” sabi nito nang mababa ang boses, “pati sa harap medyo basa rin.”
Napahinto si Jaehyun.
“Baka pwede mo rin punasan?” dagdag ni Mingyu, halatang inaasar na siya ngayon.
Napatingin si Jaehyun sa kanya agad, halatang natigilan at habang si Mingyu naman ay nakangiti lang na parang inaabangan kung paano siya kikilos.
Nararamdaman ni Jaehyun kung paano nag-iinit ang kanyang mukha ngayon habang hawak pa rin ang tissue na pampunas nito. Nahuhulaan niya rin na nakakahalata na si Mingyu sa kanya kaya kanina pa siya nito tinutukso. Kanina pa rin siya nito napapansin kung paano siya nawawala sa sarili kapag nagkakatinginan sila.
Pero para mabawasan ang pagiging awkward, huminga muna siya ng malalim bago dahan dahan na inilapit ang kamay sa harapan ng pantalon ni Mingyu.
“Parang nananadya ka na, pare ah?” bulong niya habang pilit pinapakalma ang sarili.
Tahimik lang na nakangisi si Mingyu habang hawak ang manibela. “Wala akong ginagawa.” sagot nito, halatang natutuwa sa reaksyon ni Jaehyun.
Dahan-dahang pinunasan ni Jaehyun ang bahaging natamaan ng kape sa harapan ng pantalon nito. Kahit pilit siyang nakatingin sa tissue at hindi sa katawan ni Mingyu.
At habang tumatagal ang pagdampi ng kanyang hawak na tissue sa harapan niya ay pakiramdam nito na may gumagalaw sa loob, parang may unti-unting nagigising na at tumitigas.
Namula naman ang mukha ni Jaehyun at parang pinagpapawisan ang mga kamay nito at noo. Napansin yata iyon ni Mingyu dahil bahagya itong natawa.
“Relax ka lang.” sabi nito nang mababa ang boses. “Meron ka rin naman neto, diba?” Saka niya hinawakan ang tumitigas nitong kargada at hinulma sa labas ng pantalon—sapat para makita ni Jaehyun na tama ang hinala nito na ang burat nito ang kanyang nahawakan at naramdaman.
Pilit na natawa ni Jaehyun at lumalakas ang t***k ng puso kaya umayos na ito ng upo at tinapon sa plastic ang pinag gamitan nito na tissue.
“Malamang, meron. Ikaw ba naman na halatang nanggagago kahit may jetlag ‘yung tao, oh.”
Mas lumawak ang ngisi ni Mingyu pero hindi na ito nagsalita pa.
Sandali na natahimik ang dalawa habang patuloy sila na bumabyahe sa sa loob ng NLEX. Kaunti na lang din ang kasabay nilang sasakyan sa kalsada.
“Buti na lang weekday ngayon.” sabi ni Mingyu habang dahan-dahan na pinipila ang sasakyan sa toll gate. “Usually, kung weekend ‘to baka traffic pa rin dito sa pila.”
Tumango lang si Jaehyun habang tinatanaw kung gaano pa sila kalayo sa kahera. Tahimik lang siya, pero magulo ang isip.
Pagkabayad nila ng toll ay agad na dumiretso si Mingyu sa pagmamaneho at agad din ito na nakahanap ng pwedeng mapagparkan panandalian.
Dahan-dahan niya na ipinarada ang sasakyan at binuksan ang signal lights para makita sila ng mga dumadaan na mga kotse.
“Saglit lang, ah.” sabi ni Mingyu habang inaabot ang seatbelt. “May kukunin lang ako sa likod.”
Tahimik lang na umoo si Jaehyun.
Pagkababa ni Mingyu ay hindi maiwasan na sundan siya ng tingin ni Jaehyun mula sa dashcam. Sa ilalim ng ilaw na dala ng mga poste at ng mga sasakyan ay kita pa rin nito na nakabukas pa rin ang kanyang polo at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napaisip si Jaehyun kung sinasadya ba talaga iyon ni Mingyu o hindi.
Napabuntong-hininga siya ng mahina.
Pakiramdam niya ay umiinit ang kanyang pakiramdam habang mas lalong lumilinaw ang pagkita niya sa itsura ni Mingyu mula sa dashcam. Hindi niya maiwasan na tigasan habang nakatitig sa imahe ng driver at saka bumukol na sa kanyang pantalon ang naninigas nitong burat.
Kanina pa niya kinokontrol ang sarili ngunit iba ang tukso na dala sa kanya ni Mingyu. Isang malaki, gwapo, at matikas na lalaki.
Dahil sa pag bukol ng kanyang pantalon ay halos halata na ito sa hapit nito sa suot nitong maong, agad nitong hinubad ang leather jacket na kanyang suot at ipinatong sa kanyang hita para matakpan ang kumakawala nitong kargada.
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na si Mingyu sa kotse at may dala itong adidas na duffle bag.
“Ano pala, dito na lang ako sa loob magpapalit ng damit.” Sabi nito habang isinasara ang pinto. “Mas may makakakita pa sa akin sa labas kasi.”
“O-okay lang.” sagot ni Jaehyun habang pilit na pinapakalma ang sarili.
“Saka fully tinted naman ang kotse, ikaw lang makakakita sa’kin.” Ngumiti si Mingyu sa kanya bago niya simulan na tanggalin ang basang polo.
Nagtagpo ang mga mata nila habang tuluyan na hinubad ni Mingyu ang kanyang polo, at saka kumindat kay Jaehyun na parang alam na alam ang epekto nito sa kanya.
At doon tuluyang bumungad sa kanya ang kabuuan ng katawan nito na kanina pa niya pilit na iwasang tingnan.
Kitang kita na niya ng buo kung gaano talaga kalaki ang dibdib nito, ang hubog ng kanyang tiyan, matigas na abs, at lalo na ang mga braso nito na sobrang batak na halatang pinagtrabahuhan ng matagal sa gym.
Hindi talaga maiwasan ni Jaehyun na mapatitig. Lalo pang naramdaman nito ang pagtigas ng sariling burat sa loob ng kanyang pantalon. Pilit na pinipigilan na umaray dahil sa sikip na nararamdaman.
Napalunok si Jaehyun.
Nang nahubad niya na ang polo ay inilapag muna ni Mingyu sa gitnang upuan bago niya kinuha sa kanyang bag ang itim na shirt na kanyang dala.
“Okay lang ba rin kung dito na rin ako magpalit ng pantalon?” tanong niya habang sinusuot ang tshirt at nakatingin kay Jaehyun. “May shorts naman ako dito.”
Bahagyang nauutal si Jaehyun habang tumatango. “S-Sige lang.”
“Thanks.” sagot ni Mingyu nang may mahinang ngiti.
Hindi inaalis ni Mingyu ang tingin habang dahan-dahan niyang tinatanggal ang pagkakabutones ng pantalon niya. Tahimik lang si Jaehyun, pero halatang sinusundan ng mga mata ang bawat galaw nito.
Pagkababa ng pantalon ay bumungad ang mahabang biyas ni Mingyu at ang itim nitong boxer briefs na lalong nagbigay-diin sa laki at tikas ng katawan nito.
Napaiwas sandali si Jaehyun ng tingin pero mabilis ding bumalik ang mata niya rito.
Kitang kita niya rin kung gaano tumalbog palabas ng pantalon ang tinatago nitong kargada. Mukhang malaki. Kahit na daplis nito na naramdaman kanina ay iba pa rin pala ang itsura nito kapag nakalabas.
Napalunok ito ng laway dahil kita niya kung gaano humuhulma ito sa boxers niya. Nakapahaba, nakahiga, at mukhang hindi pa tuluyan na matigas pero bumabakat na agad. Mas lalong nag-iinit ang kanyang pakiramdam kaya naman umayos na ito ng upo at umiwas na ng tingin kay Mingyu.
Napansin naman ito ni Mingyu kaya tinanong niya ito kung bakit bigla siyang nanahimik.
Natawa si Jaehyun at tumingin sa kanya. “Wala naman.” Sabi nito. “Baka jetlag nga lang. Pero ‘di naman masama pakiramdam ko. Baka wala lang din epekto talaga ‘yung kape.”
Umoo si Mingyu ng mahina habang inaayos ang pagkakasuot ng kayang shorts. “Baka hindi matapang ‘yung kape na nabili mo.”
“Baka nga.”
Maya-maya ay itinuro ni Mingyu ang paper bag na nasa gitnang upuan.
“Kain ka muna.” sabi ni Mingyu. “Nandiyan lang ‘yung binili kong pagkain para sa’yo. May tubig na rin.”
Doon lang napansin ni Jaehyun ang paper bag na nasa likuran nila. Akala niya kasi ni Mingyu na doon siya uupo kanina kaya hindi niya ito agad napansin.
Inabot ni Mingyu ang paper bag at saka binuksan. Inabot niya ang loob nito na disposable bowl na may chicken teriyaki at brown rice.
Napangiti agad si Jaehyun. “Mukhang masarap! Ang bango na rin kaagad. Salamat, Mingyu!”
“Wala ‘yun. Pampalaman lang ng tiyan bago bumiyahe.” sagot ni Mingyu habang nakasandal sa upuan. “Sabi mo gutom ka, kain ka na.”
Ngumiti si Jaehyun at sinimulan na buksan ang takip at agad na naamoy ang pagkain.
“Eh bakit ako lang ang meron?”
“Kumain na ako kanina habang naghihintay sa airport.” sabi nito. “Ayoko na rin masyado kumain kanina, baka antukin ako sa byahe.”
Tumango si Jaehyun at saka inalok si Mingyu kumain sabay kumuha ng unang subo.
“Hindi mo pala muna paandarin ang kotse?” Tanong nito.
Umiling si Mingyu. “Mamaya na. Kumain ka muna ng maayos.”
“Ayos lang naman sakin kumain habang naandar. Baka malayo pa uuwian mo pagkahatid mo sa’kin.”
Napatawa si Mingyu bago humarap kay Jaehyun.
“Hindi ba nabanggit sa’yo ng kaibigan mo na taga-Bulacan din ako?”
“Talaga?” natatawa na sabi ni Jaehyun. “Buti naman kung ganun! Kasi halos dulo pa ‘yugn amin. Ayoko rin sana bumiyahe ng gabi kaso wala naman ng available flights.”
“Ayos lang ‘yan.” sagot ni Mingyu. “Sanay ako na bumiyahe ng madaling araw. Diba pang-gabi ako pag nag-grab.”
Habang kumakain si Jaehyun ay unti-unting nawala ang tensyon at kaba na kanina pa bumabalot sa kanya. Bumalik ang pagiging komportable niya kay Mingyu na parang mas naging normal ulit ang ihip ng hangin sa loob ng sasakyan.
Marami na sila napagkwentuhan habang siya ay kumakain. Mga lugar sa Bulacan na pareho nilang alam, paano nila nakilala ang kanilang mga asawa, plano sa buhay, trabaho, kung kailan babalik ng US si Jaehyun.
Hindi niya namalayan na kalahati na pala ng pagkain niya ang naubos nito.
“May hobbies ka ba, Mingyu?” tanong ni Jaehyun bago siya uminom ng tubig.
Napaisip si Mingyu bago sumagot.
“Hmm. Basketball minsan. Hiking kapag mayaya ng mga kaibigan. Tapos ang madalas ay gym.”
Napangiti agad si Jaehyun. “Hindi na rin nakakagulat.”
Napalingon si Mingyu. “Bakit naman?”
“Halata na sa’yo, tingnan mo katawan mo.” natatawang sabi ni Jaehyun. “Mukha kang finished product ng anytime fitness.”
Napatawa tuloy si Mingyu.
“Ang healthy naman pala ng lifestyle mo.” Dagdag ni Jaehyun habang sinusukat niya ng tingin ang katawan ng kausap.
Hindi rin 100%.” sagot ni Mingyu habang nakangiti. “Dinidireksyon ko lang sarili ko sa magandang lifestyle. Umiinom din ako ng alak tapos night shift pa trabaho ko. Para lang kahit papaano ay balanse pa rin.”
Tumango si Jaehyun habang kumukuha ulit ng subo.
Pero grabe talaga katawan mo.” sabi niya ng diretsahan. “Ang laki. Ang linis tingnan. Alam mo, sigurado marami nagkakagusto sa’yo, babae o bading?
Napailing si Mingyu habang natatawa. “Saktuhan lang.”