Mahigpit na nakakapit si Allen sa manibela ng kotse habang mabilis niya itong pinapaandar. Siya ay galit na galit sa kaniyang nalaman tungkol sa pam-bu-bully ng mga kaklase ni Jin Jr. He found out from Warren that his brother had been bullied for several months due to his popularity in school, including his kindness. Marami ang nainggit kung kaya marami rin ang gustong siraan siya. Warren had long wanted to tell him what had happened, but Jin Jr. begged him not to, especially to their mother. The young man doesn't want his family to be worried, because he assumes they are only teasing him.
He had no idea na hindi basta-basta asar lang ang natatanggap niya. Masyado siyang mabait at mahinang kumilatis ng tao kung kaya madali siyang nauuto. With this, unti-unti rin siya kinukuhanan ng pera na ang paalam lang nila ay hiram lang o hindi kaya may anumang nangyari sa kanila kaya kailangan nila nito. Mabilis maawa at mapaniwala si Jin Jr. — ibang iba sa kamukha niyang ama — sa kanilang kasinungalingan at nababahagian niya ito. Minsan pa nga ay halos siya na ang nagbabayad ng mga pagkain at kung ano-anong bagay na pinapabayad sa kaniya. Hanggang sa dumating ang punto na nalaman niya ang dahilan ng pakikipagkaibigan nila sa kaniya.
Nalaman niya ang totoong ugali at dahilan noong marinig niya ang pag-uusap ng mga ilan niyang kaklase sa likod ng school. He was deeply hurt, pero isinantabi lamang niya ang narinig. Ang mahalaga sa kaniya ay napapasaya ang mga kaibigan(?) niya. Subalit ang kaniyang kabaitan ay may hangganan din nang niyaya siya ng mga grupo ng kalalakihan at hiningan ulit siya ng pera upang bumili ng ipinagbabawal na gamot.
Sa hapon na iyon, siya ay tumakas kay Warren kung kaya walang kaalam-alam ang lalaki sa nangyari. He assumed Jin Jr. was still inside the school, practicing soccer. Nalaman lang niya na ito ay tumakas after receiving his call. Hingal na hingal at bakas sa tono nito na nanghihina ang binata kahit ito ay tumatawa. Agad na pinuntahan ni Warren si Jin Jr. at nadatnan niya ang bugbog-sarado na kalagayan nito.
Bago pa siya nito buhatin, nakiusap muli siya kay Warren na huwag ipaalam sa kaniyang pamilya ang nangyaring pambubugbog ng mga itinuturing niyang mga kaibigan. Nakiusap din siya na magdahilan sa ina na siya ay hindi makakauwi ng bahay.
That time, nagdesisyon si Warren na huwag nang tumahimik sa tunay na kalagayan ng binata. Patago nito ipinaalam kay Allen ang nangyari.
Pagdating ni Allen sa clinic na kung saan pagmamay-ari ng kanilang organization, una niyang nakita si Warren. Binati siya nito habang ito ay kinakabahan.
"I'm sorry, boss, nang dahil sa kapabayaan ko, nangyari po ito sa kaniya. I deserve to die." Pagkasabi, agad niya kinuha ang isang dagger at tinutok sa kaniyang leeg. Mas nanaisin niyang mamatay sa sariling mga kamay kumpara kay Allen. Kilala niya ito — kilala nila ito. Sa oras na sila ay nakagawa ng kamalian, hindi basta-basta kamatayan ang ibibigay ni Allen na parusa sa kanila.
Meanwhile, Allen didn't faze at all kahit may tumutulong dugo na sa leeg ni Warren. "Jin treats you more than his bodyguard; if you die, he will be lonely. Just do your job, and don't ever let it happen again… One more thing, don't tell Mom about this hanggang wala akong sinasabi," he commanded at saka niya iniwan ang lalaki.
Nagpasalamat si Warren sa kabutihang ipinakita ni Allen sa kaniya. Siya ay yumuko at tinago na ang dagger.
Warren treats Allen in this manner because he is also one of Allen's people. When Maxine was looking for a bodyguard for her younger son, Allen introduced him to her. This is also why Warren called Allen rather than Maxine first. Alam din niya na mapapahamak siya kapag pinaalam niya ito sa kanilang ina na walang pahintulot ni Allen, ang tunay niyang amo.
Pagpasok sa silid ng kapatid, nakita niya na tumatawa ito habang kausap ang isang doktor. Pinapakita pa niya sa matanda na maayos ang katawan hanggang sa nakaramdam siya ng kirot nang pinaikot-ikot niya ang braso. Nang dahil doon, pinagtawanan siya ng lalaking doktor at pinagsabihan na hindi pa siya maayos at kailangan pa niya magpagaling.
"Copy po, doc," naiilang na sagot ni Jin Jr. habang kinakamot ang batok gawa ng hiya. After a while, he noticed his brother. Siya ay kinabahan na baka kasama nito ang ina nila. "K-Kuya…" Inayos niya ang pagkakaupo sa kama, sunod siyang napalunok.
"Oh siya… Mauuna na ako," paalam ng doktor, sunod siyang tumayo at ningitian ang binatilyong si Jin. Pagkatapos, nilisan na niya ang magkapatid.
"Kuya, ano, umm… K-Ka…Kasama mo ba si Mommy?" kinakabahan niyang tanong. Siya ay sumilip at nakita ang nakakunot na noo ng kapatid. "Patay! Galit na si Kuya!" isip niya. "S-Sorry, kuya…"
Huminga nang malalim si Allen. The sole reason why he's so pissed is because of his younger brother pitiful appearance. Hindi siya makapaniwala na may kapatid siyang mahina na kailangan pa niyang protektahan, minu-minuto. "Why are you apologizing? Hindi ka dapat ang siyang mag-sorry," panggigigil niya habang siya ay naglakakad palapit sa kapatid.
"S-Sorry…"
Mas lalo nag-init ang ulo ni Allen nang muli niyang narinig ang sorry nito. Bumuntong lamang siya ng hininga. "Sabihin mo sa akin ang mga pangalan nila. At 'wag mong susubukan na kampihan sila, Jin."
"P-Pero, kuya… b-baka–" Napatikom siya ng bibig nang makita niya ang nakakatakot na tingin ng kapatid. Gusto niyang pigilan ito dahil naniniwala siyang mapapahamak ang mga kaklase niya. Umiling na lamang siya at nagtalukbong ng kumot. Nagtago siya sa kapatid.
"Don't worry, hindi ko sila sasaktan. Mga menor de edad pa lang sila, hindi pa matured ang mga utak. Pagsasabihan ko lang," he assured him with a calm voice.
"Talaga?" Sinilip niya ang kuya at nakita ang mainit nitong ngiti. Siya muli ay napaniwala at nakahinga nang maluwag.
Sa gabing iyon, inumpisahan na niyang ikuwento ang lahat: ang pagtrato nila sa kaniya, ang naramdaman niya, ganoon na rin ang mga pangalan nila. Taimtim naman na nakikinig si Allen at tinatanda ang mga pangalan na nasambit.
"Why are you not mad at them? I can't believe you don't have any remorse of all the things they did to you," he angrily asked, clenching his teeth.
"Nakaramdam din ako ng galit sa kanila, sa totoo lang. But you see, Kuya, I can't blame them since I'm also at fault here. I let them devour and use me, kahit I'm aware how they treated me. Siguro, ano… tangà lang siguro ako, kuya," natatawa niyang tugon na may malaking ngiti sa labi. "Ewan ko ba ba't ganito ako… Alam kong nasasaktan ako, pero I just let them be do whatever they want… As long na nakikita ko silang masaya, okay na rin ako."
"This is why I hate you," isip ni Allen. He bit his lower lip out of frustration. He felt mad because of how naive Jin Jr. was and guilt as well when he recalled all of his awful things he did to him.
"Umm, kuya? Isusumbong mo ba ako kay Mommy?"
"No," he abruptly response. "Huwag mo na problemahin about do'n. Ako na bahala kay Mom pati na rin sa school mo… I advised you na huwag ka muna pumasok. Magpahinga ka muna. Papasok ka lang kapag magaling ka na," he seriously commanded. "And I hope, what happened to you taught you a lesson... It's okay to be kind, Jin, but certainly not all the time. Just look at you. Because of your kindness, you became like that."
"Okay, kuya. It's just that, umm, ang hirap kasi mag-hindi sa kanila," natatawa niyang sambit habang kinakamot ang batok. Kahit siya ay nakangiti, bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Pinatong ni Allen ang kamay sa buhok nito at dahan-dahang hinahaplos. Nasiyahan naman ang binata sa ginawa ng kuya. Naramdaman niya ang pagmamahal nito sa kaniya kahit hindi inaamin. Napapikit habang bumubungisngis siya sa ginagawa nito. On the other hand, bahagyang napangiti si Allen sa cute na reaction ng kapatid.
Nang mga oras na iyon, sabay silang kumain ng hapunan at pinagpahinga na ni Allen ang kapatid. Agad din siyang kumilos upang pagbayaran ang mga taong nambugbog sa kaniyang kapatid.
Hindi natulog si Allen pati na rin ang ilan niyang mga tauhan upang imbestigahan ang lahat ng mga gumawa ng masama sa kapatid. Inalam din niya ang background at pamilya ng mga ito. Inisa-isa niyang basahin iyon sa paghihiganti na kaniyang naisip.
Sa nagdaang mga araw, habang nagpapagaling si Jin Jr., unti-unti naman nagdudusa ang mga pamilyang kumalaban dito. Hanggang sa tuluyan silang masira.
When Jin Jr. returned to school, he was perplexed by the sudden departure of his other classmates, as well as the bad gossip about them. However, nang matukoy kung sino-sino ang mga iyon, he got cold feet of the thought that his brother was to blame for all of their misfortunes. Despite his feelings of fear and pity, nakahinga rin siya nang maluwag sa nangyari. Sa huli, hindi na niya pinagtuunan pa ng pansin ang mga iyon. Inisip na ginawa iyon ni Allen dahil sa pagmamahal nito sa kaniya.
Sa kabilang banda, abala naman si Fresha sa paghahanda ng gagamitin niya sa vacation nila. "Hmm… I think okay na ito," bulong ni Fresha.
Noong nakaraang araw, tumawag si Allen sa kaniya upang ipaalam ang tungkol sa outing nila. Siya ay kinilig sapagkat muli niya maso-solo si Allen. Nang matanggap niya ang tawag, agad siyang naghanda ng magaganda at sexy na damit para muli akitin si Allen. She even bought a variety of condoms in different sizes, hindi kasi siya sure kung ano ang size nito. Pero siya ay humiling na malaki sana ang kargada ng binata.
Dumating ang araw na sila ay mag-a-outing na sa beach, halos gusto na siyang sumigaw sa inis nang makita niya ang sariling pamilya at pamilya ni Allen na nasa daungan. Akala niya noong una na sila lang dalawa ang magsasaya, ngunit hindi niya inaasahan na isasama pala ni Allen ang mga pamilya nila.
"Oh, Isha? Ba't ganiyan ang mukha mo? Bakit ka nakasimangot? Para kang binagsakan ng langit diyan," Trisha asked to her daughter.
"Gano'n nga ang nararamdaman ko ngayon, Mi. Nakakaloka…" buntong hininga niyang tugon. Maya-maya pa ay nagpaalam siya sa ina upang batiin si Maxine. "Hello po, tita."
"Hi, Fresha, anak. Kumusta ka na? Paganda ka nang paganda, ah." She chuckled softly.
"Thank you. Always naman, tita," kinikilig niyang pasasalamat at saka niya ito kinindatan. Nag-umpisa na silang magkuwentuhan habang hinihintay nila si Allen.
After a couple of minutes, Allen arrived with a big, black yacht. And then dinala na niya sila sa isang malaking isla na pagmamay-ari niya. Halos kalahating oras din ang binayahe nila papunta sa isla. Naging sulit naman ang pagpunta nila nang makita nila ang ganda ng lugar, lalo na kung gaano kalinaw ang karagatan. Puting puti ang purong buhangin nito na parang nasa ibang bansa sila. Lahat sila ay tunay na namangha at nasabik nang lumangoy.
Sa katunayan niyan, ang isla na iyon ay isa sa ninakaw ni Allen sa isa sa mayayamang taong kumalaban sa kaniya. Kung kaya ngayong beses lamang nakita nina Maxine at Jin Jr. ang lugar. Nagdahilan na lang ang binata noong nagtanong sila sa kung papaano siya nakakuha ng ganoong kalaking isla.
"Wow! Kuya! Talagang niregalo nila ito sa iyo!? Ang cool naman!" hindi makapaniwalang tugon ni Jin Jr. "Parang gusto ko na tuloy maging sculptor, kaso… hindi naman ako magaling. Baka pinatigas na poo-poo lang ang magagawa ko sa kanila." Siya ay nalungkot. Pinagtawanan na lamang siya ng ilan.
Pagsapit ng tanghali, ang ilan ay masayang lumalangoy sa malinaw na karagatan at ang iba naman ay nagluluto ng kanilang tanghalian. That time, dumating sina Mauie at ang asawa niya na si Chloe kasama ang mga anak nila at ang kakambal ni Chloe na si Chris. Hindi rin mawawala ang magkasintahan na Leslie at Erica at ang mag-asawa na Jana at Danielle, kasama ang nag-iisa nilang anak na si Thea. Lahat sila ay sinundo ni Allen gamit ang yate.
Maxine, Jana, and Leslie hadn't seen each other in a long time and were delighted to see each other again.
"Maxine!" tili ni Jana habang patakbo niyang pinuntahan ang kaibigan, niyakap niya ito habang patalon-talon sila sa galak. "Oh my gosh, sissy… I miss you!"
"I miss you too, sis!"
"Guys, nandito rin ako. And… na-miss ko rin kayo," singit ni Leslie sa kanila.
Sabay na tumingin sina Maxine at Jana kay Leslie. Mga ilang sandali pa ay nagtawanan silang tatlo na sila lang ang nakakaalam kung bakit sila ay tumawa. Nagyakapan din sila at nagkuwentuhan.
"So, ano na ba ang chika? Bakit wala raw si bakla?" Jana asked.
"I don't know, baka nagmumuni-muni pa siya. Alam mo naman… kabe-break up lang nila ng boyfriend niya last week," sagot ni Maxine. "Sana naman makahanap na siya ng true love."
"Sus! Paano makakahanap ng true love iyon, eh, pera palagi ang hinahanap niya sa mga lalaki," mataray na usap ni Leslie.
"Leslie naman…" pigil ni Maxine.
"I'm just saying… Totoo naman kasi. Puro kasi sugar daddy ang hinahanap niya kaya expected na pókpók ang itatrato nila sa kaniya. Nakakainis!" singhal ni Leslie. Natigilan naman ang dalawang magkaibigan. "Ang hirap kasi sa kaniya, ilang beses ko na siya pinagsasabihan, pero ang gàga… gano'n pa rin siya — hindi na nagbago… Tapos panay reklamo siya kesyo palagi siya iniiwan o sinasaktan ng mga iyon, eh, siya nga, ATM ang trato niya sa kanila. Expected na magiging shítty ang relationship nila. Kaloka… P'wede naman kasi magsaya — puwedeng puwede talaga! Lumandi siya kung gusto niya, pero diyos ko naman! Hindi na siya bata para gawin iyon! Tumatanda na siya! Need din niya ng stable and healthy relationship."
"Whoa~ Ang súso, baka mahulog– este ang puso pala," Jana stated, hinimas naman niya ang braso para mapakalma niya ito.
"Ang tigas talaga ng ulo niyon kahit kailan!" panggigigil ni Leslie.
"Umm… Sis? You know… nagawa naman din natin ang role natin as her friend niya. It's up to her kung tatanggapin ba niya 'yong advice natin o hindi. Buhay na niya iyon. Matanda na siya at kung iyon talaga ang bet niya sa buhay, e 'di go… Push niya. I think much better naman kung i-support na lang natin siya," usap ni Jana, hindi niya tukoy kung tama ba ang sinabi niya.
"Suportahan ang katàngahan niya, ganoon ba?" mataray na usap ni Leslie.
Nakutuban naman si Maxine sa maaaring kahihinatnan ng pag-uusap nila. Matagal-tagal na silang hindi nagkakasama at ayaw naman niya na magkaroon ng gulo. She immediately interrupted their conversation and invited them to eat habang yakap ang braso ng dalawa. Nagresulta iyon ng unti-unting pagkawala ng tensyon sa kanila at naging maayos ang kanilang araw, maliban nga lang kay Fresha na kanina pa bad mood simula nang dumating sila ng isla.